Child on duyan (Photo credit: flickrhivemind)

Child on duyan (Photo credit: flickrhivemind)

I was five years old noong una akong nagkaroon ng duyan sa ilalim ng punong mangga. Tuwang-tuwa ako habang urong-sulong ka sa pag-ugoy sa akin, tila walang katapusan ang ating tawanan… hanggang sinabi ko sa ‘yo na puwede mo na akong bitawan.

Kahit alanganin ka dahil sa pag-aalala na baka akoy mahulog, nanaig pa rin ang aking kakulitan, sinabi ko naman sa ‘yo kayang kaya ko na, kaya’t maari ka ngbumitaw sa duyan.

Grade three ako ng tinuruan mo akong mag-drive ng bisikleta. Nasa tabi kita habang tinuturuan mo akong magbalanse at sabay sabing tumingin ka sa harap, Johnloy…

Paulit-ulit mo akong tinuruan, hanggang sa matuto ako at muli ay sinabi ko sa ‘yo na maari mo na akong bitawan.

Ikaw ang naging gabay ko sa aking paglaki. Kapag may nakakagalit ako, ikaw ang unang nagtatanggol sa akin.

You’ve been my hero, naging idol kita hanggang sa makatapos ako ng pag-aaral…

Ikaw ang isa sa reasons kung paano ko naabot ang aking mga pangarap…

Tandang-tanda ko pa noong aalis ako patungong Saudi para mag trabaho doon, umiiyak ka… Ayaw mong magkalayo tayo. Natatakot ka na sa paglayo ko ay hindi ko kayanin ang mamuhay sa bagong mundo ko, at gaya ng dati, sinabi ko sa ‘yo “I’ll be okay, Papa. Kakayanin ko ito… maging proud ka sa akin. Para sa iyo ‘to”

Months have passed na parang hindi ko namamalayan…

Nakatanggap na lamang ako ng tawag na nasa hospital ka at masama ang kalagayan.

Hindi ko alam kung paano tatanggapin ang sinabi ng doctor mo, that you only have few moths to live. Ayaw kung ipaalam sayo na labis akong nalungkot sa mga pangyayaring ‘yun. Hindi ko lubos maisip that the strongest man that I know was in the hospital, lying in bed, hopeless. Malaki na ang itinanda.

May 2008…

Umuwi ako ng Pilipinas kasi tapos na ang trabaho ko sa Saudi..

Sobrang excited ako na makita ka. Ang laki ng pinagbago mo. Pumayat ka, hirap nang magsalita, at kahit sa pagtulo ng iyong luha, alam ko kung ano ang ibig mong sabihin sa akin. Alam kong matagal mo na akong gustong makita. Alam kong miss mo na ako ng sobra. Pinigilan ko ang aking sarili na mapaluha kasi alam kong masasaktan ka. Sabi mo sa aking noon, “huwag kang umiyak sa problema. Dapat tatawa ka“.

Lumipas ang tatlong buwan.

August 30, 2008…

Biglang nagkagulo sa bahay. Angdaming taong nakaabang sa baba samantalang ako sa taas at nakikinig ng music na hindi ko man lamang nalaman na ako’y iyong hinahanap. At sa aking pagbaba, nakita ko ang mga salita sa iyong mukha na para bang ayaw mo akong iwan. Para bang gusto mo akong samahan pero alam natin na hindi mo na kaya.Aayaw kitang pagmasdan sa mga oras na ‘yun kasi unti-unting hinihiwa ang aking puso sa sakit na aking nadarama.

At muli, naglakbay ang aking diwa. Kung paano mo ako inalagaan, kung paano mo ako kinalinga at ginabayan…

Kita’y niyakap sabay binulungan “Papa, you have to let go. I’ll be okay. Kaya ko nang mabuhay mag-isa sa mundo.”

Isang pisil sa kamay ang naging sagot mo, sign na naiintindihan mo ako.

I love you, Pa… Puwede ka nang bumitaw, ako ang bahala kay grandma…

I miss you so much, Pa… Miss kita ng sobra.

My grandfather is my all-time hero. He treated me as his own son…

author: lostprophet

p.e./kf

LostprophetJL