Teen Love   (Photo credit:     Glogster)

Teen Love (Photo credit: Glogster)

Di na daw uso yung mga lalakeng naghihintay sa taong mahal nila ng napaka habang taon. (Mahaba nga ba?) mag aapat na taon na rin naman kasi simula nung sinabi ko sa kanya na may gusto ako. (sa Yahoo Messanger pa nga nun eh.)

3rd Year Highschool nun. (Uso pa yung mga pa kunwaring may sakit para kahit papaano eh mag worry siya para sa’yo) Hehe.. Ewan ko ba kung paano ako tuluyang na in love sa kanya. Where in fact mortal ko siyang kaaway noong 1st year highschool kami. ihh!

Kinaiinisan ko siya noon.  Masyado siyang feeling, isip bata tsaka ang hilig n’yang insa-under yung mga boys nun. (Feeling n’ya, siya yung reyna ng section namin).  Tinapos namin yung buong 1st year Highschool ng hindi kami nag uusap. Pero umabot kami dun sa point na nagkapatawaran.  Alam mo naman sa higshchool, palaging mabigat ang last day of class.   Dun na yung Open Forum, Iyakan at Patawaran) Pinatawad ko sya kase alam naman nya na sya yung mali dun sa Gap namin. Pumasok ang 2nd Year Highschool, medyo naiilang ako kase di pa ako sana’y na nakikipg kwn2han sa kanya. Pero pinipilit ko pa rin. (Walang masyadung Spectaculus na nagyari sa 2nd Year) Eto na ang 3rd year. (Imba to! kumapit kyo) Sa unang bugso ng 3rd year, wala pa rin akong nararamdaman para sa kanya. Until dumating sa punto na naging close kami, Solid kaming naging close. Bago pa matapos yung 2007 nun. May Christmas party na magaganap sa school namin. Yung Adviser namin, Binigyan nya kami ng opportunity na mag wish sa isang card at idikit ito sa wall ng room namin. Ang linagay kong wish dun sa card eh “Kahit i-greet man lang nya ako this coming Christmas” (masayang-masaya nako nun) Natupad yung wish may kasama pang beso!

Month of February 2008 ng sumali sya sa pageant ng school namin. Siya yung nanalo, lalo akong nawalan ng pag-asang maging kami kasi dumarami na yung mga umaaligid na alipores sa kanya. Sheeezz!!

Dumating yung time na naka chat ko sya sa YM. Desidido na ko na aminin sa kanya to kase pg dating sa harapan eh na totorpe ako at napipipi. kya minabuti kong sa chat na lang sabihin yung feeling ko para sa kanya. Pati sa Chat nangignginig ang buong katawan ko at ang tagal kong di nagrereply dun sa tanong nyang “Ano Yun?” Hanggang sa na type ko na yung salitang “Inlove ako sa’yo” tagal ko ulit bago i-enter yung keyboard para makita na nya yung reply ko. Hanggang sa yun na enter kuna. Ihh nanginignig pa rin yung katawan ko lalu na nung makita ko yung chat box namin na may nakasulat “____ is typing her reply” Ihhhh!!! nung mg reply sya maikli lang. Ang sabi nya “Nice Joke” Sabi ko “di ako nag Jo-Joke, Tootoo yun” Sabi nya ” Bakit sa kanya?” Sabi ko “Bakit di ba pwede?” Ang sakit lang ng naramdaman ko nung sinabi nya sa akin na “Di pa pwede” pero ok lang. nakabawi naman ako nung rineplyan ko sya na “Baka Puppu Love lang to, mawawala din” palagay ko na offend sya dun.

Eto na ang 4th year, (Pinaka masaklap na year sa Highschool) Dumating yung point na isa sa mga classmate kong lalake ang naging close din sa kanya. (Kase, hind na kami close) Pero pa minsan-minsan eh Gin-Greet pa rin niya ako sa tuwing nagkikita kami sa school.

Dumating yung point na na-inlove din yung classmate kong lalake sa kanya, Kaso ang hirap liawan ng babaeng to. Kung sa pagwapuhan naman eh di ko maikaka-ilang may lamang sya kin. (Hehehe) Kahit na hindi naging sila, Sa Section namin sila yung Latest Love Team nung mga taon na yun. Ksi yung guy gumawa tlga sya ng way para mapa inlove yung babae. Eh kaso nga lang hindi pa pwede mkipg syota yung babae. Yun cguro yung isa sa mga advantage ng lalake sa’kin. Binuru ku lang yung nararamdaman ko :(

Ang Hirap makita araw-araw from 7am-5pm na sila yung magkasama sa room. Yung tipong papasok ka palang sa room iniisip muna kung paano mo tatapusin yung araw na yun ng hindi ka masyadong apektado sa mga nakikita mong bagay-bagay? HAHAHA..

Ang daming ginawang banat ng lalake sa babae. at take note pala, barkada ko yung lalake na yun hanggan ngayon.

Di nagtagal, hindi maikaila ni babae na na in love rin siya kay lalake..nung malaman ko yun, NAKOW! Natuto akong uminom, manigarilyo at nag-umpisa na ang tinatawag nilang “Change Image” HAHAHA.

Naging concerned yung babae sa ‘kin. Di daw sya sana’y na nakikita akong ganoon. Nagagalit siya sa ‘kin pag nakikita niya akong naninigarilyo. pero tuloy pa rin yung ginagawa ko. Para ipakita ko sa kanya na wala nakong pakialam pa sa mga sinasabi niya. Gumawa siya ng sariling buhay, gumawa rin ako ng sariling buhay. Pero deep inside, hinahanap-hanap ko pa rin yung mga sermon niya sa tuwing nagagalit siya. Hinahanap ko yung mga kilay niya na nagdidikit pag nakikita niya akong nagloloko.

Until One Day, kinausap na niya ako about doon sa issue namin..

Sabi niya “I don’t deserve your love.” Tahimik lang ako. Pagkatapos nun. Umiyak siya. Dun na ako nagstart magsalita. “Oh bakit ka umiiyak, Di ba sabi ko ayaw kitang nakikitang umiiyak?” “Ok rin naman sa ‘kin yung desisyon mo eh. Bastat hayaan mo muna ako sa ngayon, ako nang bahala sa sarili” Pagkatapos nun binigyan niya ako ng mahigpit na yakap. Dun na tumulo yung luha ko, Binalikan ko rin mahigpit na yakap. Wala akong iniisip nun kundi “Baka last Hug ko na sa kanya to, Kaya hihigpitan ko na rin” Umiyak ako nang di niya alam. Grabeh! Naalala ko tuloy yung sinabi ko sa kanya dati na “Puppy Love lang to”. Nauwi na pala sa seryosong bagay.

Natapos yung 4th year at sinabi kong “Ma-mimiss kita” sa kanya.  Sumagot din siya nang parehas.

Umabot kami sa College at naging matumal ang communication namin. But it doesn’t mean na nabawasan yung pagtingin ko sa kanya. Hanggang ngayon bastat pumatak yung February 14. Siya lang yung iniisip ko na sana darating ang araw na susunod na February 14 eh siya na yung kasama ko.

Inalis ko na rin yung bisyo ko, Isang bagay din kasi niyan na ayaw ko naman talgang gawin pero ginawa ko dahil may gusto akong ipakita. Pero sa bandang huli na realize ko na ‘di naman nakatulong, hehe.. 3rd year College na kami. 4 years na yung gap since inamin ko sa kanya hanggang ngayon na may nararamdaman pa rin ako sa kanya. Paminsan-minsan, nagkikita pa kami at nang malaman-laman ko eh ‘di naman pala sila naging mag on nung lalake na classmate ko before. Di rin daw siya nakatagal kya naghanap ng iba, Naisip ko. kung ako siguro yung lalake? Di ko na siya pakakawalan. eh wala eh,

Ito po ay kwento ng isang binata na nagmahal ng matagal..napaka Higshcool talaga ng dating. alam ko maraming naka relate, maraming namis ang highschool life. Ang lesson lang dito, “Patience is a Virtue and Good things happen to those who wait.”

Alam ng babae na nandito lang ako at hihintayin ko siya. Hayaan ko muna na unahin yung mga dapat niyang unahin. Wag kayong mawawalan ng pag-asa. Darating din yung time na ikaw naman yung aasikasuhin niya. kaya keep on pushing! Salamat sa pagbasa. ^^

author:  eck

p.e./mj