Martyr Wife  (Photo credit:     Thecastillochronicles.blogspot)

Martyr Wife (Photo credit: Thecastillochronicles.blogspot)

Kung ang basehan sa pagiging isang bayani ay ang pagpapakamartyr, malamang sa OO binabanggit na ang pangalan ko sa history class n’yo.

Hindi naman lahat ng relasyon ay perpekto, kagaya na lang ng sa amin ng asawa ko, ang masaklap nga lang kung titimbangin mas lamang ang negative sa positive na bagay sa relasyon nmn.  Ayoko mang timbangin ngunit minsan kailangan din.

Sabi nila halos perpekto na akong asawa. (sabi nila yun ah! ewan ko sa pananaw ng asawa ko!) may maayos na aral, hindi lang basta aral, my nakakabit pang MD sa huli ng pangalan ko. Maambisyon ako, kaya dahil sa ambisyon ko nakuha kong pag-aralin ang asawa ko ng kursong tinitingala ng lahat. Ginapang ko ang aral niya kasabay ng pagpapalaki at pagsustento sa dalawa naming anak.  Walang kaagapay, ako lahat!

Natapos na siya’t lahat, ako pa din. Madaming taon, ako lang! Ginawa ko lahat ng para sa kanya ngunit nagawa pa din niya akong saktan sa paraang hindi kayang sikmurain ng sino mang babae o asawa na binigay na lahat pati dignidad. Nambabae pa. Hindi lang isa, dalawa pa, tatlo, apat, lima? Hindi ko na mabilang.

Sabi ko noong dalaga ako hindi ako puwedeng lokohin ng sinumang lalake, kahit asawa ko pa, hihiwalayan ko agad. Pero mag-iiba pala talaga ang pananaw mo kung ikaw ay isang ina na. Magiging selfless ka, hindi mo na minsan magawang isipin ang kabutihan mo, para sa mga anak na lang. Para sa mga anak na lang. 

Nagawa kong tiisin lahat ng pangbababoy na ginawa ng aking asawa alang-alang sa mga bata, hnd ko hahayaan lumaki sila na hindi buo ang pamilya, magtitiis na lang ako kaysa mangyari yun. Kaya ko naman. Ayokong dumating yung araw na may galit sa puso ng mga anak ko dahil sa ginawa ng ama nila, kaya tinago ko na lang din sa kanila. Ako lang ang masasaktan, hindi ang mga anak ko.

Gusto kong maging isang mabuting ina kahit ang katumbas niyan ay pait at sakripisyo, lumaki lang silang buo ang pamilya.

Paalala: Ito ay hango sa tunay na pangyayari ngunit hindi tumutukoy sa sariling buhay ng may-akda.

author:  iamfrozenfire

p.e./mj