Padre Damaso (Photo credit: akosipadrepio)
Padre Damaso (Photo credit: akosipadrepio)

Noong nakaraang linggo ay mayroong ipinatawag na Synod ang simbahan. At bilang isang pari, isa ako sa mga dumalo. Ang lahat kasi ng mga lingkod ng diyos dito sa Pilipinas ay ni-require na um-attend. Kahit ‘yung mga prayle noong panahon ng Kastila ay imbitado. Nag-provide ang simbahan ng teleportation machine (courtesy of Engr. Dingel) para lamang makadalo sila sa Synod.

Nagkaroon ako ng tsansang makausap si Padre Damaso noong break time. (Tama ang paglarawan ni Rizal sa kanya – pandak ito at mataba. At ang ilong niya’y mamula-mula, na para bang hahatsingin anumang oras). Sa maikling panahon na iyon ay naikuwento niya sa akin na mayroon daw bagong dating sa kanilang bayan na isang mayamang negosyante. At malakas daw ang kutob niya na may masamang pakay ang taong iyon. Nang mabanggit niyang Simoun Ibarra ang pangalan ng taong ikinukuwento niya ay ‘di na lang ako umimik.

Nakapagkuwento rin ako sa kanya ng mga bagay-bagay sa kasalukuyang panahon. Medyo hindi niya naintindihan ang tungkol sa oil price hike at ‘yung Pabaon System sa AFP kaya’t isinalaysay ko na lang sa kanya ang tungkol sa EDSA Revolution. At dahil sa ito ay tungkol sa pag-aalsa ng taong-bayan laban sa mga nanunungkulan sa gobyerno ay naka-relate agad siya.

Napahaba ng kaunti ang aming usapan at marami siyang mga interesanteng opinyon na binitawan. Ngunit isa sa mga sinabi niya ang nag-iwan ng marka sa akin. Naitanong ko kasi sa kanya kung dapat na bang ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani kahit siya’y napatalsik dahil sa pag-abuso ng kapangyarihan.

Ganito ang kanyang naging sagot:

 No es puede.

An pagcaca intiende co sa El Libingan nan mañga Bayani ay ito an himlayan nan mañga Filipinong nag-alay nan dugo, pawis, y luha para sa ikabubuti nan ating Patria Adorada. Hindi bumuti an Filipinas noong nanunculan si Señor Marcos. Y despues, siya pa an nagin na dahilan cun porque maramin na mañga Filipino an nag-alay nan dugo, pawis y luha para lamang macahulagpos sa cañang mapang-abusong panununculan.

Wateber good tings he has dan are completely negated by da atrocities he has committed while in power.

Este es la lohica de mi argumento: An isa na criminal, may yugto nan cañan buhay na cia ay inosente y walang kamuwang-muwang. Yun ay noon cia ay sanggol pa lamang. Pero an cañan pagiging inosente na iyon ay hindi na isinasa-alang alang capag cia ay nacagawa nan por dios por santo! carumaldumal na casalanan. Sa mata nan batas, an mamamatay-taong iyon ay nagcasala at dapat pinaparusahan.

At hindi inililibing sa El Libingan nan mañga Bayani.

Tumunog ang kampana. Hudyat ng pag-umpisa ulit ng Synod. Habang naglalakad kami papasok ng auditorium ay naitanong ko sa kanya kung saan maganda ilagak ang mga labi ni Marcos.

“En la Bahia de Manila,” (Sa Manila Bay.) ang mabilis niyang sagot.

author: PadrePio

p.e./kf

Enhanced by Zemanta