Man in Love  (Photo Credit:   Visualphotos)

Man in Love (Photo Credit: Visualphotos)

Kaso kailangan namin lumayo dahil sa ma pansariling problema. Hindi ko na siya nakasama ng bakasyon dahil sa tinatakasang problema ng pamilya namin. Nawalan ako ng balita sa kanya, nawalan ako ng koneksiyon sa mga taong makapagsasabi sa akin kung kumusta na siya.

Dahil nagbibinata na ako, natutunan ko din na manligaw ng ibang babae, mambabae at mambola ng babae. Ang hindi ko lang maintindihan, sa dami ng babae sa mundo na nakilala ko sa dami ng taong humihigit sa kanya, pagdating ng gabi yung diwa ko ang kusang bumabalik sa kanya. Nilalabanan ko nung una dahil alam ko naman na wala na talagang pag-asa.

Nakilala ko si Anna. Maganda. Simple. Matalino. Parang siya. Sa unang pagkakataon naging seryoso ako sa relasyon. Masaya ako sa kanya. Akala ko siya na ang babaeng makakatuluyan ko at papalit sa “kanya” sa puso at utak ko. Pero kahit na ganon may mga pagkakataon parin na sumasagi “siya” sa isip ko at napapatulala ako. Minsan na siyang napagselosan ni Anna dahil di ko sinasadyang mabanggit siya. Pero dahil mahal ko si Anna sinuyo ko siya para magkaayos kami.

Isang araw bumisita ako sa tinuturing kong bestfriend ko. Nakwento ko “siya” sa kanya. Naitanong niya kung bakit di ako mangahas na bumalik at kumustahin siya. Sabi ko di bale na. Pero sobrang namimiss ko na siya. Eh siya kaya namimiss ako? Nababaliw kaya siya kakaisip gaya ng nararamdaman ko? Siguro kung parehas kami ng nararamdaman, malamang inatake at namatay na ako sa tuwa. Hindi ko namalayan na naluluha na ako habang nakatitig sa kawalan. Hindi kayang pawiin ng beer at sisig ang pangungulila ko sa taong minahal ko mula pagkabata.

Yung babaeng pinapangarap kong nakasuot ng puting damit habang inaalayan ko ng singsing. Yung babaeng magiging nanay ng mga anak ko. Yung babaeng iiwan ko sa bahay at dadatnan ko sa hapon. Yung huling taong makikita ko bago matulog at unang taong mahahalikan ko paggising sa umaga. Kung may barter exchange lang sa tadhana, ipapalit ko lahat makasama lang siya. Mahalin lang niya ako.

Sa sobrang kalasingan hindi ko namalayan na sinisigaw ko na pala ang laman ng utak ko. Hindi ko namalayan na andoon pala si Anna at dinig niya lahat ng nasambit ko. Hindi ko na yun naayos dahil wala na siyang balak makipa-ayos. Muli, noong nawala si Anna, nanumbalik ang lahat ng damdamin ko sa taong minahal ko buong buhay ko nang PALIHIM.

Noong nagkaroon ng pagkakataong bumalik ako sa amin, siya ang una kong hinanap. Nabigo ako. Wala na daw siya sa amin. Hindi ko din alam kung paano siya kokontakin. Handa na ako makipagsapalaran pero wala siya. Malamang hindi pa nga timing sa ngayon.

Naiisip ko na ang susunod naming pagkikta. Pulang rosas, puting damit. Hay ang sarap mangarap pero mas masarap kung magkaktotoo at siya ang nasa tabi ko. Muli kong naramdaman ang damdaming hindi na nakakapanibago—ang pangungulila at ang kagustuhang makasama siya.

Itutuloy….

Facebook/pirmaatpluma.com