A British nurse in 2006. ?????: ?? ?????? ????...

A British nurse (Photo credit: Wikipedia)

Madalas itanong sa ‘kin ng magulang, kamag-anak o kahit ng tsismosang kapitbahay lang kung anong kukunin nating kurso pag kolehiyo. never ko naman talagang sinagot na “magiging nurse ako” basta ang nasa isip ko lang dapat ang kukunin ko yung pag nagtrabaho ako eh makakapag-uniform ko yung naka executive attire, ‘yun bang tipong slacks na terno sa blouse na may kasamang scarf na terno din, dagdag mo na din yung hikaw terno din sa kulay ng damit mo tapos naka high heels pa kahit nagiging sakang na maglakad.

Ttapos makulay ang mukha, in other words, naka-make-up. Gusto ko yung magmumukha akong babaeng-babae tingnan, presentable, malinis, maayos, maaliwalas lagi ang mukha. In short, sa opisinang de aircon dapat ako magtatrabaho; nakaupo, nagsusulat o ‘di kaya naman patype-type sa computer kasi hindi naman na uso masyaado ang sulat-kamay ngayon, di ba?

Yan! yan ang pinangarap kong trabaho mula pa noong bata ako. Pero bakit kaya nurse ako ngayon??

Aba! malaking tanong din yan sa ‘kin. hindi ko naman nga kasi ginusto ito noon. Basta ang pagkakaalam ko lang pagkagraduate ng highschool eh pinag- exam ako ng nanay ko sa isang school para sa kolehiyo para makapasok daw ako doon. Ako naman, natural, masunurin akong anak, todo kinarir ko naman yung exam, siyempre pasado, pasok ako sa school na yun. Nag-aral nang nag- aral, yung sumunod na namalayan ko, aba! Nakaputing uniporme na ako!

Anak ng! Hindi ito ang gusto ko, maliban sa hindi ako marunong maglaba ng puti eh ang init na, nkastockings pa! jusko! Kalbaryo ang unang duty ko sa hospital, maarte akong tao, ayoko sa mikrobyo tapos ihaharap ako sa pasyenteng my TB (tuberculosis) na kung makaubo eh halos iluwa na ang buong baga, pati nga yata atay niya kulang na lang pati kaluluwa eh lalabas na sa sobrang pagkakaubo niya.

“Grabe naman Lord! Parusa ito! Bakit ako?? Bakit ako???” Yan na lang ang nasabi ko habang nangingilid na ang luha ko.  Naisip ko nang mag quit! pero teka! Baka magsalubong ang langit at lupa sa galit ng nanay ko, kaya sige na nga, paninindigan na tutal may pera daw sa nursing kaya go na lang!

Napakalaking pagsubok naman talaga ang buhay estudyante ko sa nursing, eh kasi nga di ba ayaw ko nga! Napilitan lang! Nagtapos! Naipasa ang board! At eto na, ako na lang mag-isa sa trabaho; wala na akong clinical instructor na magtuturo, God! Saklolo na ito!!

Sa bawat pasyenteng umaangal ng sakit, ng pagkabahala sa kung anong magiging lagay nila bukas o sa makalawa, sa bawat daing nila kasama ng kanilang pamilya, bawat pagluha sa pagkawala ng buhay na hiram, lahat yan ramdam ko bilang tagapag-alaga nila sa loob ng walong oras isang araw o minsan pa labing anim kung naswerteng double shift ka. Madalas sa minsan na pagka boljack sa doctor, suwerte ko pa sa malditang bantay at hindi lang full house ang pasyente pati hallway pa!   Magulo na ang hair mo nagmamantika pa mukha mo, kumain nga halos hindi ko na magawa, mag retouch pa? Sobrang layo nito sa pinangarap ko, di ba?

Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng lahat ng yan napamahal sa akin ang trabahong ito. Marahil ito talaga ang destiny ko. (huwaaaaaaw! destiny!!!) pero eto, my sigurado akong sagot kung bakit. yun ay sa kabila ng mga nabanggit kong hirap sa trabahong ito ay ang kakaibang fulfillment sa bawat pasyenteng nagpapasalamat dahil bukas lalabas na sila, o kaya dahil sa naibsan ang sakit na nararamdaman nila. Kakaiba ang dating nila para sa akin. Yun bang tipong parang dinuduyan ka sa sobrang saya at sarap dahil alam mong parte ka ng mga ngiting iyon. Nangigilid ang mga luha ko tuwing alam kong my buhay na mawawala, pero tumutulo ang luha ko pag may mga ganyang eksenang pgpapasalamat.

Kakarampot man ang sahod nating mga nurse, pero okay lang, bawing bawi naman tuwing my ngumingiti at nagpapasalamat na pasyente. walang katumbas yun!! feeling ko nga bonus na lang yung sahod. ( napa weh ka noh? haha) :D. Hindi ko na nga naisip na my pera daw sa Nursing, basta ang alam ko na lang ngayon, ang sarap lang maging Nurse!

author:  iamfrozenfire

p.e./mj

Enhanced by Zemanta