Random Thoughts      (Photo credit :  Facebook)

Random Thoughts (Photo credit : Facebook)

Busy ang buhay-buhay. Haha walang viewer yung blog site ko ngayong araw. Hindi lang pala ngayon, maraming beses na hehehe. Paano kasi halos hindi na magkandarapa sa dami ng babasahin para sa exam at wala nang time mag-update. Hays, kailan pa matapos to? Nakapapagod mag-aral. To the max ang stress level. Dagdagan pa ng iba pang stress. Double, triple o baka quadruple or more stress na. Kung puwede lang idaan lahat ng problema sa tawa o ‘di kaya sa kanta ^_^ Puwede ba? Lilipas lang, ‘di naman ma-solve.

Minsan gusto ko na ring maupo sa tabing dagat, naka-bikini (feeling sexy) with matching sunglasses at nilalasap yung  malamig na mango juice na parang donya na nag hihintay lang ng buwanang sustento. Hahaha Tipong nasa pelikula. Ang ganda siguro ng buhay ko. Mag-asawa na lang kaya ako ng foreigner para yumaman? Haha

Hindi ko lamang maiwasang banggitin. Kasi naman tayong mga pinoy e naniniwala´na kapag makapag- asawa ng foreigner ang isang tao e mayaman na agad. Kumbaga na stereo type na. Pero sa totoo lang po ‘di naman lahat ng kaso e ganyan kaginhawa ang buhay.   Lalo pa´t iba naman ang kultura ng ibang lahi. Tulad na lang dito sa Norway, bihira lang yung makaintinding asawa, na tayong mga Pilipino ay masyadong strong ang family ties.

Hindi lahat nakaintindi kung bakit hanggang tumanda ka na lang ay sumusuporta ka pa sa pamilya mo. Kaya si ate dapat pa ring magbanat ng buto. Pangsuporta sa pamilya dito at sa tinubuang lupa. Ikaw na ang pinaka- maswerteng tao kung ikaw ay uupo lang at maghihintay ng buwanang sustento. Ala Donald trump o Bill Gates na siguro ang asawa mo niyan. Pero libre naman ang mangarap. ^_^

Speaking of pangarap, isa sa pangarap ko ang magkaroon ng sariling bahay at lupa, on or before ako mag trenta anyos. Ang tagal ko ng pangarap yan. Pero hanggang ngayon e kahit lupa hindi ko ma paid up. Hahaha. Malapit na akong maging 29. After nyan 1 year na lang, ‘di ko alam kung maabot ko ang pangarap ko na yan o hanggang pangarap na lang ba. Ang gulong nga naman ng buhay. Ngayon nasa taas ka, baka kinabusan e nasa baba na. Happy ka ngayon, bukas may biglang susulpot na problema. Kaya laging butas ang bulsa.

Life is too short daw kaya dapat i-enjoy while we still can. Sa kaso ko e after pa ng eksamen yan. Ang dami pang bumabagabag sa isipan ko ngayon. Siguro magiging okay o at least maliliwanagan lang ang lahat before mag summer. Yun pala liliwanag ang paligid kasi summer, (Dito sa Norway e may midnight sun. Hanggang alas 11 o alas 12 ng umaga e prang tanghali lang. Lalo na sa northern part) hindi yung buhay ko. weh. Di ko na alam pumapasok sa utak ko. Parang walang mga kabubuluhan.

Eto yata yung resulta ng isang araw na pagbabasa ng lessons in norwegian sa skol. Masyado nang tigang ang utak pero naisipan pang sumulat at mag update ng blog. Ano nga usong tawag nila pag ganun? Adik? Hehehe. Tulad na lng ng facebook. Halos nag che-check kada segundo kung ano ang latest sa pamilya, kaibigan, kakilala at kahit hindi kakilala (pero nasa friendslist). Nawiwili kakabasa ng mga status updates at sinishare na links. Nawili sa tetris at iba´t- ibang games. Sinisilip ang updates ni crush. May bago pang pics? O single na ba? Baka sakaling meron na akong chance. Mga ganyang drama hehehe. Ako na eenjoy ko sa lahat ang tumingin sa mga uploaded pics. Tayong pinoy pa naman e kahit anong view at pose (di post ha) na lng e dapat kinukunan hehehe. Trip-trip lang po. Isa na ako dyan.

Speaking of trip…Excited na ko sa Madrid trip namin.. :P .. May nagtanong ba?!hahaha. Finally, maka ka unwind na rin after ng napakaraming pangyayari. Maitapon na ang mga boring na libro at mga babasahin (pulutin uli kung mag take 2 or 3 sa exams) waahhh.

Yung maganda dito sa Europe, puwede ka mag travel by car, plane or train at halos malibot mo na almost whole Europe. This time mag eeroplano kami kasi Madrid ang napagkasunduang destinasyon. Pero I wish ma try ko rin yung Interail na tinatawag nila. Ayon kay Wikipedia:

The InterRail pass is a railway ticket (Railroad Pass), available to European residents. Residents of countries outside Europe can purchase the Eurail pass. The traditional InterRail Pass is now called the InterRail Global Pass. It allows for unlimited rail travel in and between all participating countries for a certain period of time.The InterRail One Country Pass allows for unlimited rail travel in a specific country.

Complicated naman mag explain si Mr. Wiki..in short, makakabiyahe ka sa as of now 30 participating countries by train. backpack trip! Sounds fun :-) matutulog sa train, wala nang ligo-ligo (hilamos at punas-punas na lang sa public toilets) :P o ‘di kaya camping sa park. haha. Mahirap nga lang magbiyahe ng nag- iisa. Sinong interested diyan? :P

Nawili na naman si Lei kakasulat ng kung ano-anong pumapasok sa kukote. Ako po ay Pilipino pero mali-mali yata ang grammar ko sa tagalog. Mula ngayon dadamihan ko na post ko in tagalog pra makapagpraktis..^_^

Anong oras na 11:20pm. Past bed time na. Good morning Pilipinas. God natt Norge.

Maraming salamat sa nagsayang ng precious time niya sa pagbabasa ng post ko. ´Til next time, kaibigan. ^_^

 author:  JegHeterLei

p.e./mj

Enhanced by Zemanta