Love or Money   (Photo credit:     Booksmartgirl.blogspot)

Love or Money (Photo credit: Booksmartgirl.blogspot)

Tama ba ang punto ng pera pa rin ang batayan vs. pag ibig? Minsan, oo, pera ang pangunahing kailangan ng tao, pera, pera, pera at kung wala ka nito tiyak gugustuhin mo na lamang magsuicide o kaya’y magtrabaho bilang suicide bomber sa Iraq o Afghanistan (please huwag lang dito sa Dubai, peaceful kami rito). Kaya mo bang ipagpalit ang kasintahan mo na nagkanda-kuba, pawis, at kahit malipasan siya ng gutom pero hindi niya alintana dahil gusto ka niyang bigyan ng magandang buhay? May mga tao lang talagang kahit anong kayod niya ay hanggang doon lang ang nakakayanan niya. Pero hindi valid reason para ipagpalit mo siya sa taong kayang bilhin ang lahat ng luho mo.

Heto ka, lilipad ka sa ibang lupalop ng daigdig, maghahanap ng mas mayaman o may-kaya na tao na makapagbibigay sa yo ng lahat ng luho mo. Hindi naman pera ang nagpapaikot ng mundo, ang tao kaya kumakayod ay dahil sa mahiwagang “PAG-IBIG”. Dahil gusto niyang bigyan ng magandang buhay ang minamahal niya. Praktikalan malamang ang umiiral ngayon sa ating lipunan, ngunit sa aking palagay hindi makatarungan ang iwanan mo ang iyong minamahal at ipagpalit sa mas may magandang trabaho o mayaman. Hindi naman masamang maging praktikal sa buhay, isaalang alang din sana natin ang damdamin ng ilan.

May boyfriend din ako sa bukid namin sa probinsya noon, kasa-kasama ko siya maggapas ng palay at pinapayongan ko pa siya tuwing mag-aararo siya ng bukirin namin. Kumamayod sila para sa future namin, tanggap ko yun, tanggap ko siya dahil mahal ko siya. May lumigaw din naman sa beauty ko noon na may kaya sa buhay, pero hindi ko pinagpalit ang taong tunay na ‘kayamanan’ ko. Ang masaklap lang ay binawi siya sa akin ni Lord nang maaga kaya hindi kami nagkatuluyan.

Hindi pera ang batayan sa lahat ng bagay; makikipagpustahan ako (hehe,sugarol eh noh) kapag nakatagpo ka ng true love mo versus money. Majority ng tao ang true love kaysa sa madatung. Puwera na lang kung talagang walang-wala ka sa buhay. Marami akong kilala dito sa Dubai na Pinays and Pinoys, kagrupo ko sila sa ‘Samahan ng mga tanga sa pag-ibig’ halos lahat sa kanila hanap ang true love, may mga boyfriend pero hindi naman mayayaman,  nagsusumikap din magtrabaho. Puwera na lang sa mga bitch na lantaran kumaringking sa mga ‘Patan’ na madalas ay nakikipaglaro lang. Mag-ingat-ingat din, dahil kapag nalaman ng tao na pera ang habol mo sa kanya, ay tiyak paglalaruan ka din lang. Consider the karma too. Baka tadtarin ka na lang at itapon sa dagat, o kaya’y ilibing ka nang buhay sa disyerto o baka ipakain ka sa mga hannibal na Chinese. Malas mo lang.

Minsan, may umpukan ng mga ‘foreigners’ na walang magawa sa buhay nila, Thursday night noon, sa ‘Manila Night Club’ Dubai. Hindi nila alam na Pinay ako, (mukha raw kasi akong chinese kwakang). It hurts na para bang gustong lumabas ng usok ng sheesha sa taenga ko nang sabihin ng isang black guy ” hey man, wanna have some fun? Pay 100 derhams, there are lots of Pilipina.” Parang gusto kong anyayahan sa shower ang hunghang para hilurin ang balat niya hanggang pumuti siya. Ganoon na ba ka cheap ang tingin nila sa mga Pilipina? Bayaran? Mukhang pera?  Hindi naman lahat, pero they exist.

Wala namang tao ang ayaw guminhawa ang buhay, minsan mas masarap pa rin kumayod at pagpawisan ang perang ginagastos mo kasama ang taong tunay na nagpapasaya sa iyo at minamahal mo. Yung walang ‘kadiri mood’ kapag mayaman nga ang boyfriend mo kasi ibang lahi. Sabog ka naman sa amoy ng kili-kili niya, o kaya naman, ‘di mo ma take ang ugali niya.

Minsan pa, kahit ipinanganak yung tao noong 1964 papatusin pa rin kasi madatung ang lolo mo.

Paano kung dumating ang araw na mapagod o sabihin na nating magsawa sa iyo yung tao, iiwan ka. Ano ang mangyayari sa iyo? Mas mainam ang mabuhay sa mundo nang masaya, saan man tayo dalhin ng ambisyon natin, dapat lumingon pa rin tayo kung saan tayo nanggaling. Para kung gusto mong bumalik, alam mo ang daan, diba? Kaya lingon ka ha..

Minsan, kapag tinanong tayo ‘Ano ang pipiliin mo? Yung Mayaman na kayang bilhin ang mundo or yung taong kakayod para lang makabuo ng mundo para sa iyo? Tapos praktikal si ate..sagot agad ng ‘Yung mayaman syempre kahit matanda basta mayaman’ Uso yang kasabihan noon eh. At the end, sa isang barumbado ang bagsak niya. Haha.

Ikaw, oo ikaw nga, ipagpapalit mo ba ang kasintahan mo sa mas may kaya sa buhay na ibibigay sa iyo ang mga material na bagay, mareretoke ang buong pagkatao mo? Mas importante ba sa iyo ang salapi kaysa sa tunay na kayamanan ng pag-ibig? Kung oo, sige, ambunan mo na lang ako.

author:  aimeeindubai

p.e./mj