Independence Day    (Photo credit     Manila.metblogs)

Independence Day (Photo credit Manila.metblogs)

Happy Independence Day! ang status ng karamihan nitong nakaraang Hunyo 12, 2012. Pero ang inilagay kong status sa facebook ay “Isang mapagpalayang araw ng kasarinlan.”

Hindi “maligayang araw ng kasarinlan”.

Bakit ka magdiriwang kung alam mo kung ano ang totoong kahulugan ng pagwagayway ni Hen Emilio Aguinaldo ng watawat sa kasaysayan? Bakit ka magdiriwang kung alam mo na ito ang naging hudyat ng pagtatapos ng mahigit sa tatlong daang taon ng karanasan sa loob ng kumbento. Bakit ka magsasaya kung alam mong itonaging  ang hudyat ng simula  ng ating pamumuhay sa Hollywood sa loob ng limampung taon.  Ang simula ng  pagkakaroon ng espesyal na relasyon ni Juan kay Uncle Sam.

Nais ko sanang ituwid ang sa tingin kong pangkaraniwang “misconception” sa June 12, 1898. Sabihin na nating naisulat na ito ng mga pantas at historyador sa Pilipinas at parte na ng pag-aaral ng kasaysayan ang petsa, tao at pangyayari.

Pero ang tunay na pag-aaral ng ating kasaysayan ay ang ating patuloy na pagtatanong, pagsisiyasat at pag-aanalisa dito. Dapat bilang Pilipino ay nauunawaan sana natin ang tunay na kahulugan ng sinasabing ‘Araw ng Kasarinlan’. 

Pagpasensiyahan na ninyo kung ganito ang tono, ngunit nais ko  lamang magbigay ng komentaryo hindi bilang guro sa isang pamantasan o bahagi ng mundo ng akademya, bagkus nais kong magbigay ng aking pananaw bilang isang Pilipinong nagnanais magtuwid ng “misconception” tungkol sa Araw ng Kasarinlan.

Ang Pagsuko ng Bataan noong panahon ng Hapon ay isa lamang halimbawa ng Pag-alaala sa isang makasaysayang pangyayari. Tinatawag natin itong Araw ng Kagitingan, Valor Day o Bataan Day. Ito ay simpleng pag-alala sa mga magigiting na Pilipinong nakaranas ng Death March. Deklarado din itong holiday o walang pasok.

Dapat bang ipagdiwang ang araw na ito? Dapat bang sabihin na Maligayang Araw ng Kagitingan. Baka biglang bumangon sa hukay ang mga Pilipinong nasawi sa Death March pag nagkataon!

Naku nakakatakot naman yun! Siguro maaari nating sabihin na “Mapayapa o Mapagpalaya” sa halip na “Maligaya” Hindi dapat ipagsaya o ipagdiwang ang isang bahagi ng kasaysayan na nagpapakita ng masaklap na pinagdaan ng mga Pilipino. Marahil mas akmang sabihin na lamang natin na Pag-alaala  sa Idineklarang Kasarinalan.

author:  maningning

p.e./mj