Regrets    (Photo credit :  Ordinarydreams-jill.blogspot)

Regrets (Photo credit : Ordinarydreams-jill.blogspot)

Lahat ng bago pinahahalagahan, iniingatan, pero bakit nga ba pag medyo luma na ang isang bagay halos ayaw mo nang hawakan o makita pa?

Maihahalintulad ko rin sa relasyon na umabot nang mahigit na apat na taon.  Lahat naman tayo ay dumadaan sa pagsubok para subukan kung gaano tayo katatag. Hindi ako ang nagkulang; halos sa kanya na nga lang umikot ang mundo ko.  Kinalaban ko pati pamilya ko dahil hindi nila kayang tanggapin ang relasyong pinasok ko.

Nagmahal lang naman ako pero sa kapwa ko babae nga lang.  Pero bakit ngayon nagkaganito din kami, hndi ko man gustong mangyari pero hanggang dito lang talaga siguro kami.  Ayoko din na paulit-ulit nyang sinasabi yong minsang pagkakamali ko, wala naman taong perpekto.

Masakit isipin na sa tagal naming magkasama sa isang boarding house tapos biglang maglalaho lahat.  Hinihiling pa niya na kung puwede, maghiwalay kami na walang samaan ng loob, pero para sa akin isa siya sa mortal kong kaaway ngayon.

Ayokong aminin sa sarili ko na hindi ganoon kadaling makalimot, kaya nga sinasabi natin na kapag natapos ang isang relasyon, dumadating sa punto na parang ayaw n’yo nang magkita pa para wala nang maalala.

Tanggapin na lang na lahat nga pala ng SIMULA AY MAY KATAPUSAN. Nakapanghihinayang talaga pero siguro may dadating na talagang para sa atin kaya dapat matapos yong nauna kaysa magmahal ka nga naman ng dalawa.

author:   Mhae05

p.e./mj