PBB   (Photo credit     Kakulay.blog)

PBB (Photo credit Kakulay.blog)

PBB TEENS

 Patok sa media ngayon ang mga balita tungkol sa Bahay ni Kuya o ang PBB Teens. Ano nga ba ang meron dito at aligaga ang marami sa mga kaganapan sa loob nito? May libre bang relief goods ang manonood? O baka libreng bakuna? Baka naman entertainment lang ang hanap ng tao. Baka rin naman katatawanan o ang love story ng mga tauhan. Puro na lang baka. Ano man ang hanap ng tao ay hindi natin matutukoy.

Balik tayo sa topic. Ano nga ba ang meron dito? Sa aking kaalaman, ang Bahay ni Kuya ay naglalaman ng mga teenager na pinagsamasama sa bahay para sumunod sa mga kautusan ni Big Brother sa loob ng 100 days. Ngayong alam mo na kung anong meron dito, dapat mo ring alamin kung ano nga ba ang epekto nitong naturang programa. Ayon sa opinyon ng nakararami ay puno raw ito ng kalandian at ito rin daw ay walang kwentang palabas. Sayang nga lang daw ang airtime. Ikaw, ganun rin ba ang tingin mo?

Bilang isang maobserbang tao, mailalarawan ko ang PBB Teens bilang depiksyon ng ating bansa. Ginaganapan ni Big Brother ang mga bagay na nagpapaandar sa ating buhay: ang pamahalaan, pera, relihiyon, kapwa at ideolohiya.  Siyempre, ang mga housemates ay ang mamamayan. Nakakatawang isipin kung paano na mamanipula ni Big Brother ang mga housemates ngunit mas nakakatawang isipin kung paanong sinusunod ng mga tauhan ang mga utos nang walang bahid ng pagpalag. Iyan lang ba ang cast of characters? Siyempre hindi.

Mayroon pang nalalabing isa. Ang pinakamahalagang artista sa ating munting palabas – ang mga manonood. Sino nga ba ang ginaganapan nila? Syempre ang mga manonood ay ang mga taong ninanais na lamang manood sa mga taong nagpapaalila sa kanyang ideolohiya na siyang nagiging dahilan ng problema. Sa madaling salita, sila ang mga walang pakialam na tao, dayuhan man o hindi.

Ikaw, tanungin mo ang iyong sarili. Magiging manonood ka na lang ba o ikaw ang magiging artista ng ating palabas? Nais mo bang umupo at kumain ng crackers habang ang ibang tao ay nasasakal? Bilisan mo nang mag-isip. Magco-commercial break na at baka ikaw pa ang ma-evict.

author:  Mangderp

p.e./mj