What is love?

Love  (Photo Credit:  Valentine-cards.blogspot)

Love (Photo Credit: Valentine-cards.blogspot)

Isang simpleng tanong na walang patid ang kasagutan. Tingin mo ba alam mo na ang lahat tungkol sa pag-ibig dahil minsan nagmahal ka? HINDI!!!

Iba- iba ang bersiyon natin at mga karasan sa pag-ibig.

Ito ang ikalawang yugto ng karanasan ko sa pag-ibig. Call it ironic, dumb, stupid, call it as you please. Do I care? HINDI!!! Kwento ko to eh.

Mula nang maghiwalay kami ng una kong nobyo, parang nadala na rin ako. Balik na naman ako sa pagkamuhi at pagkagalit sa mga lalaki. Naging biktima na rin kasi ako ni Kupido eh. Masakit. Mapait. Pero marami akong mga aral na natutunan. Kung noon itinuring kong isang bangungot ang hiwalayan namin ni Al, ngayon narealize ko, hindi pala. Naging mas palaisipan sa akin nang nagdaang taon ang naging parte niya sa buhay ko. I don’t hate him anymore. In fact, we became friends. Sa kabila kasi ng lahat ng pinagdaanan namin, there is still an invisible line that connects us together. Weird, di ba?

Ang linyang iyon ang ginawa naming daan para panatilihin ang komunikasyon namin sa isa’t-isa. There are times when we call each other and share stories, or simply just to chat about nonsense stuff.

Hindi na ako apektado sa presensiya niya sa buhay ko. Okay na ako eh. Nakapag-move on na ako.

May bago na kasi akong pinagkakainteresan. Itago na lamang natin siya sa pangalang Trystan. Si Trystan ay kaklase ko sa isang Physical Ed Class. Matangkad, guwapo, mukha namang mabait, pero ubod nang tahimik at pihikan. Pero kapag kinausap mo na at nakilala, masarap pala siyang kakwentuhan.

Minsan nagkaayaan kami ng mga kaklase namin para sa isang bbq sa park. Disaster ang labas, kasi limang lalaki lang ang sumipot at ako. Pero ganoon pa man, we made the best of what we had. We played volleyball and tossed football around. Buti na lang at dumating si Trystan, kahit paano ayos na ang araw ko.

Pagkatapos naming maglaro, sa Applebee’s ang bagsak namin- isang restaurant na ‘di gaanong mamahalin pero ok naman ang ambiance. Pagkatapos ng dinner, konting inuman, sabay laro ng bingo, sa loob din mismo ng restaurant. Sa kabubuyo ng isa naming kasamahan medyo tinamaan ako. Straight shots kasi ang tinira namin. Ito namang si Trystan, panay ang tanggi, magmamaneho pa kasi. Ako din naman, magmamaneho, pero ang sabi niya hatid niya daw ako sa bahay. Pumayag naman ako. Tuloy yung isa naming kasama ang nag-uwi ng kotse ko sa bahay nila.

Paglabas ng resto hapit niya ako sa baywang, tipsy mode na ako nang oras na yun. Sa  biyahe pauwi ng bahay namin kwentuhan kami. Manaka-nakang nagkakatanungan sa mga paborito naming lugar, pagkain, kulay, mga simpleng bagay sa mga buhay namin.

Sabay bigla akong tinopak, dahil nakainom, mas matapang akong nag-confess na matagal na akong may crush sa kanya. Bigla siyang tumawa, nalintikan  na, babatukan ko na sana nang sabihin niyang pati daw pala siya, crush niya rin ako noon pa. Nagkatawanan kami nang sabay. Lumipas pa ang ilang minuto, magkapanabay kaming nagbuka ng bibig. “Will you go out on a date with me?” sabay naming tanong sa isa’t-isa. Tawanan ulit.

Pagkahatid niya sa akin sa bahay, niyakap niya ako pagdating sa pintuan, sabay halik sa aking pisngi. Sa school kinabukasan, napansin ng isa naming kaklase na medyo close na kami. Kibit-balikat lang ako. Dedma daw kunyari sa gusto nitong usisahin. Pero siyempre, ako, kilig to the bones. May alam akong hindi nila alam. At doon na nagsimula ang lahat.

author:  lOstsOul

p.e.mj