Isang napaka-laking disaster ang nangyari noong mag-plano akong magpakasal sa ex boyfriend ko. Mula nung time na namanhikan s’ya until na-schedule na at na-plan na ‘yung kasal, ‘di matapos-tapos ang kamalasang naranasan ko.

P.S, I love you (Photo credit: flickr)

P.S, I love you (Photo credit: flickr)

Matet ang tawag nila sa akin. May pagkakahawig daw kasi ako sa ampon ni Nora Aunor. 28 years old na ako kaya humahabol ako sa train. Kung bakit ba sa lakas ng sex appeal ko, wala man lang tumagal na karelasyon ko. At iisang tao lang ang sinisisi ko kung bakit nagkaganoon – si Vicente a.k.a. Bansot-Pisot, kinakapatid ko (sa kasamaang palad). Ginawa n’yang impyerno ang childhood days ko at pati hanggang umabot ako ng edad kong ito, ‘di s’ya nagsawang badtrip-in ang mundo ko.

‘Yang si Vicvic ay inaanak ng nanay ko. Matanda ‘yan sa akin ng five years pero dahil bansot siya, nagmukha pa akong matanda kaysa sa kanya. Mula pa sapol para na kaming aso’t pusa. Lahat kinukontra n’ya. Asarin mo s’ya, kahit anong name ang i-mention mo ‘wag lang sabihan mo s’ya ng bakla at talagang tiyak na lalaplapin ka n’ya (kadiri!).

Umaasta s’yang kuya ko dahil parehas kaming solong mga anak. Mag-bestfriend ang mga mama namin. Nauna lang namatay ang mother ko kaya sila ang tumayong pamilya ko kasi ang father ko ay nasa Russia ngayon. Dun ako nakatira sa kanila dahil ipinagbili ni papa ang lahat ng ari-arian namin since namatay si mama.

Wala akong work. Hindi ako nagkaroon ng chance na makapagtrabaho kahit graduate ako ng BSCS dahil dyan sa Vicvic na ‘yan! Bini-brainwash n’ya ang papa ko. Ni kesyo ganito, ni kesyo ganyan. Pero ayos lang din, mas masarap ang tambay at palamunin.

Kaya lang, nakababagot ang life. Lahat ng ka-batch ko ay nagsipag-asawa na puwera lang sa akin. So I decided to join them.Aang problema, lahat ng nagiging boyfriend ko eh month lang ang tinatagal sa relasyon namin. At ng ma-detect ko kung bakit, parang gusto kong sunugin ng buhay ang Bansot-Pisot na ‘yun. Kaya pala, dahil sinisiraan n’ya ako sa mga boyfriend ko… ni kesyo sa gabi daw nagsasalita akong mag-isa, may sayad daw ako, at ito pa, may balat daw ako sa pwet. Kaya mamalasin daw ang makakarelasyon ko. Ang walang hiyang Bansot-Pisot na ‘yun! Pati ang sikreto ko na sila lang ang nakaaalam, pinagkakalat pa! At ang nakaka-bwisit eh kung bakit naniniwala din yung mga ulupong kong mga ex.

Sa sobrang inis ko, ginusto kong magbukod pero ‘di puwede. Nag-try akong mag-istokwa noon pero hindi ko kinaya at ako’y bumalik. Wala akong pera. Ang allowance ko kay papa, kulang pa sa mga luho ko. Kaya nakaisip ako ng paraan. Nang may manligaw sa akin, isang segundo pa lang pagkatapos n’ya magtapat ay inaya ko na s’yang magpakasal. Sinabi ko na mamanhikan na s’ya at ginawa naman n’ya. At doon nag-start ang lalong pagka-leche leche ng buhay ko.

“Tigilan mo yang kalokohan mo, Matet de Leon! Saan mo napulot ‘yang aasawahin mo? Para kang tanga! Kung desperada ka na sabihin mo lang at pakakasalan kita, hindi ‘yang basta ka na lang patol ng patol kung kani-kanino!”

Parang kulog ang boses ni Vicvic nung time na ipinagtapat kong ikakasal na ako kay Mark (‘yung ka-chat ko sa fb). Parang that time, kaya n’ya akong ibitay ng patiwarik. Ganoon katindi ang reaction nya, na ‘di ko talaga inaasahan. At imbes mainsulto ako, ‘di ko maintindihan kung bakit biglang parang hinaplos ang puso ko nung may words dun na “sabihin mo lang at pakakasalan kita” Muntik na akong maniwala dun ah, pero kung babawiin ko ang sinabi ko, baka iisipin ni Vicvic na gusto ko ‘yung idea n’ya na pakakasalan niya ako. Kaya ang nangyari, nasunod ang gusto ko. Namanhikan si Mark at nai-plan na ang kasal.

Pero may nangyari, kasi itong si Vicvic na ‘to, ‘di yata napalagay. Nagpa-imbestiga at nang makontento, binugbog si Mark. Kasi may ka-live in pala daw ‘yun at may kambal pa na anak. Nilayasan n’ya ang girl kaya binata siya ng nagkakilala kami. Dala siguro ng takot, nagtapat si Mark sa harapan ko at nagsumamo na ituloy ang kasal. Para akong nakalutang sa hangin nun, sobrang kahihiyan ko. Naipagkalat ko pa naman na ako’y ikakasal na tapos sa isang iglap lang, ganoon ang nangyari. ‘Yun, nakipag-break ako.

Nang mabalitaan ng papa, napauwi s’ya ng maaga. Kahiya-hiya talaga ako sa harap n’ya. Pero sabi n’ya, mas ok daw ‘yung nalaman ko ng maaga pa kaysa naikasal na ako. Sabagay, pero ‘di ko matanggap na may utang na loob ako kay Vicvic. Masama ang loob ko, hindi sa kanya, kundi sa pagiging desperada ko at sa pagiging makasarili ko dahil ‘di ako makontento. At ‘di ako marunong mag-antay.

Isang buwan lang ay bumalik na ang papa sa Russia kasama si Vicvic. ‘Di ko alam na nag-apply s’ya noon pa sa company ni papa at s’yempre tanggap s’ya dahil malakas ang backer n’ya. Hindi ko s’ya hinatid sa airport. Iniyakan ko ‘yun buong gabi. S’yempre mami-miss ko kasi s’aya eh kahit papano. Parang ang hirap mag-adjust na wala na s’ya. May iniwan s’yang gift sa akin, two days pa bago ko pinag-desisyonang galawin ‘yun. Nang buksan ko na ang box, isang teady bear at maliit na card ang laman nun at talagang ikinagulat ko ang nakasulat sa card..

Veronica Jane,

Take care of yourself. ‘Wag kang magdesisyon kung ‘di ka sigurado. ‘Wag kang pakakasal sa iba ng ganun-ganon lang. Antayin mo ang talagang destined sa’yo. Kapag ‘di ka na makapag-antay, just send me a message. Uuwi ako at pakakasalan kita.

Vicente

Sobra akong na-touch sa sulat nya. Ilang beses ko ‘yung binasa at talagang kinikilig ako lalo ng tingnan ko ang likod ng card, may nakasulat na “P.S. I LOVE YOU

author: Ma Joy Clarizza ALberio

p.e./kf

So many questions (Photo credit: pianoblog)