Time machine. Isa sa mga bagay na gusting-gusto ng lahat. Aminin mo man o hindi, naisip mo din ang tungkol sa time machine.  Ang time machine kasi, sabi nila, kapag meron ka daw nito, puwede kang magpa-back and forth sa past and future. Kontorolado mo daw ang oras at anytime, puwede kang bumalik sa mga panahong gusto mong balikan.

Time traveling (Photo credit: 5election)

Time traveling (Photo credit: 5election)

Matagal ko nang gustong malaman kung mayroon bang time machine. Gusto kong mag time travel. Maski nga nung bata pa ako, kapag naglalaro kami noon ng mga kalaro ko at pinapipili kami ng kapangyarihan, palagi kong pinipili ang kapangyarihang makontrol ang oras. Wala pa ako sa tamang pag-iisip noon at ang dahilan lang kung bakit ko gustong makontrol ang oras ay dahil anytime, puwede kong pahintuin sa paggalaw ang mga kalaro ko kapag malapit na nila akong mataya. Utak-utak-an lang ‘yan. Pero, hindi ko pa talaga alam ang importansiya ng oras at go with the flow lagi ang drama ko noon.

Kapag inuutusan, palagi naman akong nagsasabi ng “mamaya na” at aaminin ko, mayroon akong “Mañana Habit”. Hindi talaga ako aware sa oras at ang palagi ko lang ginagawa noon, eh ang maghintay ng hapon para mapanood ko ang favorite cartoons ko sa TV. Pero habang nagkakaisip at tumatanda ako, nalaman kong napakahalaga pala ang oras sa buhay ng tao.

“Gusto kong gumawa ng time machine…”

Nasabi ko ang mga salitang iyan nung minsan nangulila ako sa lola ko. At dahil miss na miss ko na siya, nung mga panahon na iyon, nasabi kong gusto kong gumawa ng time machine. Para ibalik ko ang nakaraan. ‘Yung mga panahong buhay pa siya at malakas. ‘Yung mga panahong nakakapag-kuwento pa siya ng mga karanasan niya sa buhay. Gusto kong ibalik ‘yung dati… at ibalik ang oras noong nabubuhay pa siya. Kapag talaga nakaramdam ka ng kahit kaunting kalungkutan, nanaisin mong balikan ang mga araw na masaya ka. Kaya hindi mo maiwasan ang mag-isip na bumalik sa nakaraan, kung saan, alam mo pa ang salitang pag-ngiti.

Pero ang sabi ko, mukhang imposible. Dahil kahit na ‘yung mga sikat na scientists at imbentor eh hindi makagawa ng perpektong time machine na magdadala sa iyo sa gusto mong panahon. Ako pa kayang walang alam sa modernong teknolohiya eh makagagawa? Malabo. Sobrang labo. Sabi ko pa nga eh, sana meron din akong kaibigan na katulad ni Doraemon, para kahit wala na akong time machine, eh makapupunta ako sa past at future sa pamamagitan niya.

author: rizzamaruja

p.e./kf

“Gusto kong gumawa ng time machine…” upang balikan ang panahon na masaya pa ang lahat. “Gusto kong gumawa ng time machine…” Para itama yung mga maling nagawa ko sa nakaraan. “Gusto kong gumawa ng time machine…” at gawin yung mga bagay na dapat matagal ko nang ginawa. Ikaw, gusto mo din ba na gumawa ng time machine? Bakit?

Enhanced by Zemanta