Ang dami-dami kong tanong. Bakit? Ano? Puro tanong.
Minsan, habang sakay ako ng dyip, naglalaro sa isip ko ang napakaraming katanungan na ayaw ko hanapan ng kasagutan na kung tutuusin ay napakadaling sagutin naman. Pero ewan ko ba kung bakit kailangan ko pa din itanong. Siguro kasi wala naman masyadong ginagawa ang utak ko… kumbaga nakapahinga ka lang naman eh ngan may gawin ka naman.

So many questions (Photo credit: pianoblog)

So many questions (Photo credit: pianoblog)

Hindi naman siguro matatawag na sadista ako sa sarili ko. Naniniwala kasi ako na kapag hindi mo ginagamit ang utak mo, titigas ‘yan na parang pinturang naiwang nakatiwangwang. Parang napaka-monotonous ng buhay mo. Hindi ka ba nagsasawa na paulit-ulit ‘yung ginagawa mo? Paano kung ‘yang nakasanayan mong gawin ay maiba pagdating ng panahon? Naku. Ika nga, walang permanente sa buhay na ito. Paano nga? Tanong.

Kapag nanonood ako ng TV o ng pelikula, kapag umiiyak ang isang anak, kaibigan o ng kahit na sinong tauhan pa at nakita ito ng isa pang tauhan din, kagyat itong yayakapin. Parang hindi ko pa naranasan ang mga ganoong scene sa buhay ko… bakit kaya? Hindi lang kaya ako showy? O sila ang hindi showy? Showy daw oh!

Sige na nga. Minsan, ang sarap matulog kapag galing ka sa pag-iyak, ‘yun nga lang, maga ang mata mo paggising, pero iba ‘yung nagagawa ng luha, napagagaan nito ang pakiramdam ko, parang nagiging sumbungan ko na ang unan ko sa gabi, samantalanng hindi naman n’ya ako niyayakap at binibigyan ng payo kagaya sa mga napapanuod ko sa TV… Ewan ko. Bakit kaya? Tanong.

Madalas kasi, ang pagiging emo ko ay nilalabas ko sa gabi. ‘Yung nag-reminisce ako ng mga nakaraan ba, ‘yung tipong lugkot-lungkotan mode. Naisip ko, what if ma-deads ako, may iiyak din kaya kagaya ng mga nakita kong eksena sa maraming burol na aking napuntahan? May dadalaw din ba? Hindi din kaya sila iinom ng kape at bagkus ay Zest-o ang gusto?

Bakit ang mga tinatawag nilang “Christian”, ang sarili nila ay hindi ko makitaan ng pagiging tunay na “Christian” kuno. Pasikat pa sila sa pagiging inconsiderate sa kapwa at ganoon din ang mapandaot na pananalita. Para din silang ahas na ‘yung nagpapakain sa kanila, tinutuklaw na parang wala silang magandang ginawa.

Bakit insensitive ang ibang tao… parang ako lang din? Tanong.

Bakit maraming mapagpanggap? Tanong.

Bakit kailangan magtago pero nakikita pa rin? Tanong.

Minsan madali naman sagutin, pero kailangan pa din pag isipan at sa kalaunan ay mapagtatanto mo na ‘yun lang pala ‘yun.
Hindi ako humihingi ng pagsang-ayon, opinyon ko lang naman. Masama bang isulat ang aking naiisip?

‘Yun, isa pang tanong.

author:emil

p.e./kf