Possible ba na ang isang taong sobrang kilala mo ay i-treat mo as a stranger? Nakatatawa ‘di ba? One moment you know everything about him/her, the next thing you know, hindi na pala.

Ex boyfriend - deleted (Photol credit: explow)

Ex boyfriend - deleted (Photol credit: explow)

Ganoon ‘pag EX mo na. Past relationship, aminin mo na, pero s’yempre hindi naman siya agad total stranger e. Natutunan mo na lang na hindi na siya isali sa buhay mo kahit  kasama mo siya lagi noon  sa mga bagay na ginagawa mo, na para bang wala na lahat ng pinagsamahan kasi…

1. hindi na kayo nagte-text. Noon, updated ka – nasaan siya, anong ginagawa niya, what time siya natulog, kumain, dumating ng bahay, what time kayo magkikita sa mall, kung napagalitan ka ng boss mo ay alam niya rin. Siya pa nga ang nasa “favorite” sa phone mo, and naka-save ang number niya using your pet name like “bhe”, “babe”, “baby”. Pero ngayon, binura mo na or hindi mo na alam ang updated number niya. Or ikaw, ikaw kasi ang nagbago ng number. Deleted na din lahat ng naka-archive na sweet messages niyo or old conversation. Dati appear ng appear ang name sa new message received, ngayon hindi na.

2. hindi na siya ang kasama mo sa mall, sa get together, sa life events mo. Nagtataka na ‘yung waiter doon sa lagi niyong kinakainan na restaurant kasi hindi mo na siya kasama kumain. Or ‘yung ma-realize mo, you are still watching on the same spot sa movie house until pero ngayon ay wala ka nang kasama. ‘Yung ‘pag may highschool or college get together lagi mo siya kasama, sa inuman, sa kainan, pero ngayon ‘di ka na puwede malasing kasi wala ka nang kasama. Kapag pumunta ka ngayon sa get together ang tanong sa’yo, “uy, nasan si ano…” na sa loob mo na lang, ayun, hindi ko na kilala.

3. that moment with family na pinakilala ka na niya, pinakilala mo na siya, nagstay ka na minsan sa house niya, ganoon din siya sa’yo. Ngayon napapadaan ka na lang sa bahay nila, parang dati palagi kang andoon. O kaya naman ay dati palagi ka sa lugar nila, pero ngayon ni mag-commute papunta doon ay nakalimutan mo na. Minsan, magugulat ka ka na lang kapag tinatanong sa iyo kung kamusta na siya, hanggang sa ipapalala mo na wala na nga kayo. Or ‘yung makita mo sa mall ‘yung parents n’ya at hindi mo malaman kung papansinin mo o hindi ka naman nakita, ‘di mo na lang din papansinin. ‘Yung ka-FB mo palagi noon ‘yung kapatid niya, ngayon madalang na.  ‘Pag nasa family affair, hinahanap siya ng grandparents mo tapos sasabihin pa nila, “sayang naman pala apo, mabait pa naman ‘yun” na sa loob mo na lang ulit, ayun, hindi na kami magkakilala.

4. Facebook failure. Nawala na ang in a relationship status niyo. Ang taong laging nasa wall mo, laging nag co-comment, ngayon ni pangalan niya, hindi na nalalagi sa notifications mo. Dalawa lang ‘yan e, it’s either friend mo pa rin siya or BLOCKED na siya dahil sa dalawang rason lang din: kasi ok lang sa’yo na makita ang wall niya dahil wala lang naman sa’yo ang lahat ng updates n’ya sa buhay – saan siya gumimik, mga pics na may kasamang girl o UNFRIENDED na kayo dahil ayaw mo na nga makita lahat ng update na ‘yan, dahil ‘pag nabasa mo, baka maging affected ka pa. Mabuti pang hindi na lang.

5. plain and simple. hindi na kayo. Dahil pinili n’yo na ang mag separate ng daan. Hindi na kayo. Hindi na kayo connected sa isat-isa in the closest way. Kahit gaano kadami pa ang common friends ninyo, kahit gaano pa ka close ang pamilya ninyo, kahit na magkapitbahay pa kayo, kahit na parehas pa kayo ng work place, ‘pag pinili niyo na bitawan ang isa’t isa, kaakibat nito ang katotohanang binitawan niyo na din ang ugnayang namamagitan sa inyo.. plain and simple. HINDI NA KAYO.

Ngunit kahit paano pa kayo naghiwalay, kung maganda o man o hindi, mananatiling buhay ang memorya, ang bawat pinagsamahan. At laging iisipin na ang kaakibat ng paglimot ay ang kanaisang mapabuti ang sarili, mapabuti ang sarili upang humarap sa bagong buhay.

author: au_some

p.e./kf

Enhanced by Zemanta