‘Di na bago sa mga balita ngayon ang mga pananakit ng mga teacher sa mga bata ngayon, lalo na sa mga elementary level. Nariyan ang balitang panghahampas ng kawayan, pambabato ng tsinelas, at pangungurot. At ang kadalasang nangyayari, parang ipinapako sa krus ang mga teacher sa mga pangongondena ng mga tao sa ginawa nila. Pero ‘di natin alam ang kumpletong pangyayari, kung bakit nagawa ng guro ang ganoong bagay.

Old school norms? (Photo credit: freerepublic)

Old school norms? (Photo credit: freerepublic)

Noong elementary pa lang ako, siguro mga 15 taon na ang nakakaraan, may mga teacher sa school naming noong grade 2 ako na kilalang-kilala sa kasungitan nila at sa trade mark nilang pangungurot sa singit pag makulit ka. ‘Pag nakikita naming ang isa sa kanila, takot kami. At kapag sila na ang nagtuturo, tutok ang mata namin sa board. Naging teacher ko ang isa sa kanila. Ilang beses din akong nakurot noon sa patilya. Isa kasi ‘yun sa mga hilig niya pagdiskitahan ‘pag lalaki ang makulit. Makulit kami, oo, pero limitado, kasi nagmamasid kami baka makita ng teacher. ‘Di lang naman kasi sila lang ang namamalo na teacher. Kilala lang sila dahil sa tanda na nila, malakas pa rin mamalo at mangurot. Walang dapat ipag-alala kung mabait na bata ka, dahil, pupurihin ka naman, malas mo lang pag letmaku ka, at ‘di mo kayang kontrolin ang kulit mo. ‘Pag naging teacher mo ang teacher ko noon, tyak, pipilitin mong magpakabait.

Makikita niyo kung naabutan niyo ang era na iyon, makukumpara niyo rin ang mga bata ngayon at mga bata noon sa klase. Marinig lang naming may paparating nang teacher, tahimik na kami. Minsan nabisita ko ang school ko noong elementary ako, nakita ako ang mga bata, sobrang kulit. May teacher na sa harapan, pero halos mamaos ang teacher nila hindi sa lecture, kundi sa kasasaway. Dati, nakukuha kami sa tingin pa lang ng teacher. Nasabi ko, iba na talaga ang mga bata ngayon. ‘Di na kasi pwede paluin o madikit lang ang kamay ng teacher sa bata ‘pag sumasaway. Pati nga pag ngiti ngayon ng mga teacher pinapakialaman pa. Napatunayan kong disiplina talaga ang ugat ng katiwasayan. Sa bata pa lang, ‘pag dinisiplina mo, at natakot sayo, papkikinggan ka na, at susundin ang mga turo mo, at ‘pag lumaki ang bata, hindi na siya matatakot sa’yo, ang takot ay magiging respeto sa iyo.

Sa kwento ni lolo, dati, hinuhubaran pa nga sila ng short ‘pag papaluin ng teacher nila. Mas masakit daw, at mag mamarka ang palo. ‘Yun ang malupit talaga. Pero ikumpara mo ang mga bata noon, at mga bata ngayon, base sa mga kwento ng mga matatanda, napakalaki ng diperensya.

Iba nag iba na ang mga bata mula noong alisin ang pamamalo ng mga teacher sa mga bata. Ang paaralan kasi ang pangalawang tahanan ng mga bata. Kung sa bahay ay dinidisiplina natin ang mga anak natin, dapat ganoon din sa paaralan, may pagdidisiplina din dapat. Para matutong gumalang on his own ang mga bata sa ibang tao.

author: hiromi-paclipan

p.e./kf