Sa pag-volunteer ko sa mass house building, napatunayan ko na tama nga ang sinasabi nila. Ang pagiging construction worker ay ang pinakamabigat na trabaho.

Bilad sa init ng araw.
nagbubuhat ng sako-sakong cemento.
nagpapala ng buhangin, gravel at iba pa.
naghahalo ng concrete (kung walang mixer ay mano-mano pa.)Construction Worker  (Photo Credit:  Mhae05)
nagpuputol ng bakal, alambre at kung anu-ano pa.
nag-wewelding (masakit yun sa mata)
naglalagare, nagmamason
Marami pang iba..

Buong araw silang nagbabanat ng buto para may maipakain sa pamilya. Para kumita ng maliit na halaga. Nakataya ang kalusugan habang gumagawa. At pati ang buhay ay nasa alanganin din maitayo lamang ang gusali o bahay.

Hindi alintana ang pagod. Ang mga kamay at paa ay napuno na ng kalyo sa pagtatrabaho.

Ngunit sa kabila ng lahat ng pagod at hirap sa buong araw, nakukuha pa rin nilang ngumiti. Nakukuha pa nilang makatulong sa ibang tao.

Hindi ko man naransan nang lubusan ang buhay nila,ngunit sa sandaling panahon ay nakita ko kung gaano kahirap at kabigat ang tungkulin at responsibilidad na dala nila. Lubos po akong humahanga sa mga taong ito.

Ang mga nakita n’yo pong larawan ay kuha sa mass house building sa San Mateo Rizal. Ang mga bahay po na tinatayo ay para sa mga nabiktima ng bagyong Ondoy. Yung mga construction workers ay ilan lamang sa mga nasalanta ng bagyong iyon.

Nakatutuwang isipin na sa kahit sa munting paraan ay nakatulong kami. Nakatataba ng puso ang pasasalamat at ngiting ibinigay nila sa amin matapos ang araw.

Karapat-dapat po nating ipagmalaki ang mga taong ito. Naniniwala ako na saSan Mateo Rizal (Photo Credit:    Walangtao) tulong ng Diyos ay muling makababangon ang mga kababayan natin! Let’s pray for them! :D

author:  walangtao

p.e./kf