Para sa akin, bayaning maituturing ang isang OFW o ang tinatawag na Overseas Filipino Worker sapagkat kailangan pa nilang lumayo sa kani-kanilang pamilya upang maiahon ang mga ito sa kahirapan. Bilib ako sa kanila dahil kahit malungkot at mahirap ang malayo sa mga minamahal, kinakaya nila ito alang-alang sa kanilang pamilya at dahil na rin sa kahirapan ng buhay sa Pilipinas.

OFW: modern heroes (Photo credit: article.wn)

OFW: modern heroes (Photo credit: article.wn)

Isa na sa mga OFW na ito ang aking ama. Dalawampung taon siyang namalagi doon at umuuwi siya kada dalawang taon. Siya ngayon ay nasa 60 anyos na. Tumigil na siya sa pangingibang bansa, dalawang taon na ang nakakaraan. Hindi pa siya dapat titigil kung hindi lang siya nagkasakit. Ang kanyang sakit na dinadala ngayon ay dala na rin ng pagkatanda tulad ng high blood. Ito ang karanasan ng aking ama:

Taong 1990 nang magpasya siyang mangibang bansa at magpunta ng Saudi Arabia upang doon hanapin ang kapalaran. Dalawa pa lang ang anak niya noon at wala pa ako sa mga panahong iyon. Nagtrabaho siya doon bilang Rigger O. Mainit doon kaya sa tagal niyang nagtrabaho doon ay unti-unting nanlagas ang buhok niya. Hindi naman kami nawalan ng komunikasyon sa kanya sapagkat sumusulat kami noon dahil hindi pa laganap noon ang makabagong teknolohiya. At noong nauso ang telepono, nakikitawag kami sa kung sino ang pinakamalapit na may telepono dito sa aming lugar. Taong 200o nang mauso ang cellphone kung kaya’t nakabili kami ng Nokia 3210 na cellphone at doon na tumatawag at nagtetext ang aking ama. Sunod-sunod na ang pagbili niya ng cellphone hanggang sa magkaroon na kami lahat. Sa loob ng dalawampung taon, marami din siyang naadhika, nakabili din siya ng isang laptop. Wala siyang inisip kundi kapakanan namin at ng mga apo niya. Masarap sa pakiramdam ‘yung nabibili mo ang gusto mo. Kaya lagi niyang payo sa amin na ingatan ang mga gamit kasi mahirap magpundar ng mga ito.

Kahanga-hanga ang mga OFW na katulad ng aking ama kaya ito lang masasabi ko:

OFW, Bayani ka!

author: Percy

p.e./kf