by
on
under
tagged , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author mrevilla

Si OFW Na Mahirap

About mrevilla

I spare my time in writing,a story that inspire for every human being. Im the author of the book:MASAYA DIN, MALUNGKOT DIN, (KARANASAN NG OFW)

Forexer3 Ilove V3 Cls5

go Binary Option Strategies P 3g

http://danstasiewski.org/?option=Electronic-Books-About-Forex Electronic Books About Forex

link 100 Win The Best Binary Options Trading Platform

Forex Benz Ea Download

Minsan na akong tinawag na dukha ng karamihan pero dahil sa akin pagsisikap narating ko ang ibang bansa! Tawag sa akin ay OFW na rin BAGONG BAYANI NG BANSA. Dito naranasan ko ang pangungulila sa mga magulang kong maralita. Pero para yatang walang pagbabago?

Ay, meron pala; dati isang beses lang kami nakakain sa isang araw ngayon ay tatlo na pala! Damit namin dati ay butas at may tagpi ngayon ay bagong bili na sa UKAY-UKAY paboritong Mall ni Nanay, kahit mura ay ok lang ‘di na namin maramdaman ang ginaw na dadapo sa aming katawan pag bubong naming kawayan ay babaliktarin ng malakas na hangin,ngayon ay bagong napalitan ni Tatay ng kawayang galing sa aming kapitbahay! Daing at talbos pa rin ang ulam nina Nanay dahil sahod ko ay kulang pa sa pagpapaaral sa mga nakakabatang kapatid ko na nais din makatulong na makaahon kami sa bunsod ng kahirapan.

Kung mataas lang sana ang aking pinag-aralan katulad ng Manager at Supervisor ko, mataas siguro ang aking sahod, kaya lang taga kuskus lang kasi ako ng mga inidoro sa loob ng Mall kaya eto binibilang ang resibo ng suki kong si WESTERN UNION gamit ang luma kong calculator.

Naku! Umabot na pala sa ONE HUNDRED THOUSAND PESOS napadala ko sa loob ng isang taon! At ‘di ko alam kong gaano kakapal na mahawakan ang ganitong kalaking halaga, pagkahawak kasi ng sahod ko ilang minuto lang wala na sa palad ko ang matigas na papel na pinaghirapan ko.

Gustuhin ko man makabili ng kahit isang bagong pantalon ay ‘di ko magawa, at hanggang pangarap ko nal ang ang patingin-tingin at mahawakan sa loob ng store ay simpleng kasiyahan sa katuparan ng aking gusto. “GANDA SANA!” puro na lang salitang SANA! Gustuhin ko man na umuwi dahil pagod na ako, pero ang malaking katanungan ang bumabagabag sa aking isipan.

“PAANO NA ULIT AKO SA PINAS? SAAN NAMAN AKO MAGHAHANAP NG MAKAKAIN PARA ILAGAY SA AKING TIYAN?”

Kaya hangga’t kaya ng aking katawan, mananatili akong alipin sa bansang dayuhan! Kay sarap pagmasdan tuwing dadaan ang iba kong kababayan sina Maam at Sir bitbit ay shopping bag, kay ganda ng kanilang buhay bitbit ang kanilang I PAD at LOPTOP samantalang ako bitbit ko ay BRUSH at MOP na pamunas sa marka ng kanilang mamahaling sapatos.

Nakita ko si Inday na kasambahay YAYA ng tatlong bata. Takbo dito! Takbo doon! Hinahabol ang mga alaga sa loob ng Mall kulang na lang sumali ay siya sa marathon! Abot ang kanyang hininga nang ito ay kanyang maabutan, pero siya ay pinagtawanan at ‘di man lang pinakinggan.

Nakita ko si Pare naka suot pa ito ng uniform galing pa ng Construction; wala naman daw siyang gagawin sa loob ng Mall kundi magpapalamig lang muna sa tindi ng init na dumampi sa balat niya sa maghapong bakbakan sa site nila na kanyang pinagtatrabahuan.

Ako ay napatingin sa haba ng pila sa WESTERN UNION Ang dami kong kababayan nasa linya, tanungan kong magkano ang palitan ng Peso laban sa Dolyar. Hindi pala ako nag-iisa dito; madami pala kami.

“AKO AY JANITOR SA MALL”

“SI INDAY TSIMAY SA BAHAY”

“SI PARE PANDAY NG DESYERTO”

“SI MAAM AT SIR SA OFFICE”

Isinilang akong dukha! Lumaki akong mahirap! Nagsikap na makaahon sa kahirapan! Akala ko, yayaman na ako, pero ito pa rin ako, tatanda sa ganito isang OFW na mahirap sa bansa ko! Ilan pa na mga OFW ang nakipagsapalaran para ‘di maranasan ang kahirapan na aking panagdaanan sa bansang pinanggalingan ang INANG BAYAN!

author:  mrevilla

p.e./mj


  • oryxman

    Totoo pong miron pa rin ganyan nangyayari sabi nga pag nasa SOUK o pamilihan ATM sweldo namin tol oy dbest,tapos biglang mi sisingit ano ba yan card galing sa bangko o After Three Months bago mo mahawakan ang sweldo,kaya minsan maraming nakakatuwa sa pamilihan o sa padalahan minsan miron din deskarteng pinoy kong miron kang sasakyan gamitin mong pang pasahero kahit pasampu sampu mabilis kaya ang hatiran dito dahil magara ang daan at walang bako bako tulad satin na maraming butas sa daan.
    Dito sa ibang bansa dapat madeskarte ka marunong kang humanap ng paraan para makatipid at maging maayos ang buhay mo pero kong palaging mainit ang ulo mo at gusto mong maghanap ng away sa ibang tao problema tlg yun kasi buti kong pauwiin ka ng amo mo paano kong ireklamo ka ng nakaaway mo at sa police ka napunta kulong po ang manyari kalaboso kayo,sa palagay nyo ba sino ang mahihirapan db pamilya mo at ikaw nag dudusa ka at naka kulong dahil sa mainit lagi ang ulo mo,pag gusto nyo ng away umuwi ka sa Pilipinas doon ka sumali sa nag wewilga at kong tipo mo tlg basag ulo tumambay ka sa Tondo tyak makahanap ka agad ng katapat doon…sa abroad po kailangan ng konting pasincia at malawak na kaisipan para makaiwas sa gulo.
    Sa lahat po ng OFW kahit ano pa man ang kanyang trabaho mabuhay po tayong lahat na OFW dahil andito tyo para magsikap at kumita ng pera para sa ating PAMILYA…CHEERS To ALL OFW ALL OVER THE WORLD.