by
on
under , , ,
tagged , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author sherald

NAGTATAGO LANG SI PEDRO, JUAN

About sherald salamat

Fictionist https://www.facebook.com/pages/Sherald-Salamat/102826509788024?ref=hl

ما هو أفضل الأعمال التجارية عبر الإنترنت لبدء من المنزل

Stock Exchange Merger

Warsaw Stock Exchange Holidays 2016

http://blogs.ghostdub.de/?p=How-To-Make-Money-With-60-Second-Binary-Options-400 How To Make Money With 60 Second Binary Options 400

Sweden Stock Exchange Hours

JUAN – Nagkaroon ng putukan sa may kakahuyan, nakita kong nahulog si Pedro sa ilog, may tama yata.

LUCY – Naku! Saan s’ya tinamaan? E ikaw? May tama ka ba?

JUAN – Wala po, parang. . . . . parang sa may balikat, ‘nay. Tama, oo, hawak n’ya ‘yung balikat n’ya noong nahulog siya.

LUCY – Kailangang malaman agad ito ng tatay mo. D’yan ka lang, h’wag ka na munang babalik sa kakahuyan.

 Makalipas ang ilang sandali

 LUCY – Berting! (sigaw n’ya)

BERTING – Oh bakit? Mukhang hingal na hingal ka? Ano ba’ng nangyari?

LUCY – ‘Yong anak mo, nasaksihan ang putukan sa may ilog. Nakita n’yang tinamaan ng bala si Pedro.

BERTING – Naku! Totoo ba ‘yan?

LUCY – Oo, sa ano daw. . . .  sa. . . .  sa dibdib. Oo tama, ‘yon ang nabanggit ng anak mo.

BERTING – Eh nasaan na daw ngayon?

LUCY – Hindi ko pa alam, baka may nakakita na at dinala na s’ya sa Ospital.

BERTING – Edi mabuti kung ganoon, pupuntahan ko na si pareng Diego para malaman n’ya ang nangyari sa kanyang anak. Umuwi ka na at bantayan mo ‘yong anak mo.

LUCY – Oh sige, mag-iingat ka.

 Sa gitna ng kalsada

 TIKBOY – Pareng Berting! Saan ka pupunta? (sigaw n’ya)

BERTING – Kay pareng Diego pare, sa  kapatid mo.

TIKBOY – Bakit pare? May inuman ba kayo?

BERTING – Wala pare, may ibabalita lang ako.

TIKBOY – Ah, sige pare, mag-iingat ka. Yayaon na ako’t may gagawin pa kami ni misis. (ngiti sabay kindat)

BERTING – Sandali! Alam mo bang nasa Ospital ngayon si Pedro? 50/50 pare.  Tinamaan ng bala ng baril sa ulo, Naku! Nagkaroon kasi ng barilan kanina sa kakahuyan ang mga sundalo at NPA.

TIKBOY – (tarantang taranta) Ha? E wala s’ya e, kaaalis lang. Sige, ako na bahala, mahahabol ko pa s’ya

BERTING – Sige pare, maraming salamat.

Sa isang sari-sari store

 TIKBOY – Kuya Diego! (sigaw n’ya)

DIEGO – Oh bakit, Tikboy? Ba’t ka sumunod? May kailangan ka ba?

TIKBOY – Si Pedro, kuya.

DIEGO – Ano?

TIKBOY – Nasa ilog kanina

DIEGO – Oo nga, inutusan ko’t pinapakuha ko ng gulay sa taniman. ‘Yun na lang ang uulamin namin at nang hindi na umuwi pa ng bayan para bumili ng isda.

TIKBOY – Hindi kuya, si Pedro nasa mor. . . .  nasa morgue, patay na.

DIEGO – Ano? A-a-a-a-anong nangyari? Bakit? Paano? Sagutin mo.

TIKBOY – E kasi, nagkaroon daw ng labanan ang mga sundalo’t NPA kanina sa ilog. Nasabugan daw ng granada e. Hindi na daw makilala ang mukha n’ya.

DIEGO – Halika! Bilisan mo, puntahan natin si Inay sa bahay, madali!

TIKBOY – Sige kuya.

 Sa bahay nila Diego

 DIEGO – Inay, Inay!

TIKBOY – Nanay?

FLOR – Oh ano ba ‘yan at ang ingay ingay n’yong dalawa? At ikaw Diego, hindi ‘bat nakaalis ka na kanina? Baka mawalan ka ng trabaho dahil sa ginagawa mong ‘yan. (paliwanag n’ya habang abalang nagluluto ng talbos ng kamote)

DIEGO – Inay si Juan. . . .  . Nakita ni Pedr. . . . . . . .

FLOR – Andyan sa kusina naghuhugas ng plato. Mabuti nga’t maagang nakauwi, aba’y ‘yong tarantadong kapitbahay nati’y namamaril na naman doon ng ibon. Matagal na ngang ipinagbabawal ‘yon ni kapitan, aba! Napakatigas talaga ng ulo. Oh e ano bang sasabihin mo?

DIEGO – Hmmm, wala po ‘nay, a-a-alis na po kami.

TIKBOY – Hayyyy. . . . . . . .

Ano ang natutunan n’yo sa kwentong ito?

author:  sherald salamat

p.e./mj


  • chin08

    hahaha,,, nice… totoo nagyayari yung ganito.. padagdag ng padagdag ang kwento.. =)

    • masabi lang na naunang nakakalap ng balita ang ibang tao, tsismis agad. kahit dagdag bawas na, medyo may kasikatan kasi ang taong unang nakakaalam. 🙂 yun nga lang, dapat sana totoo talaga. hehehe. salamat po sa pagbabasa

  • charing

    Hahaha nakakatawa basahin kong pagbasihan ito , ang kwento nga naman 🙂

  • ip-yon

    Ok! to pre parang Jhon Cena lang ha! buhay pa pinapatay na.kaya naniniwala ako s kasabihan na tounge is like a sharp knife. its kill without drawing bloods…..

    • haha, lalim pero tama yan. 🙂 matalim talaga ang dila. mas nakakasakit yan.

  • gagAng pinay

    grabe tawa ko dito. jeje.. nice one!! mag isa lang ako ngayon sa bahay at talagang medyo nabobore na ko pero after ko basahin to sobrang natawa talaga ako, buti walang nakakakita sakin ngayon kundi baka isipin nila naloloko na ako.. jajajaj!!

    • hehehe. ganyan po kasi magkwento ang mga pinoy paminsan minsan. dagdag bawas. ang totoong buhay pa eh pinapatay na. salamat po sa pagbabasa. 🙂

  • arref infante

    grabi ikaw na.