Kapag Nagmahal Ka ng Dalawa, Sino Ang Pipiliin Mo?

Two Lovers (Photo credit: Motherscribe.blogspot)
Two Lovers (Photo credit: Motherscribe.blogspot)

Naranasan mo na ba magmahal ng dalawa?

Paano kapag nagmahal ka ng dalawang tao. Tapos dumating yung point na Two Lovers   (Photo credit:   Motherscribe.blogspot)kailangan mong pumili sa kanila. Isa sa kanila ang masasaktan at maiiwan. Dahil hindi naman puwedeng pang habang buhay na dalawa sila sa buhay mo. Sino ngayon sa kanila ang pipiliin mo?   Yung nauna o yung pangalawa?

Sabi nila, pag nagmahal ka daw ng dalawa, at kailangan mong pumili, piliin mo daw yung pangalawa. Kasi hindi ka naman daw magmamahal ng iba kung talagang mahal mo yung nauna. May point naman sila.

Pero paano kung biktima ka ng pangungulila sa nauna? Mahal mo siya, pero malayo siya sa ’yo? Tulad na lang kung nasa ibang bansa ka, o ‘di kaya siya ang nasa ibang bansa. Siyempre, may mga pagkakataon na kailangan mo ang presence niya, pero wala siya. At sa hindi sinasadyang pangyayari, nahulog ang loob mo sa pangalawa. Dahil siya yung laging nandyan na nakikita mo. Laging nandyan pag may kailangan ka. Laging nagpapahalaga at nagkecare sa’yo.

Minsan kasi, nasasanay tayo sa mga taong lagi natin nakikita. At habang kapiling natin sila, hindi maiiwasang makita natin sa kanila yung mga bagay na namimiss natin sa mga mahal natin na nasa malayo. Kaya ang nangyayari, naibabaling yung atensyon natin sa kanila. At nadadamay pati yung nararamdaman natin na dapat para lang sa mga mahal nating umalis o iniwan sa Pinas.

Kapag naging mahina ka habang malayo sa mahal mo, lalo lang matutuwa ang tukso sa ’yo. Marami ang masisira. Tiwala, tagal ng pinagsamahan, pangako, pangarap at pagmamahalan ninyo. Hindi pa masyadong mabigat kung hindi pa kayo kasal ng nauna, pero paano na lang kung kasal na kayo?

Masakit, pero nangyayari talaga ito sa totoong buhay. At ang nagiging kawawa ngayon dito ay yung mga naiiwan. Dahil umaasa sila at naghihintay. Yun pala niloloko na sila nang walang kamalay-malay.

Pag-ibig nga naman..

(Photo credit:   Motherscribe.blogspot)

author:  iceburn

p.e./mj


Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.


Send a private message to author iceburn

  • Julius

    Kung may takot ka sa Diyos hindi mo magagawang gumawa ng mali. Kung may respeto ka sa sarili mo at sa kapwa tao mo, malayo ka sa pagkakamali. Lahat tayo haharap sa hukuman ng Diyos mabuti ka man o masama. Kaya mamili ka ang mabuti o masama?

  • My side ganyan din ang tingin ko before pero nun pinili ko yun 2nd mas nasaktan ako ng sobra,kaya kung pipili ka timbangin mo mabuti para wala kang pagsisihan and as long na walang “anak” na madadamay.paano kung pinili mo yun 2nd tapos nagsama kayo nakita nyang may kulang din sayo at naghanap din sya ng iba? kakayanin mo din ba?

  • betterme03

    paano kung kunwari nakarma ka?? biglang iniwan ka pareho walang natira sayo.. magsisi ka man huli na.. nangyare na sakin to eh.. hindi ko kasi maramdaman na mahal ako nung una pero nakipaghiwalay naman ako bago naging kami nung 2nd yun naramdaman ko mas mahal nya ako kaso sa ngayon napagod na sya intindihin yung samin. ngayon wala.. walang natira.. karma talaga.. kaya ngayon pinipilit kong mas mabuting tao.. baka leksyon na din to sakin at tinuturo ni God panu mas maging mabuting tao.

  • jessa maria

    wala akong pipiliin kasi isa lang ako kung magmahal…kung ako ang una o ang pangalawa siguro di ko na yun problema..bahala siya

  • Nel

    The solution is simple, although it may be a bit late for some people. If you will cheat on your spouse later on, Don’t get married. Period. I know it seems easy to say, but think about it for a while. You should know by now (assuming you have an adults’ brain and not a childs.)if you are capable of cheating on your spouse. Notice I’m not specific on the gender, simply beacuse it goes to both sexes.

  • elcie: Kung ganon, di bakit hindi mo na lang iwanan yung asawa mo? Hindi dapat makipag kita ka sa ibang lalaki; dapat kausapin mo yung asawa mo para malaman ninyong pareho kung may pagasa pa ang kasal ninyo. Kung wala na, di umalis ka na lang!!! Huwag ka naman maging “MALANDI” at kumuha nang ibang lalaki — may asawa ka pa rin!!!!!!!!!!! Diyos ko naman! Anong klase ba ang isip mo? Baka naman lalaki ka sa loob, pero babae ka sa labas (yung katawan mo)!!! Mayroon tawag sa taong kagaya mo, pero hindi ko puwede ilagay dito dahil ayoko naman magalit sa akin yung manga nagtatrabaho sa https://www.definitelyfilipino.com.

    You are NOT worth getting in trouble for!…….

    • elcie

      ahahaha hey cool..this is only my opinion I just cite another example that do happen why so mean ??? hmmmmm this is a blog not a website for uneducated person heheh.

  • Kung malayo ang asawa ko dahil OFW siya, hindi naman ko magagawa na magkaroon nang bf o kung ano man kasi hindi naman niya talagang gusto magtrabaho sa ibang bansa, pero ginawa niya yoon para sa amin (ako at ang manga anak namin)!…

    Ang manga lalaki kasi napaka kulit masyado. Palagi nalang gusto nilang kasama yung minamahal nila. Hindi ako puwedeng magsalita para sa lahat nang manga babae, pero para sa akin hindi tama na magka bf o kung ano man ang tawag sa manga babaero!…… Wala yata kayong “self control” kasi. Kaya tuloy minsan talagang naiinis na ako sa manga lalaki!. Hindi ko naman sinasabi na mas gusto ko nang babae; sinasabi ko lang mas mabaet kami kaysa sa inyo karamihan nang beses!!!!

  • aimeeindubai

    Iceburn, di mahalaga kung sino ang nauna o huli, basta ba piliin mo ang tunay na nilalaman ng puso mo.

    • Ralien

      I agree! Pag mahal mo kahit anung pagsubok, nandun ung determination. Kaya mo syang ipaglaban kasi genuine love ung nag i-exist. 🙂

      • Angela

        agree din po…

    • liahpotz

      i agree..d mportante kng sino ang nauna.mahalaga sinunod mu ung laman ng puso mu

  • elcie

    eh paano naman ang sitwasyon na kaya ka nagmahal ng iba dahil hindi naging maganda ang pagsasama ninyo ng asawa mo? Hindi nga kayo magkalayo miserable ang buhay mo sa asawa mo at nainlove ka sa iba di ba? at may nangyayari na mainlove ka pa sa iba na mas malayo sa iyo?

    • Matoto man magmahal isang may asawa ng iba, ngunit hindi n mababago ang papel mo bilang asawa ka nya o asawa mo xa! san man kayo makarating ang papel mong bilang isang asawa ay hambambuhay n yun nakadikit sa isa man sa inyo!ngunit walang kasing tibay ang kasal sa magmahal sa iba, naniniwala ako ang pinag-isa ng Panginoon ay kahit kailan hindi magkakahiwalay, maraming nagkakahiwalay ng temporary ngunit kusa din naghihilom ang sakit at nagkakabalikan!