Marami nagtatanong. Maraming nag-uusisa. Maraming gusto akong paaminin. May lovelife daw ba ako? O kung nagkalovelife na ba ako? Kung may nagugustuhan ba ako?

May minamahal ako noon pero mas pinili naming isikreto. Para kami lang ang involved kung may problema. Hindi na kailangang madamay pa ang iba. Kadalasan, mapapangiti na lang kaming bigla dahil may mga bagay na nagpaalaala ng aming masasayang araw. Masayang “kami” lang . Nakatutuwang nauungusan namin ang problema na kami lang. Kaya mas pinili naming isikreto at hindi magkuwento. Kaya nanatiling akong tahimik sa tanong ng ilan sa aking mga kaibigan at kamag-anak.

 Itago natin siya sa pangalang “Jenei”, (pero yun talaga ang tunay na pangalan niya) kilala mo ba siya? Malamang hindi ang isasagot mo. Inusisa ang lovelife ko; kung magbibigay naman ako ng pangalan, hindi din naman kilala. Sige, ikuwento ko na.

Jenei — She’s my girl.  She occupied a tiny space in my heart pero kahit maliit ang naookupa niya, spoiled siya sa loob nito. Malaya siyang nakaiikot sa lahat ng bakanteng puwesto. Siya lang kasi ang nandoon. Exclusive. VIP. Paminsan-minsan, nararamdaman kong malikot siya kasi bumibilis ang tibok ng puso ko. Naisip ko nga, sumasayaw siya sa loob kaya ganoon kabilis ang heart beat ko.

Siguro itatanong mo kung bakit siya ang pinili kong mahalin? Pero dapat siya ang tanungin mo kung bakit ako ang minahal niya? Wala namang special sa akin pero sa kanya madami. Kung isusulat ko nga sa pader malamang kahit ang great wall of China, kukulangin.

Hindi ko matandaan kung paano niya ako nagustuhan. Inaamin ko, dinadaan ko ang lahat sa bolahan. Tsaka hindi ko kailangan magpaimpress kasi alam naman niya ang tunay kong ugali. Sa isang baryo lang kasi kami nakatira at classmate ko ang kapatid niya kaya madalas ako sa bahay nila.

So interested ka na kung paano kami nagkaroon ng ganoong set-up? Nasa bahay nila ako. Napansin niya na madalas akong pumunta sa kusina tapos magtitimpla na ako ng kape. Hindi na sila naninibago kasi sanay na silang doon ako nagkakape kahit puno pa ang stock sa amin.

Iniabot ko sa kanya ang isang tasa ng tinimpla kong kape at sinimulan namin magkuwentuhan. As usual, nasagasaan ang lovelife kaya nagkaroon na kami ng bonding. Nag-open ako, ganoon din siya.

Hindi ko akalain na simula iyon ng isang maganda samahan. We go crazy sa mga sumisikat na kanta. We danced all night. Then noong inabot kami ng ulan sa may kanto, nagkarera ang kalokohan sa aking isipan.

Know what Jen, prone pala sa heart attack kapag magkasukat ang haba ng forehead hanggang chin at from left ear to right ear.” Seryoso kong sinabi habang dinadangkal ko ang mukha ko.

“Sukatin ko sa iyo, para maging aware ka at maiwasan ang food na masyadong matataba.” Medyo chubby kasi siya. Pagtapos ko masambit ay kumaripas na ako ng takbo, alam kong naasar siya at pipingutin ang tenga ko.

Nagpapadyak siya na parang batang hindi ibinili ng ice cream. Ayaw na ayaw niyang naiisahan siya.

Hinabol niya ako, ‘di inalintana ang lakas ng ulan. Noong mapagod naupo kami sa damuhan. Garalgal na ang kanyang boses, halatang nilalamig. Dumikit ako sa kanya para maibsan ang lamig. She held my hand. My heart pumped. She smiled.

Hindi ako makapaniwala. May kuryenteng dumaloy sa aking katawan. Napuno ng kaba ang dibdib ko. Inaamin ko, kahit expert ako sa bolahan, siya ang first kiss ko. Ito siguro ang sinasabing butterflies sa stomach. Pero pakiramdam ko, mga nakawalang hayop sa zoo ang nagtatakbuhan sa tiyan at dibdib ko.

Estudyante pa lang kami noon, napagkasunduan naming ilihim ang lahat. Naging kami. Pero lihim pa rin. Kahit hanggang nakagraduate na, lihim pa din. Lagi kaming magkasama pero ngumingiti lang kami kapag may nag-uusisa. Bahala na silang mag-isip kong anong meron kami.

Tumagal kami ng two years sa ganoong set-up. Wala na din nag-uusisa dahil sanay na sila.

Pero kahit gaano raw kaganda ang panahon may susulpot na bagyo. Nagkaroon kami ng problema dahil sa work schedule. Nabawasan ang oras at araw ng aming pagkikita. Kung pupunta ako sa kanila, madalas tulog o kaya naman maagang pumasok.

Third anniversary, tumawag siya na gusto niya akong makasama. Huwag na daw akong bumili ng pagkain dahil siya na daw ang magluluto. She also said na sa bahay na lang daw ang venue. Binigyan ko ng pera ang kapatid kong bunso at inutusang magpakalasing sa bahay ng kanyang barkada at huwag siyang uuwi hanggat hindi pa umaga.

Bumili ako ng bulaklak. Inilagay ko sa kuwarto katabi ng binili kong baboy na regalo ko sa kanya. Natatawa ako. Excited ako sa reaction niya. Gustong gusto kong inaasar siya. Lalo na kapag nag-aasal bata siya. Gumawa ako ng personalized banner to greet her. Idinikit ko sa dingding para kapag binuksan niya ang kuwarto ay iyon agad ang bubulaga sa kanya. Maaga pa lang ready na ang lahat. At 8pm, she called na on the way na siya.

As expected, masarap ang meal. Busog ang tiyan pati ang puso ko. Naging masaya ako. Nabura lahat ng lungkot ko noong mga araw na hindi kami magkasama.

Jen, halika sa kwarto, may ipapaki…—” Nag-ring ang phone niya. Badtrip. Kung kelan nasa introduction na ako ng prepared speech saka may sumulpot na abala.

“Matagal ka pa sa loob?” tanong ng kausap niya. Tumalas bigla ang pandinig ko dahil alam kong boses ng isang lalaki.

“Nasa labas ako!” Galit na boses ng lalaki.

“Anong ginagawa mo sa labas?!” Kahit pabulong ang boses ni Jenei naririnig ko pa rin.

“Ayoko ng gulo, lalabas na ako!” sagot ni Jenei sa kausap. Saka lumabas din ng bahay.

Halos madurog ang puso ko nang makita ang isang lalaking nakasandal sa isang kotse.

“Jen?” tanong ko.

“I’m sorry..” Bumuhos ang luha sa mata ng pinakamamahal kong babae. Sa loob ng dalawang taong magkasama kami, hindi ko siya nakitang umiyak. Hindi ko matandaan may ginawa akong mali.

Lumapit ang lalaki at hinila siya sa braso. Akma ko siyang hihilahin pabalik pero pinigilan ako ni Jenei. Hindi na ako nagtanong. Alam ko na ang sagot. Masasaktan lang ako. Habang papaalis sila, dinig ko ang galit na boses ng lalaki. Anong bang wala sa akin at nakuha niya akong ipagpalit? Bakit mas pinili niyang sinisigawan kaysa sa tahimik naming pagsasama.

Pinanood ko ang kanilang pag-alis. Bumagsak ang luha ko matapos makatanggap ng isang text message.

“I am sorry. Kami na ni XXX. Alam mo siguro kung bakit kita ipinagpalit..”

Damn!!! Hindi ako malakas tulad ng madalas makita. Malambot ang puso tulad ng damit na bagong laba na may fabric conditioner. You can see my charming smile but inside, I’m bleeding. Siya lang ang mahal ko kaya ako nasasaktan nang sobra.

Wala nang “kami”. Ako na lang. Nagtataka ka siguro kung bakit ganito ang pinasok naming set-up. Alam ni Jenei kung bakit. Pareho kaming babae at alam kong maghahanap siya ng pagmamahal ng isang lalaki.

Lumipas ang maraming buwan, hanggang sa unti-unti ko siyang nakalimutan. Taon ang aking binilang para tuluyan siyang tanggalin sa puso ko, hanggang sa umibig na ako sa isang lalaki. Sa ibang lahi, sa isang Moroccan guy. Sa kanya ko naramdaman kung paano maging isang tunay at ganap na babae. Na realized ko, babae pa rin pala talaga ako.

author:  aimeeindubai

p.e./mj