You can’t stop him from cheating if you don’t know why men cheat!“- Gary Neuman

Ang pagtataksil ay isang karumaldumal na gawain, ngunit ito ay nangyayari sa ating lipunan. Kaya nararapat lamang na ating alamin ang mga maa

Adult Content (Photo credit: marsmet524)

Adult Content (Photo credit: marsmet524)

aring dahilan kong bakit natin ito nagagawa.

Maraming nagiging dahilan kung bakit nagtataksil ang isang lalaki sa kanyang asawa o kapareha. Narito ang ilan sa aking nasaliksik:

1. Boredom, thrill of the unknown. ‘Ang pagdating ng teknolohiya sa daigdig ay isang dahilan upang pagsimulan ng pagtataksil. Nariyan ang instant messaging, texting at cell phones. Ang internet ay puno ng chat-rooms at websites na puwedeng pag-ukulan ng ilang oras ng isang kaperaha. Gayunman, nasa choice pa rin ng tao kung nanaisin niyang mapasailalim sa teknolohiyang ito

2. Hindi na siya gaya ng dati. “Dati rati ang sipag niyang mag-ayos sa sarili, ngunit noong naging sila na, wapakels na. Maaaring si babae ay hindi na palaayos gaya ng dati o hindi na siya mabango. Alam naman nating ang mga lalaki ay mahilig sa “wow” factor. Gusto niya lagi maayos ang kanyang kapareha. Laging sexy, at parating thrill ang bawat moments na magkasama sila. Yung tipong pinipigil niya ang paglunok ng laway niya. (He-he).

3. Communication Gap. May mga magkakapartner na kung mag-usap na lang ay tipong nag-uusap na lang kayo tungkol sa lagay ng mga trabaho o career. O kung sa mag asawa tungkol na lang sa mga anak, o ang bahay o ng mga gastusin – pero hindi tungkol talaga sa inyong estado bilang mag-asawa o estado ng inyong relasyon. Ano, hindi mo maintindihan? Be romantic naman. Ligawan mong muli si Mare o si ate. Masama bang ulitin ang “I love you, ikaw lamang ang babae sa aking puso, Iniibig kita”. Alam mo ‘pag wala nang communication sa pagitan niyong dalawa, maaring ang isang kapareha ay naghahanap ng ‘ibang’ makakausap. Hala ka.

4. Masyadong matalak . Mahirap ba kontrolin ang pagiging nagger? May iba na animo’y lamok na nakakairita. Kung ganito nga, maaaring maghanap ng mas understanding ang isang kapareha. Huwag naman kasi masyado matalak, magalit ka ng tama lang, huwag naman yung mula ulo hanggang paa ay kwestunin mo.

5. Magkaiba na ng gusto. O ‘di naman kaya ay nagkasawaan na? Kung dati para kayong tae ng kambing na mahirap mapaghiwalay saan man magpunta, ngayon ay kanya-kanya na ang lakad niyo. Si babae, gusto lagi ay shopping, o kaya katsikahan ang kaibigan. Si lalaki naman ay laging busy, o sumasama sa barkada. Try to spend more time as much as possible with your partner. If possible, prioritize her/him in any case.

6. Romance o Sex. Ganoon? Kahit pa masaya ang pagsasama dahil malusog ang anak, maganda ang estadong pang pinansyal ng pamilya at iba pa, kung nawawala na ang passion ng mag-asawa o magkapareha, ang isang kapareha ay maaaring ma-bore. Yung mga lalaki na mamamatay- puro sinasabi nila ay gusto naman tumikim ng ibang putahi. Bakit ‘di mo nalang kaya katayin yung ipis at ipakain sa kanya? Tiyak ibang putahi yun. Ang love at sex o lust ay magkaiba.

7. “Revenge.” Ano? Naghihigante ka? Yes, maaari. Kapag nahuli niya na naglalaro ng matinding apoy ang kanyang kapareha, puwedeng dumating sa puntong gumanti ito – na ikokonsidera niyang paghilom ng kanyang damdaming nasaktan. Pero ito ay isang bulok na dahilan o pagdadahilan.

8. Dahil may pagkakataon o tukso. Minsan kasi, may ibang babae na kumakaringking sa nananahimik na kaluluwa. Sabi nga nila, palay na ang lumapit sa ibon (ibon para maiba naman). Sa mga lalaki kasi, mahirap ayawan si tukso, mahirap kalabanin, mahirap layuan. Kaya minsan, ang dating ‘faithful husband’ ay nagiging close friend ni tukso na siyang dahilan ng pagtataksil sa kanyang kapareha.

9. They have fallen out of love. Yay, ito yung masakit na katotohanan. Yung ‘kasi hindi na kita mahal’ or’ nawalan na ako ng amor sa iyo’. Lagapak! Clearly, if a man isn’t happy in his relationship, he should just end it, and save his partner from the pain and suffering instead of lying and cheating just to satisfy his own needs. It’s selfish and unhealthy! Try mo rin itulak sa bangin para totally ‘fallen’ siya.
10. Because you have allowed it in the past.  Hindi natin maiiwasan magpatawad kapag ang pakner natin ay nagkasala o nagtaksil sa unang pagkakataon. Pero minsan nagagawa pa rin nila ito sa pangalawang beses. Men find ways to make excuses to cheat, and they LIE TO YOU! Nobody’s perfect, but when you lie, you’re just adding more fuel to the fire. Eventually, you will get burnt! Don’t allow yourself to get cheated on, nor cheat yourself out of your own happiness.
In reality, not only men cheat, women do too. But even if a woman is ‘almost perfect’, men can still cheat her. I wonder why. In the case of women, if they find the ‘not almost perfect but a loving man‘, there is no space for the word ‘cheat’ in a woman’s heart and mind. Cheating is being deleted from her vocabulary.

Ang masasabi ko lang, “Pare, huwag ka naman maging  murderer ng mga kawawang puso’.

author: aimeeindubai

p.e./kf

Enhanced by Zemanta