NAGTATAGO LANG SI PEDRO, JUAN
Isang umaga’y nagtungo si Juan sa ilog malayo sa kinatatayuan ng kanilang tahanan upang maghanap ng maaaring makain para sa pananghalian ng kanilang pamilya.
Si Pedro nama’y nagtungo rin malapit sa kinaroroonan ni Juan upang ipastol ang kanyang alagang kalabaw. Ilang sandali lang ay nakarinig sila ng isang putok, dalawa, tatlo at nadagdagan pa. Nagulat si Pedro kung kaya’t sinikap n’yang gumulong pababa ng ilog upang agad na makapagtago. Nakita iyon ni Juan at agad na tumakbo papalayo sa ilog dahil sa pangambang baka pati s’ya ay madamay rito.
JUAN – Nanay, nanay!
LUCY – Bakit anak?
JUAN – Nagkaroon ng putukan sa may kakahuyan, nakita kong nahulog si Pedro sa ilog, may tama yata.
LUCY – Naku! Saan s’ya tinamaan? E ikaw? May tama ka ba?
JUAN – Wala po, parang. . . . . parang sa may balikat, ‘nay. Tama, oo, hawak n’ya ‘yung balikat n’ya noong nahulog siya.
LUCY – Kailangang malaman agad ito ng tatay mo. D’yan ka lang, h’wag ka na munang babalik sa kakahuyan.
Makalipas ang ilang sandali
LUCY – Berting! (sigaw n’ya)
BERTING – Oh bakit? Mukhang hingal na hingal ka? Ano ba’ng nangyari?
LUCY – ‘Yong anak mo, nasaksihan ang putukan sa may ilog. Nakita n’yang tinamaan ng bala si Pedro.
BERTING – Naku! Totoo ba ‘yan?
LUCY – Oo, sa ano daw. . . . sa. . . . sa dibdib. Oo tama, ‘yon ang nabanggit ng anak mo.
BERTING – Eh nasaan na daw ngayon?
LUCY – Hindi ko pa alam, baka may nakakita na at dinala na s’ya sa Ospital.
BERTING – Edi mabuti kung ganoon, pupuntahan ko na si pareng Diego para malaman n’ya ang nangyari sa kanyang anak. Umuwi ka na at bantayan mo ‘yong anak mo.
LUCY – Oh sige, mag-iingat ka.
Sa gitna ng kalsada
TIKBOY – Pareng Berting! Saan ka pupunta? (sigaw n’ya)
BERTING – Kay pareng Diego pare, sa kapatid mo.
TIKBOY – Bakit pare? May inuman ba kayo?
BERTING – Wala pare, may ibabalita lang ako.
TIKBOY – Ah, sige pare, mag-iingat ka. Yayaon na ako’t may gagawin pa kami ni misis. (ngiti sabay kindat)
BERTING – Sandali! Alam mo bang nasa Ospital ngayon si Pedro? 50/50 pare. Tinamaan ng bala ng baril sa ulo, Naku! Nagkaroon kasi ng barilan kanina sa kakahuyan ang mga sundalo at NPA.
TIKBOY – (tarantang taranta) Ha? E wala s’ya e, kaaalis lang. Sige, ako na bahala, mahahabol ko pa s’ya
BERTING – Sige pare, maraming salamat.
Sa isang sari-sari store
TIKBOY – Kuya Diego! (sigaw n’ya)
DIEGO – Oh bakit, Tikboy? Ba’t ka sumunod? May kailangan ka ba?
TIKBOY – Si Pedro, kuya.
DIEGO – Ano?
TIKBOY – Nasa ilog kanina
DIEGO – Oo nga, inutusan ko’t pinapakuha ko ng gulay sa taniman. ‘Yun na lang ang uulamin namin at nang hindi na umuwi pa ng bayan para bumili ng isda.
TIKBOY – Hindi kuya, si Pedro nasa mor. . . . nasa morgue, patay na.
DIEGO – Ano? A-a-a-a-anong nangyari? Bakit? Paano? Sagutin mo.
TIKBOY – E kasi, nagkaroon daw ng labanan ang mga sundalo’t NPA kanina sa ilog. Nasabugan daw ng granada e. Hindi na daw makilala ang mukha n’ya.
DIEGO – Halika! Bilisan mo, puntahan natin si Inay sa bahay, madali!
TIKBOY – Sige kuya.
Sa bahay nila Diego
DIEGO – Inay, Inay!
TIKBOY – Nanay?
FLOR – Oh ano ba ‘yan at ang ingay ingay n’yong dalawa? At ikaw Diego, hindi ‘bat nakaalis ka na kanina? Baka mawalan ka ng trabaho dahil sa ginagawa mong ‘yan. (paliwanag n’ya habang abalang nagluluto ng talbos ng kamote)
DIEGO – Inay si Juan. . . . . Nakita ni Pedr. . . . . . . .
FLOR – Andyan sa kusina naghuhugas ng plato. Mabuti nga’t maagang nakauwi, aba’y ‘yong tarantadong kapitbahay nati’y namamaril na naman doon ng ibon. Matagal na ngang ipinagbabawal ‘yon ni kapitan, aba! Napakatigas talaga ng ulo. Oh e ano bang sasabihin mo?
DIEGO – Hmmm, wala po ‘nay, a-a-alis na po kami.
TIKBOY – Hayyyy. . . . . . . .
Ano ang natutunan n’yo sa kwentong ito?
author: sherald salamat
p.e./mj
©Copyright 2012, Filipino | Definitely Filipino™. All rights reserved. Copying of any article from this Definitely Filipino blog without permission, is strictly prohibited. DISCLAIMER: All articles are opinions of their respective authors and not necessarily of the site owner and Definitely Filipino.
You may also like these articles:
Teaching Music in the Little Town of Boys
The Jeepmates (First Trip)
Nothing is Greater Than The Heart Of A Volunteer- Paratus et Fidelis
Tamad ba Talaga si Juan?
My Uncle, My Father, Former OFW, a Hero to us!
Spongebob
Breadwinner (Part 5)
Bakit Ako Pa?








hahaha,,, nice… totoo nagyayari yung ganito.. padagdag ng padagdag ang kwento.. =)
masabi lang na naunang nakakalap ng balita ang ibang tao, tsismis agad. kahit dagdag bawas na, medyo may kasikatan kasi ang taong unang nakakaalam. yun nga lang, dapat sana totoo talaga. hehehe. salamat po sa pagbabasa
Hahaha nakakatawa basahin kong pagbasihan ito , ang kwento nga naman
hehe, tama nga po. minsan, nakakapahamak din naman.
Ok! to pre parang Jhon Cena lang ha! buhay pa pinapatay na.kaya naniniwala ako s kasabihan na tounge is like a sharp knife. its kill without drawing bloods…..
haha, lalim pero tama yan. matalim talaga ang dila. mas nakakasakit yan.
grabe tawa ko dito. jeje.. nice one!! mag isa lang ako ngayon sa bahay at talagang medyo nabobore na ko pero after ko basahin to sobrang natawa talaga ako, buti walang nakakakita sakin ngayon kundi baka isipin nila naloloko na ako.. jajajaj!!
hehehe. ganyan po kasi magkwento ang mga pinoy paminsan minsan. dagdag bawas. ang totoong buhay pa eh pinapatay na. salamat po sa pagbabasa.
grabi ikaw na.
salamat arref.