Naranasan mo na ba magmahal ng dalawa?

Paano kapag nagmahal ka ng dalawang tao. Tapos dumating yung point na Two Lovers   (Photo credit:   Motherscribe.blogspot)kailangan mong pumili sa kanila. Isa sa kanila ang masasaktan at maiiwan. Dahil hindi naman puwedeng pang habang buhay na dalawa sila sa buhay mo. Sino ngayon sa kanila ang pipiliin mo?   Yung nauna o yung pangalawa?

Sabi nila, pag nagmahal ka daw ng dalawa, at kailangan mong pumili, piliin mo daw yung pangalawa. Kasi hindi ka naman daw magmamahal ng iba kung talagang mahal mo yung nauna. May point naman sila.

Pero paano kung biktima ka ng pangungulila sa nauna? Mahal mo siya, pero malayo siya sa ’yo? Tulad na lang kung nasa ibang bansa ka, o ‘di kaya siya ang nasa ibang bansa. Siyempre, may mga pagkakataon na kailangan mo ang presence niya, pero wala siya. At sa hindi sinasadyang pangyayari, nahulog ang loob mo sa pangalawa. Dahil siya yung laging nandyan na nakikita mo. Laging nandyan pag may kailangan ka. Laging nagpapahalaga at nagkecare sa’yo.

Minsan kasi, nasasanay tayo sa mga taong lagi natin nakikita. At habang kapiling natin sila, hindi maiiwasang makita natin sa kanila yung mga bagay na namimiss natin sa mga mahal natin na nasa malayo. Kaya ang nangyayari, naibabaling yung atensyon natin sa kanila. At nadadamay pati yung nararamdaman natin na dapat para lang sa mga mahal nating umalis o iniwan sa Pinas.

Kapag naging mahina ka habang malayo sa mahal mo, lalo lang matutuwa ang tukso sa ’yo. Marami ang masisira. Tiwala, tagal ng pinagsamahan, pangako, pangarap at pagmamahalan ninyo. Hindi pa masyadong mabigat kung hindi pa kayo kasal ng nauna, pero paano na lang kung kasal na kayo?

Masakit, pero nangyayari talaga ito sa totoong buhay. At ang nagiging kawawa ngayon dito ay yung mga naiiwan. Dahil umaasa sila at naghihintay. Yun pala niloloko na sila nang walang kamalay-malay.

Pag-ibig nga naman..

(Photo credit:   Motherscribe.blogspot)

author:  iceburn

p.e./mj