Mataas ang pangarap ko sa buhay, gagawin ang lahat makuha ko lang ang nais ko, pero hindi sa masamang paraan kundi sa tamang daan sa sarili kong pagsisikap kaya kong abutin ang aking mga pangarap.

Woman on Man’s Lap    (Photo Credit:    Laser Etching Artwork)

Woman on Man’s Lap (Photo Credit: Laser Etching Artwork)

Para sa akin isang napakalaking swerte ang napadpad ako sa ibang bansa, namasukan bilang katulong sa Gitnang Silangan. Mabait ang naging amo ko at wala akong masabi sa pamilya nila.

“YOU’RE PART OF THE FAMILY!  FEEL AT HOME.   DON’T BE SHY!”

Ito ang sabi ng amo kong babae, matagal na silang mag-asawa, pero ‘di sila nagkaanak dahil may diperensya si Madam sa matris at madalas itong wala sa bahay.  Tanging kami lang ng amo kong lalaki ang madalas na naiiwan. Linis lang ako ng bahay at siya naman ay nasa kwarto nila nakatambay, kaya hindi ako natatakot na maiwan kasama siya kahit wala ang amo kong babae; ‘di naman siya bastos.

Isang pangyayari ang nagpabago sa buhay ko, isang buwan na nagbakasyon si Madam sa America at tulad ng nakasanayan, kami lang ulit ni Sir ang naiwan.

Isang tawag mula sa kay Sir ang aking narinig at pinuntahan ko naman siya sa sala na nakaupo.

HAVE A SIT!”

Sa barako nitong boses, sumunod naman ako sa sinabi niya, pero nabigla na lang ako nang magsalita ito.

“GIVE ME ONE CHILD AND BE A MOTHER OF MY CHILD!  JUST TELL ME THE AMOUNT!”

Halos mabilaukan ako sa nadinig ko. Una, hinindian ko, pero naisip ko, dalaga naman ako; baka dumating ang araw na pakasalan niya ako dahil pwede naman sa reliheyon nila ang magkaroon ng dalawa o higit pang asawa. Sinunggaban ko ang offer niya, binigay ko ang aking pagkababae at sa unang pagkakataon, naranasan ko ang maging ganap na babae sa kandungan ni Sir!

Naging maayos naman ang relasyon namin sa loob ng bahay nila habang wala ang asawa niya, inaalagan niya ako at tinuring na para ding asawa niya kahit alam ko na katulong lang ako sa pamamahay niya. Binigay niya sa akin ang lahat ng materyal na bagay na ‘di ko nahawakan noon at isang relasyon na akala ko ay ‘di ako iibig kay Sir!

Pero naputol ang panandaliang kaligayahan namin nang dumating ang aking among babae. Patay-malisya lang kami; para bang walang nangyaring kababalaghan sa tahanan nila. Masakit para sa akin na makita silang naglalambingan sa sala.

“SINO NGA BA AKO SA BUHAY NI SIR?”

Alam ko na naramdaman niya ang aking damdamin, pero nilulugar din niya ang kanyang sarili dahil ayaw niyang makahalata ang kanyang asawa sa relasyon naming dalawa.

Dumating ang kinatatakutan ko dahil tanghaling tapat nang biglang bumaliktada ang sikmura ko at eksakto din na umalis si Madam. “HABIBI, WHAT’S WRONG?”   Wala akong sinabi; tiningnan ko lang siya at bigla niya akong niyakap sa tuwa.

“YOU’RE PREGNANT, RIGHT?”

Hindi ko alam kung paano ko i-describe ang kasiyahan ni Sir nang mga sandaling iyun. Hinalikan niya ako sa noo. Pero ang kasihayang yun ay nabahiran ng lungkot dahil kailangan kong lisanin ang kanilang tahanan bago pa malaman ni Madam na buntis ako at si Sir ang ama ng batang nasa sinapupunan ko.

Si Sir ang naghatid sa akin sa airport at iniabot sa akin ang malaking halaga ng pera na gagamitin ko sa panganganak ko sa anak niya! Tumulo luha ko dahil minahal ko na talaga siya, pero hanggang doon na lang ang papel ko sa buhay niya, bago ako bumababa sa kotse niya, nagbitiw siya ng salita.

I PROMISE I’LL BE THERE IN THE PHILIPPINES SOON!”

Eto ako ngayon at naghihintay sa aking pagsisilang sa anak ng aking amo.  Sa  kandungan ni Sir ay nakabuo kami ng isang bawal na relasyon. Kung darating man siya, ‘yan ang inaasahan ko upang makita niya ang kanyang unang anak. MAHIRAP UMASA, PERO ‘DI KO PA RIN PAKAKAWALAN ANG SALITANG SANA!

author:  jovelyn

p.e./mj