“Pabili nga po ng Boypren!

Balang araw, kapag masyado nang advanced ang teknolohiya, hindi na ako

BF for Sale    (Photo Credit:     Coolfunnyshirts)

BF for Sale (Photo Credit: Coolfunnyshirts)

magugulat kung maririnig ko yan mula sa ilang kababaihan. Siguro gaya ng palabas/manga na “Absolute Boyfriend/ Zettai Kareshi“, i-po-program na lang sa computer ang mga karakter ng ideal guy mo. Tapos kinabukasan, dyaran! Andun na sa pinto mo ang special robot na ginawa upang maging boyfriend mo.

Para naman daw hindi ka na naiinggit sa mga couples tuwing Araw ng mga Puso, kung kailan nasa bahay ka lang at tahimik na nanonood ng 50 First Dates. Mag-isa. Habang kumakain ng chocolates na binili mo sa supermarket kung saan kinikilig pa yung cashier na nagtanong sa ‘yo kung kanino mo ibibigay. Ikaw, tahimik ka lang dahil hindi mo talaga masabi ang totoo na single ka ngayon.

Ang article na ito ay hindi lang naman para sa mga naghahanap ng RIGHT ONE para sa kanila. Kahit pa in a relationshipmarriedengageddivorcedwidowed o kung ano man ang status mo ngayon, pwede mo rin namang basahin ito kung trip mo.

Siyempre, iba-iba ang mga lalaki. Baka nga sabihin mo, wala akong karapatang i-classify sila dahil hindi naman talaga yun posible. Pero dahil wala akong magawa, eto na.
  1. Gwapong Malandi. Self-explanatory na to. Pero, kasi, nakakatawang ulitin yung  definition na “Yung parang nagpapalit lang ng t-shirt o underwear kung magpalit ng d-in-e-date o nililigawan.” Minsan nga pinagsasabay-sabay pa niya eh. Take note. Hindi siya ang kadalasang campus crush. pero kung umasta, parang kahit saan s’ya magpunta ay may lilingong babae. Echoserong froglet. Pero minsan totoo rin namang maraming lumilingong babae, kasama na riyan yung mga niloko niya.
  2. Gwapong Campus Crush. Eto yung lalaking pinagtitilian ng mga babae. ‘Yung kapag dumadaan siya, nagkakaroon ng wind effect. Napapanganga ang mga babae at beki na nakakakita sa kanya. Hinihimatay ‘yung babaeng mangingitian niya. ‘Yun nga lang, etong ganitong tipo ng lalaki ang kadalasang bumabasag sa puso ng marami. Kasi lalapitan niya pala yung girlfriend niya.
  3. Gwapong Woman-Hater. Dahil nakasisilaw na ang kaniyang kagwapuhan, pinagkakaguluhan rin siya ng mga babae. At dahil dun, nai-invade na ang pribadong buhay niya. Isama mo na riyan yung naranasan niyang ma-stalk(hindi lang sa facebook), makidnap, at manakawan ng halik o yakap. Naalala ko tuloy si Kyouhei ng Yamato Nadeshiko Shichi Henge.
  4. Gwapong Torpe. Oo naman. Marami pa ring ganyan ngayon. Siya yung tipong maraming fans pero isang babae lang pala ang gusto. Either may boyfriend na yung girl o naghihintay lang din sa kanya.
  5. Gwapong Bading. Common na ‘to ngayon eh. Siguro sa sobrang gwapo nila, nainlove na sila sa sarili nila. Kaya dahil dun nagustuhan na nila ang kapwa gwapo. Siguro lang naman.
  6. Gwapong “Studies muna, ok?” Sobrang sipag. Babae na ang nanliligaw, pag-aaral pa rin ang mahal. Pero sila ang kadalasang husband material dahil subok na ang kanilang pagiging responsable. Kadalasang sila rin ang magagaling magluto, maglinis ng bahay, maglaba, o kahit ano pang ibang household chores.
  7. Gwapong Rakista. Pinagkakaguluhan. Tinitilian. Kinakikiligan ng mga babae at bading. Pero priority niya ang pagtugtog. Eto yung tipong kung fan ka, hanggang tingin ka na lang. </3
  8. Hindi kagwapuhang malandi. Ay! eto talaga yung makapal at certified echoserong froglet.
  9. Hindi Kagwapuhang mayabang.
  10. Hindi Kagwapuhang Nerd/ Honor Student.
  11. Hindi Kagwapuhang Torpe. Kawawa ka naman kung ganyan ka na lang forever. Chin up. Cheer up. Seven up. Close up. Okay. Mag-effort ka. Huwag umasa sa destiny lang. Sabi nga ni…..ng kasabihan, “Without effort, destiny won’t work.”
  12. Hindi Kagwapuhang Rakista. Rakista ka pa rin dude! Rock on! m/
    Kung ako sa’yo haharanahin ko na lang yung babaeng nagugustuhan ko.
  13. Hindi Kagwapuhang Bading. Eto yung fun kasama. Mahirap mainlove dito. Friendzoned ka na agad eh.
  14. Hindi Kagwapuhang Bestfriend ng lahat ng babae.Nako, ang hirap malaman kung friend lang ba o more than friend ang turing  niya sa isang tao. Mahirap rin mainlove sa ganito. Hindi lang dahil friendzoned ka na agad, kundi dahil isang araw, marerealize mong marami pala kayong nagmamahal sa kanya. Mahirap na, matulad ka kay Jolina at mapasabing, “Kaibigan mo lang ako! And I made the biggest mistake by falling in love with my best friend!”
  15. Uncategorized.Dito kasama yung mga lalaking hindi mo man lang naisipang igrupo dun sa naunang 14 classifications. Siguro, magkakilala kayo. Siguro friends pa nga. O baka super friends. Baka hindi mo lang napapansin kasi mala-Sam Milby pala siya sa You Got Me. Akala mo hindi gwapo pero pag tinanggal yung salamin niya, maiinlove ka na lang. O baka siya na ang Prince Charming mo, hindi mo pa lang alam.

Wala naman kasing lalaking perpekto. Sabi nga ulit ng kasabihan, ‘wag hanapin si Mr. Perfect/ Mr. Right. Kasi ayon sa kanta nina Say Alonzo at Sam Milby(wow siya na naman), ” ‘Wag hanapin ang pag-ibig. Ito’y darating sa’yo. ” (Napakanta ka no? Hihihi.

Dito sa pang-15 kasama yung mga lalaking hindi mo na-classify pero kapag sila ang nagbasa ng pambabaeng version nito, ilalagay ka nila sa kahit isa man lang. Kasi ang totoo, espesyal ka sa kanila.

At mauunawaan mong hindi na kailangang magkaroon ng superultramega high-technology upang magkaroon ng perpektong boyfriend. Hindi lang dahil sa kadahilanang mahal at hindi keri ng bulsa, kundi dahil natagpuan mo na pala siya. Kundi lang sana nagpapansin ang sintas ng sapatos mo at kinailangan mo pang yumuko para ayusin yun. O baka naman nakatabi mo na, pero mas napansin mo yung traffic lights. Late ka na eh. Yari ka sa boss mo. Posible rin namang nagkasalubong na kayo, pero etong si Manong na nagpepedicab, saktong dun tumigil sa pagitan ninyo dahil bumili siya ng kendi sa isang sidewalk vendor.

Ang mga huling linya ay medyo galing sa My Amnesia Girl. Medyo dinagdagan ko na lang, ang seryoso kasi ni John Lloyd nung sinabi niya yun eh.

author:  hellopotato

p.e./mj