Wala akong karapatang pakialaman ang TRIP ng iba. Pero mayroon naman siguro akong karapatang itama ang nakikita kong mali ng kapwa.

GBU (Photo Credit: Iceburn)

Hindi ako relihiyosong tao. Aminin ko hindi ako nagsisimba linggo-linggo. Hindi ako nagdadasal palagi. Pero naniniwala ako na mayroong Diyos. At sa Kanya may takot ako. Nagpapasalamat din ako sa Kanya kapag may mga biyayang natatangagap ako.

Ang panginoon ay buong-buo na nandyan para sa’yo. Laging pinapanood ang mga ginagawa mo. Maging mabuti o masama man ito. Hindi siya lumalayo sa’yo. Hindi ka niya pinapabayaan kahit na hindi mo siya pinapaniwalaan.

Noon pinagkalooban ka Niya ng buhay mo, di’ba buo ito? Ang mga kakailnganin mo dito sa mundong nilikha niya para sa’yo, diba kumpleto? Ganyan ang pagmamahal sa’tin ng Panginoon, buong-buo. Tayo kaya, buong buo din ang pagmamahal para sa kanya?

Mahilig talaga tayo sa PAGDADAGLAT o PAG-PAPAIKLI ng mga salita. At mahirap ng baguhin yan kapag nakasanayan na. Simula pa noong nauso ang Texting, Chatting sa Yahoo Messenger, sa Friendster, sa Facebook at iba pa. Para mas mabilis nga naman ang pagtatype. At para mas marami ang magkasiya sa Text Message Box ng cellphone mo. Kasi 160 characters lang yun. At kapag lumampas dun, magiging doble ang bawas sa LOAD mo.Tama nga naman. Para makatipid diba? Lalo na sa hirap ng buhay ngayon. Lahat nagmamahal na.

Pero hindi naman sana lahat ay pwede nating daglatin. Ilan sa mga sa mga Shortforms/Abbrevations na nakikita ko ay ang ASAP(As Soon As Possible), BRB(Be Right Back), FYI(For Your Info), LOL(Laugh Out Loud), PLS(Please), TNX(Thanks) at marami pang iba.

May bago akong napapansin at marami na din ako natatangap na abbrevations na hindi naman dapat. Tulad na lang ng GBY o GBU. Ano yun? God Bless You? Hindi naman dapat ganun. Hindi naman dapat dinadaglat pati yun. Three letters na nga lang ng GOD hindi niyo pa makompleto.

Para sa’kin, walang kahulugan ang GBU dahil wala na si GOD diyan. Ang GOD at “G” ay magkaiba. Sana igalang natin ang Panginoon kahit sa pagbabanggit ng Pangalan Niya. Sa’yo, may kahulugan ba ang GBU?

author: iceburn

p.e./mj