Minsan ko nang naranasan ang buhay ng ISANG KAHIG! ISANG TUKA!

Isinilang akong salat sa karangyaan sa mundong aking ginagalawan. Tiyan ko ay

OFW   (Photo Credit:   Alagad.com.ph)

OFW (Photo Credit: Alagad.com.ph)

laging kumakalam sa gutom na naramdaman! Damit na butas at punit na may tagpi ay wala akong paki alam! Nang ako’y lumaki ako ang naging kaliwang kamay ni Tatay sa araw-araw na pamumumahay nasubukan ko ang mangalkal ng basura,pamamasada,pangingisda at pagsasaka,pati na rin pamamalimos sa mga kamag anak ay nagawa ko na. Hindi ko ikinahihiya at sinisi ang aking mga magulang sa kahirapang aming nakamtan,andun man ang inggit sa mga kapitbahay na angat sa buhay pero tanging payo ni Tatay.

“MABUHAY KA SA MARANGAL NA TRABAHO HUWAG LANG SA KAWALANGHIYAAN! DAHIL HINDI KA NAMAN SALOT SA LIPUNAN DAHIL SA NATAMASA MONG KAHIRAPAN!”

Minsan na akong tinawag na dukha ng karamihan pero dahil sa akin pagsisikap narating ko ang ibang bansa! Tawag sa akin ay OFW na rin BAGONG BAYANI NG BANSA. Dito naranasan ko ang pangungulila sa mga magulang kong maralita. Pero para yatang walang pagbabago?

Ay, meron pala; dati isang beses lang kami nakakain sa isang araw ngayon ay tatlo na pala! Damit namin dati ay butas at may tagpi ngayon ay bagong bili na sa UKAY-UKAY paboritong Mall ni Nanay, kahit mura ay ok lang ‘di na namin maramdaman ang ginaw na dadapo sa aming katawan pag bubong naming kawayan ay babaliktarin ng malakas na hangin,ngayon ay bagong napalitan ni Tatay ng kawayang galing sa aming kapitbahay! Daing at talbos pa rin ang ulam nina Nanay dahil sahod ko ay kulang pa sa pagpapaaral sa mga nakakabatang kapatid ko na nais din makatulong na makaahon kami sa bunsod ng kahirapan.

Kung mataas lang sana ang aking pinag-aralan katulad ng Manager at Supervisor ko, mataas siguro ang aking sahod, kaya lang taga kuskus lang kasi ako ng mga inidoro sa loob ng Mall kaya eto binibilang ang resibo ng suki kong si WESTERN UNION gamit ang luma kong calculator.

Naku! Umabot na pala sa ONE HUNDRED THOUSAND PESOS napadala ko sa loob ng isang taon! At ‘di ko alam kong gaano kakapal na mahawakan ang ganitong kalaking halaga, pagkahawak kasi ng sahod ko ilang minuto lang wala na sa palad ko ang matigas na papel na pinaghirapan ko.

Gustuhin ko man makabili ng kahit isang bagong pantalon ay ‘di ko magawa, at hanggang pangarap ko nal ang ang patingin-tingin at mahawakan sa loob ng store ay simpleng kasiyahan sa katuparan ng aking gusto. “GANDA SANA!” puro na lang salitang SANA! Gustuhin ko man na umuwi dahil pagod na ako, pero ang malaking katanungan ang bumabagabag sa aking isipan.

“PAANO NA ULIT AKO SA PINAS? SAAN NAMAN AKO MAGHAHANAP NG MAKAKAIN PARA ILAGAY SA AKING TIYAN?”

Kaya hangga’t kaya ng aking katawan, mananatili akong alipin sa bansang dayuhan! Kay sarap pagmasdan tuwing dadaan ang iba kong kababayan sina Maam at Sir bitbit ay shopping bag, kay ganda ng kanilang buhay bitbit ang kanilang I PAD at LOPTOP samantalang ako bitbit ko ay BRUSH at MOP na pamunas sa marka ng kanilang mamahaling sapatos.

Nakita ko si Inday na kasambahay YAYA ng tatlong bata. Takbo dito! Takbo doon! Hinahabol ang mga alaga sa loob ng Mall kulang na lang sumali ay siya sa marathon! Abot ang kanyang hininga nang ito ay kanyang maabutan, pero siya ay pinagtawanan at ‘di man lang pinakinggan.

Nakita ko si Pare naka suot pa ito ng uniform galing pa ng Construction; wala naman daw siyang gagawin sa loob ng Mall kundi magpapalamig lang muna sa tindi ng init na dumampi sa balat niya sa maghapong bakbakan sa site nila na kanyang pinagtatrabahuan.

Ako ay napatingin sa haba ng pila sa WESTERN UNION Ang dami kong kababayan nasa linya, tanungan kong magkano ang palitan ng Peso laban sa Dolyar. Hindi pala ako nag-iisa dito; madami pala kami.

“AKO AY JANITOR SA MALL”

“SI INDAY TSIMAY SA BAHAY”

“SI PARE PANDAY NG DESYERTO”

“SI MAAM AT SIR SA OFFICE”

Isinilang akong dukha! Lumaki akong mahirap! Nagsikap na makaahon sa kahirapan! Akala ko, yayaman na ako, pero ito pa rin ako, tatanda sa ganito isang OFW na mahirap sa bansa ko! Ilan pa na mga OFW ang nakipagsapalaran para ‘di maranasan ang kahirapan na aking panagdaanan sa bansang pinanggalingan ang INANG BAYAN!

author:  mrevilla

p.e./mj