Madalas ko mabasa sa DF blog about love and relationship section is more about mutual understanding, yun bang parang kayo pero hindi; Mahal n’yo ang isa’t isa pero hindi pwede kesyo ganito, kesyo ganyan; Break ups na super duper nasaktan yun isang partner sa katarantaduhang ginawa ng isa; Tips on how to move on and how to manage break up as a hell. At aaminin ko, super duper ako nakarelate saWaiting Woman  (Photo Credit:  Korningtao) lahat ng nabasa ko dito.

Ang dami ko din natutunan sa buhay pag ibig, kung paano ko aalagan, pagpapasensyahan at mamahalin ang partner ko. Pero parang wala pa ako nababasa about sa coping up stage, bitter stage at muntik nANg maghiwalay stage.

 When your boyfriend texted you, “Sa tingin ko mabuting maghiwalay na muna tayo.” As a point of view of a girlfriend malamang sa alamang kung mahal na mahal mo ang boyfriend mo, panigurado gumuho na ang mundo mo nung mabasa mo ‘to; sabay mong niluha ang sipon at luha mo na akala mo dugo na ang lumalabas sa mata mo; humagulgol ka na nang napakalakas na akala mo walang taong nakakarinig sa pag hagulgol mo bago ka mag reply sa boyfriend mo.

 At nang nag-reply ka, napakahaba na akala mo nobela na sinulat na ni Rizal sa pag- kontra at pagpapaliwanag mo sa sinabi niya sa ‘yo.

 Pero kung iisipin at babalikan mo lahat ng nangyari sa inyo. Tanggapin mo man o hindi, at some point, nasaktan mo na siguro ang boyfriend mo at ‘yun na lang ang naisip niya na way para magkaayos at hindi masira ang pinagsamahan ninyong dalawa. (Balak pa ata maging ma kaibigan kayo pag katapos niya makipag break) Kung sa bagay, doon naman talaga lahat nagsimula ang relasyon, di ba? As friends. At nagtatapos nga daw sa We are just friends.

 Nag-iisip lang ako, ano kaya ang tumatakbo sa utak ng mga lalaki  sa pananaw sa isang relasyon? Kapag ba sinabi n’ya ang ganun bagay, does it mean na final na yun, suko na siya sa ‘yo at ‘di ka na n’ya mahal?

 Kasi sa mga babae, pag sinabi nila na maghiwalay na muna tayo, it means ipag- laban mo siya. ‘Wag kang pumayag sa gusto niya dahil malamang sa alamang nag papalambing lang yan. Gusto lang niya malaman kung gaano mo siya kamahal. At kapag pumayag ka na maghiwalay kayo, daig pa niyan ang pait ng ampalaya sa nararamdaman n’yan. Kinalat na sa mga social sites na parang napakawalang kwenta mo at ‘di ka niya kelangan.

Pero sa loob loob niyan, kung titingnan at susuriin mo ang puso ng isang babaeng nagmamahal, ang puso  n’yan ikaw lang ang mahal, dugo n’yan mukha mo at memories n’yo ang  dumadaloy at bawat hinga niyan pangalan mo ang sinisigaw. Ganoon, ganoon magmahal ang isang babaeng mukhang matapang, pero sobrang mahina sa taong sobrang mahal nya.

author:  korningtao

p.e./mj