Iba-iba pag-iisip ng bawat isa sa atin.  Marahil iba-iba rin ang magiging interpretasyon n’yo sa aking kuwento.

Naalala ko tuloy yung isang blogger ng Definitely Filipino, sabi nya “Kapag sinabi bang deretyahan, paniniwalaan na natin ‘to? Sa kilos ba? Yung tipong kapag gumagawa siya ng mga bagay para sa iyo? Hindi rin e, kasi maaari

Boy Pick-up    (Photo Credit :  Dolores.pinoyexchange)

Boy Pick-up (Photo Credit : Dolores.pinoyexchange)

naman may masabi ang isang tao dahil lang sa dikta ng pagkakataon at ‘di dahil yun ang tunay niyang nadarama”:.

Habang sinusulat ko ito hindi ko pa rin alam ang sagot sa iniisip ni kuya hehehe.  Actually ang kuyang tinutukoy ko ay mas bata pa sa akin ng walong taon,  sobra at lubhang napakabata, na sa edad kong tatlumput isa at dagdagan pa kaidad pa ng nakakabata kong kapatid.

Tanda ko pa sa unang pagkikita namin hindi ko kaagad sila naharap dahil sa pag atake ng aking hika kaya deadma to max ko sila, isang taon na ang nakakaraan noon kaya never kong makakalimutan yun hehehe.  Noong una ate ate pa tawag sa akin ni kuya, pero nang lumaon, tinawag na ako sa sarili kong pangalan.

Every time na maa-assign siya sa amin, once or twice a week, lagi na siyang tumatabi sa akin habang nag fe-Facebook; este gumagawa ng report sa computer na minsan pa halos ilapit niya mukha nya sa mukha ko (natatawa na lang ako habang inaalala ang bagay na yun).

Maraming buwan ang lumipas na ganun at ganun ang nangyayari.  Minsan, kapag nakikita niya akong naka online, send message talaga siya na para bang bata mag message.  Marahil nga dahil bata pa talaga siya, kaya sunod ako sa agos ng message niya (nag-sesend na rin ako ng mga pang batang message) hehehe.

Open naman ako sa kanila kaya batid niya na ang crush ko ay isang Canadian. SIya nga pala ako ang sumulat ng  ”Ang Aking Crush na Canadian” (Ang Aking Crush na Canadian | Definitely Filipino™ Blog) P”wede nyo rin basahin yun kung may panahon kayo ;-).

Mabalik tayo sa topic.  Sa tuwina lagi akong nagkukuwento sa kanya sa aking crush na Canadian minsan pa nga nabanggit ko sa kanya na ayaw ko na kay crush  kaya’t natanong niya ako kung sino na lang ang crush ko sabay banggit ng iba’t ibang pangalan na katrabaho rin namin.  May pagkakataon pa nga na nagpanggap siyang siya ang aking crush na Canadian na sinaniban kuno sya hehehe.

Hindi ko pansin ang lahat ng gawi niya sapagkat natural lang akong makasalamuha ng iba’t ibang klase ng tao dahil marahil sa nature ng work ko.  Hanggang dumating ang aming Christmas Party December 22, 2011 yun.  Nakakatuwa si kuya pagkat ginaya niya ang aking kasuotan; nagsuot kasi ako ng stripe na kulay blue na damit at maong at ganun din naman ang suot nyang stripe na blue at maong. At makatlong beses niyang binanggit na siya ang aking escort sa Parting yun.

Unti-unti kong nabibigyang-kulay ang mga pahiwatig na yun.  Lalo na’t kada may picture-taking, panakaw siyang pakunwaring hahalik sa aking pisngi na hindi naman natutuloy.  May pagkakataon pang minamasahe niya ang aking balikat habang pabulong siyang kumakanta malapit sa aking tenga.  Matapos ang Christmas Party, alas tres na ng umaga ako nakatulog dahil sa mga pahiwatig na yun.

At hindi ako nagkamali pagkat kinaumagahan ay tumawag siya sa akin at binanggit niya ang katagang “I love you”, marahil dahil sa kabiglaanan, nababa ko ang telepono. Dahil sa pangyayaring yun naging interesado akong buksan ang kanyang Profile sa Facebook doon ko nabasa ang kanyang mga status na ang ilan sa mga post nya ay “I found my inspiration..when i met u“, ”hindi ko alam kung status o ikaw ang nilalike ko” (madalas niya i-like ang aking status or picture pero hindi ko before napapansin yun kasi madalas naman may nag lalike sa mga status ko), “film yata ako.  Kc nadedevelop ako”.

BAKIT ba ang likot-likot mo?? Ayan tuloy, natabig mo PUSO ko, nahulog tuloy sa ‘yo“, Marami pa akong nabasa na hindi ko napapansin before. Matapos ang babaan ng telepono nag post sya ng kanta ni Eric Santos na “Kulang ako kung Wala ka”.  Halos  dalawang Linggo rin kaming hindi nagkita pero sa pagkakataon yun batid kong naiilang sya sa akin, aminin kong nailang na rin ako at muli siyang nag post sa kanyang Facebook ng “Sadyang may mga bagay na hindi pa talga kayang ibigay ng PANAHON , kahit meron ng PAGKAKATAON”.

Matapos ang araw na yun, hindi ko alam na ‘yun na pala ang huling araw niya sa aming pinagtratrabahuan pagkat nag-resign na siya.  Nabanggit niya sa akin na aalagaan niya ang kanyang maysakit na ama. Ganun pa man continuous pa rin ang ang aming communication dahil sa Facebook.  Sa pagkakataon na yun iba na ang sitwasyon sapagkat sa akin mismo siya nagsabi na ihanap siya na magiging girlfriend dahil simula ng nagtrabaho siya sa company na pinagtrarabahuan namin hindi na siya nagkaroon ng girlfriend.

Walong buwan din siyang nagtrabaho sa naturang company. Hanggang sa nagsabi siya sa akin na nais n’ya na ipakilala ko siya sa girl na like niya na naka- assign naman sa pinaka main office.  Komo medyo close kami ng taga main office pinakilala ko siya at nagkaroon sila ng communication.  Nais niyang ligawan daw yun sabi niya sa akin, pero bago yun tinanong ko siya kung wala na ba kaagad yung sinabi niya sa akin ng Christmas Party na sinagot niya ng “ano yun hindi ko maalala” makatlong beses niya akong inurirat kung ano ang sinabi niya at tinanong niya ako kung importante ba yun.  Na sinagot ko na kalimutan niya na lang.

Nalilito na ako sa mga gawi ni Kuya kaya may isa siyang ka-grupo na napagkwentuahn ko, isa sa mga naging close niya.  Hindi ko pa man nauumpisahan ang kwento naunahan na ako ng kanyang kaibigan.  ”Ah siya ba, matagal na siyang may crush sayo nahihiya lang sa yo magtapat”. So confirm talaga na may gusto siya sa akin.

Pero bakit ganun, bakit kailangan ako pa ang tulay sa panliligaw niya sa taga main office? Pero may isa pa akong natuklasan na ikinagulat ko.  Si kuya daw ay isang babaero (dahil dun nakapagsulat ako ng topic “Ang Mga Lalaki Ba Ay Likas na Babaero? | Definitely Filipino™ Blog”).  Kaya ako mismo ay nagtanong sa kanya na sinagot  niya ng ganito “alam mo kasi kahit babaero, kapag crush niya o inlove siya sa isang girl tumitino yan at natotorpe” (Kung ganuon parang inamin niya na rin na babaero nga sya).   Sa ngayon nalilito lang ako kung bakit yung panliligaw niya sa girl eh gusto niya pa din iparating sa akin nandyan pinapasabi niya sa akin na sabihin ko sa girl na “Paki sabi mahal ko na siya”.

Talagang nalilito ako kung minsan sa pag-iisip ng mga kalalakihan, kaya nga tanong ko sa isip ko “Ano ba talaga , Kuya”?

author:  Cj

p.e./mj

Enhanced by Zemanta