by
on
under , , , ,
tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author iceburn

Hindi na Ako Birhen

(Photo Credit: www.facebook.com/w.y.love.s)

(Photo Credit: www.facebook.com/w.y.love.s)

Gaano ba kaimportante ang pagkabirhen sa isang relasyon? Batayan ba talaga ang pagkabirhen ng isang babae para siya ay seryosohin ng mga lalaki? Kapag ba hindi na birhen ang isang babae siya na ay malandi? Siya na ay masama at madumi? Siya na ay iniiwasan at itinatakwil?

Pagkabirhen, birhinidad o virginity sa ingles. Ito ang iniingatan ng mga babae hanggang sa matagpuan nila ang tunay na lalaki at karapat-dapat niyang pag-aalayan ng pagkabirhen niya. Karamihan sa mga lalaki, gusto nila ay birhen daw na babae. Kasi daw malinis siya. Paano kung hindi na siya birhen, madumi na ba siyang tingnan? Hindi na ba siya pwedeng igalang? Hindi na ba siya pwedeng seryosohin?

Kawawa naman pala ang mga nagiging biktima ng panggagahasa kung ganun. Wala na pala silang pag-asang makahanap ng lalaking seseryoso sa kanila. Dahil madumi na ang tingin sa kanila ng mga lalaki. Pero ang masasabi ko lang, hindi naman lahat ng lalaki ay ganun. Mayroon pa rin namang totoo kung magmahal. Seseryosohin ka kahit na alam nila ang nakaraan mo. Mamahalin ka kahit na alam nilang wala na ang pagkabirhen mo at ganyan ang lalaking mapapangasawa ko. Kaya nga lang inabuso ko yata ang pagkamabuti niyang tao.

Kitang-kita ko sa mukha ng boyfriend ko ang “pagkakabigo” noong sinabi ko sa kanya na “hindi na ako birhen.” Isang buwan pa lang ang relasyon namin noon. Hindi siya nakaimik noong narinig niya iyon.

Kaya dinagdag ko pa, “Malaya kang iwan ako, dahil wala na akong maipagmamalaki sa’yo. Hindi na ako malinis gaya ng mga ibang babae. Magdesisyon ka na habang isang buwan pa lang tayo. Para hindi pa masiyado masakit ang mararamdaman ko.”

Sumagot naman siya, hindi, hindi kita iiwan, mahal kita. Nabigla lang ako kaya hindi agad ako nakapagsalita. Minahal kita hindi dahil sa birhinidad mo. Kundi iyon ang nararamdaman ko para sa’yo. Hindi mahalaga sa’kin ang nakaraan mo. Ang mahalaga sa akin ay ang pag-mamahal mo.”

Nagulat ako sa sinabi niya. Sabi ko sa sarili ko, “may mga lalaki pa palang katulad niya. Na totoong magmahal at matatanggap kung ano at sino ka.”  Damang-dama ko sa sinabi niya na mahal niya ako talaga.

Nagdaan ang araw, buwan at taon. Malayo na ang narating ng aming relasyon. Sa tagal na yon, marami akong nakita at napatunayan. Isa siyang maipagmamalaki na anak, kapatid, kaibigan at kasintahan. Magalang, mabait, masipag, mapagmahal at higit sa lahat may takot sa Diyos. Halos nasa kanya na lahat ang hanap ng isang babae sa isang lalaki. Kaya naman napakasuwerte ko sa kanya dahil minahal niya ako.

Pero sa kabila ng lahat ng ito, mayroon pa siyang hindi alam. Kaya lagi akong natatakot at nag-aalala. Ayaw ko nang mawala pa siya sa buhay ko. Hindi ko kakayanin kapag nangyari iyon. Kaya naman hindi ko masabi-sabi na niloko ko siya. Nakokonsensiya at nasasaktan ako para sa kanya. Masiyado siyang mabait para gawin ko ang bagay na iyon. Hindi ko rin lubos maisip kung bakit ko iyon nagawa. Wala naman siyang ginagawang masama.

Ngayon, limang taon na ang aming relasyon. At ang magandang balita ay ikakasal na kami sa darating na buwan. Kaya lang habang palapit ng palapit na ang petsa ng aming pag-iisang dibdib, lalo naman akong kinakabahan. Dahil sa isang bagay na hindi ko pa naaamin sa mapapangasawa ko. Lagi akong ginugulo ng aking isipan, kung sasabihin ko ba bago kami ikasal o pagkatapos na lang ng kasal namin. Ang hirap mag-isip, ang hirap magdesisyon. Lalo na kapag malapit na ang pinakamahalaga mong okasyon.

Ano kaya ang iisipin niya? Ano kaya ang magiging reaksiyon niya? Kapag inamin ko na bago palang ang relasyon namin ay nagkasala na ako sa kanya? Na niloko at pinaniwala ko siya. At iyan ang pang-siyam na utos ng Diyos na nasa Biblia. Mapapatawad niya kaya ako?

Dahil noong sinabi ko sa kanya na “hindi na ako birhen”,

NAGSINUNGALING AKO.


You may also like these articles:

    • Salamat sa link breaker04 🙂

      May mga similarities sila..

      • mas magaling ang pakagawa nito..:))

  • iamfrozenfire

    hindi basehan ang pagiging birhen ng isang babae sa pagkakaron ng isang mabuting asawa at ina. nasisiguro mo ba na pag birhen ang iyong napangasawa magiging perpekto na xa bilang iyong kabiyak o bilang ina ng iyong mga anak???

  • bangsoverload

    wow!astig ng kwentong ito…pero bakit ka kasi nagdeny nang virginity mo?hmmm…well, that’s your decision…
    pero nakarelate ako sa blog na ito..hindi dahil ive been there..yung pinsan ko kasi, totoong hindi na siya virgin, pero ang masaklap, yun ang naging dahilan ng break up nila ng sabihin niya yun sa boyfriend niya…may pagkakitid nga ulo eh..kaya good for you, tinanggap ka niya…oh well

    • Salamat sa pagbasa bangs,

      nakakalungkot naman sa nangyari sa pinsan mo. makakita din siya ng lalaking, matatanggap kung ano at sino siya hindi kagaya ng ex niya na sabi mo nga – “makitid ang utak”

  • spring19

    Ako for 26 years un ang inalagaan ko. Kahit man saang panig ng mundo ako mpunta tlgang inalagaan ko siya. Pero alam nyo lahat ng kaibigan kng lalaki wlang nagsabi sakin na importante pa sa kanila ang virginity. Sabi nga nila basta mahal nila wala na sa kanila yun. Mas pinagtatawanan pa nga nila ako kc wala akong experience. Lalo na ng 24 na ako wala pa din akong 1st kiss.lols Pero nong magkabf na ako tumahimik na sila pero as usual baka isa din sa reason bt kami naghiwalay dahil hindi ko maibigay ang isang bagay na para sakin napakahalaga.

    • Tama po ang ginawa mong pag-iingat sa bagay na iyan. Ibigay mo iyan sa lalaking inilaan ng Panginoon na makakasama mo habang-bugay

      Salamat po sa pagbasa 🙂

  • leur

    nakarelate ako kasi istorya ko yan.Nagulat at natuwa ang husband ko kasi sya pala ang una.Ang galing ng imahinasyon mo iceburn tumpak.But one thing na thankful ako sa ex ko kasi nirespeto pala nya ang pagkababae ko,ako lang pala ang nag assume na di na ako virgin..

    • 🙂 Ang swerte po ng husband mo. At tama nga na sa husband mo dapat ibigay ang bagay na yan.

      Salamat po sa commnt mo na nakakataba ng puso ^_^

  • Gladys

    GRAVY!!!…naguluhan ako ahh..:D
    Ang bobo ko talaga…
    Pero maganda, wala akong ma.say…It’s just, naguguluhan ako!!!. . .

    • Naniniwala akong naguluan ka. pero hindi ako naniniwalan bobo ka 🙂

      Salamat po sa pagbasa ^_^

      • Gladys

        pwede bang sirit nah?? ano ba’ng ibig sabihin nun???

  • setzer

    ang ganda ng istoryang to . Sana mag sulat pa po kayo ng isa pa o marami pang nakakabilib na istorya na kasing ganda nito 🙂

    sa mga hindi po nakaintindi ng istorya . sana po basahin nyo ulit . wala naman pong mawawala kung iintindihin nyo ang istorya e . bagkus may matututunan pa kayong aral :))

    para naman sa may akda . Mabuhay ka !! Ang galing mo po !

    • Maraming salamat po 🙂

      Marami pa po akong ibang akda, basahin nyo din po. Salamat

  • tatay jobo
  • HCM

    lol.. sabi co na nga ba, indi totoo, ung iba talagang naniuala sa cuento mo… ung iba rin nalito ata sa icasiam na utos jindi ata na intiendian.. jejejeje… cacatua naman.. 🙂

  • marieands

    Magaling ka sa ganitong genre, tungkol sa mga relasyon at may surprise ending, hehehe. 🙂

    • iceburn

      hehe medyo pero hindi masiyado 😀 haha! thank you marieands 🙂

  • tired of this virgin thing.. its overrated.

  • ..ayos sa twist…=) you are such a naughty girl..hohoho, what a lucky guy….

    • iceburn

      🙂 thanks..

  • reyann red

    very very nice story and he will be very much surprised on your honeymoon, best of luck to the both of you.

  • karloz miguel

    galeng mo! uu nga bat d nila makuha eh napakadali naman intindihin…d cguro tinapos basahin… sulat ka pa. more power yo you…. p.s : lucky me my wife is a virgin wala lang… share ko lang!!!

    • iceburn

      Salamat naman po sir. mas magaling ka po kasi naintindihan mo kahit na magulo hehe.. basahin niyo din po yung iba sir. 9articles ko nakapublished dito.. wow! congrats po 🙂

  • desay29

    waaaa..medyo na-confused ako dun ah!galeeeng mo naman iceburn..may twist sa kwento, anyway like what u’ve said sa article mo…un naman importante lage db ang tunay na pagtanggap at lalo na ung genuine respect with or without experienced..no one has the right to condemn/judge someone just because she haven’t meet ur(his) expectation. Being in a relationship is always a decision & loving that person is ur choice, so treat & love her right..gusto ko lang sabihin!hehe..no violent reaction kc ang pinaka-comment ko tlga is ang galeng ng girl sa kwento!hahaha!:)..moooreee post iceburn!:)

    • iceburn

      Thank you po.. hindi ako magaling.. kayo ang magaling kasi po marami ang hindi nakakuha sa kuwento pero sa mga nakakuha, isa kayo 🙂 May aral din po na mapupulot yan. Medyo nalungkot lang ako kasi hindi naintindihan ng iba.. marami ang hindi nakakuha. basta may pagkakataon po ako, magsusulat ulit ako at siempre ipopost ko nanaman dito.. Salamat Desay29 🙂

  • ermirojo

    iceburn, another nice story! two-thumbs up for you!!! 🙂

    galing ng pasok mo sa twist, hehehe!

    • iceburn

      Thank you Sir 🙂 marami ang nalito jan hehe kita mo mga comments ng iba?

      • ermirojo

        lol! added attraction yung mga comments ng mga hindi naka gets 😛

  • Ava

    If this happened in real life, wow, what a bitch! You don’t wait till after the marriage to admit a lie. It may be a small one, but you never know how he will react. Rather have him hate you before you’re married than after you’re married because it’s worst with the latter situation. Some guys can’t take confessions like that because he can accuse you of not trusting his love for you. However, I’d like to say that guy is quite admirable if he were real.

  • kung totoo man ang istorya mo… tinitiyak ko, magpipyesta ang lalaki sa sobrang saya.. hahaha! :))

    natawa din ako sa mga comments before me. masyadong nadala at masyadong literal. di muna kasi intindihin mabuti. But i like the twist of the story. Nung umpisa din, nalito ako. after reading it thoroughly and reading it again, i figured it out and it was a nice surprise… keep it up! 🙂

    • iceburn

      Bebekoh 🙂 🙂 thank you po..

      nalungkot nga ako kasi nalito yung iba. hindi nila nakuha. pero okay lang yun marami naman kayong nakaintindi nung kuwento. Salamat

  • Ana

    What a nice surprise this would be on their honeymoon night 😉

  • ailyn

    i guess people are misunderstanding things here, blogs are just like short-stories that some other people ( which is not me) have a gift to make.., so it means parang pelikula lang yan, theres is the plot, a climax and an ending.. and it also means, that ito ay puro kathang isip lamang ng sumulat, ito ay hindi ibinase sa buhay ng tao buhay man o patay..(well exemption for movies made for peoples biography) which is im sure this is not! right iceburn?! MORE power:)

    • iceburn

      tama ka po dahil UNANG-UNA ang author niyan o AKO ay LALAKI po. At nasa profile ko din, sinasabi ko na “ang mga simpleng akda ko ay nabubuo gamit ang aking karanasan, kapaligiran at IMAHINASYON.” Pero maaari din naman na nangyayari ang article ko na ito sa totoong buhay. Thank you. 🙂

  • Chin-Chin

    nung binabasa ko ito iniisip ko kung ano yung kasinungalingan mo na hindi mo masabi.tumatakbo sa isip ko na dati kang lalake na nagpasex change.hehe.

  • Chin-Chin

    nakakatawa basahin mga comments.daming di naintindihan ang sinulat mo.

    • iceburn

      okay lang Chin :)hindi lang naman ito ang unang pagkakataon.. yung unang article ko na napublished dito mayroon din TWIST at marami din ang hindi nakakuha..Thanks

  • andrewlego

    Love conquers everything right? Kung talagang mahal ka nya, matatanggap nya kung anuman ang pagkakasala mo. Kung ang Diyos natin, mapagpatawad, tayo pa kayang tao lamang? Lahat nakakapagsinungaling, nakakagawa ng mali, pero may paraan naman para itama ang lahat eh. Wag lang tayo susuko at syempre, manalig lang tayo sa may taas, dahil walang perpekto saten, lahat nagkakamali, na sa atin na lang yun paano tayo tatayo sa sarili nating pagkakamali. 🙂

    • iceburn

      Tama po kayo. Hindi tayo perpekto, lahat nagkakamali. Sabi nga nila, matapang ka kung kuya mong aminin ang pagkakasala mo sa isang tao, pero mas matapang ka kung kaya mong magpatawad sa taong nagkasala sa’yo. Salamat po. 🙂

  • wow,nakaka excite nman yan,what kya magiging reacti0n ng husb0nd 2 be m0,!!i wish s0meday i can find a guy just like your,hnd mahalga ang nakaraan!

    • iceburn

      Sa taong nagmamahal sa’yo ng totoo, hindi tinitignan ang nakaraan mo, kundi pinupunuan niya ang pagkukulang ng nakaraan mo para sa mga bagay-bagay na iyong kinasasabikan. Salamat po. 🙂

  • Maryjune Cp

    Katuwa naman ang kwento mo. You know what pareho tayo. Ganyan din sinabi ko sa asawa ko ng bago pa lang kami. Actually sa mga naging BFs ko yan ang sinasabi. Un iba sinabi tanggap ako pero kalaunan gusto magtake advantage na tutal di namn na daw ako virgin. Pero ang napangasawa ko hindi sya nagtake advantage. Kaya nung unang gabi namin naku tuwang tuwa. Am sure ur husband will be happy too 🙂