by
on
under , , , ,
tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author iceburn

Bayani ang Tatay Ko! (A True Life Story)

The Green Room Binary Options Review Videos

The Forecast Forex For December 16

http://bmwcoop.com/?option=The-Most-Exact-Indicator-Forex The Most Exact Indicator Forex

Forex Training In The Technical Analysis Strategies Pdf

http://automotorblog.com/?option=Jardine-Range-Forex Jardine Range Forex

Masaya ako sa piling ng aking mga barkada. Hindi ako nakakaramdam ng lungkot at walang problema kapag kasama ko sila. Buo ang araw ko kapag sila ang aking kasama. Sa kalokohan man o katinuhan lahat kami ay nagkakaisa.

Mga alas-diyes ng umaga yun at siguradong nag-uumpisa na ang inuman sa bahay. Nagkakatuwaan naman kami sa kuwentuhan ng aming karanasan, kalokohan man o kahihiyan. Walang tigil na tawanan, hiyawan at kantsawan. Ang iingay naming lahat. Hindi mo na halos marinig ang mga sinasabi ng bawat isa. Walang gustong magpatalo. Lahat ay ganado. Huling ingay ng barkada na hanggang ngayon sa isip ko nakatatak.

Akala ko maingay na ang barkada. May mas maingay pa pala sa amin. Isang malakas na pagsabog ang nagpatigil sa aming kaingayan. Nabigla ang lahat sabay tanong ng isa, “ano yun?!” Bigla naman ako kinabahan, hindi ko alam kung bakit. Lumabas kami ng bahay ng barkada ko. Sa bilis ng pangyayari, ganun din kabilis ang takbo ng balita.

Kapatid ng barkada ko ang tumatakbo parating. “Si John anjan ba? Umuwi ka na dali!! Ang Tatay mo.” Pagkadinig ko palang yun tumalon na ako mula sa terrace ng barkada ko. Tumakbo ako pauwi. Bakit kaya Diyos ko, ano kaya ang nangyari?” yan ang tanong sa aking isipan habang tumatakbo ako.

Bago pa ako makarating sa aming bahay, isang ambulansya na matulin ang takbo ang nasalubong ko sa daan. Dumiretso ako sa bahay at naabutan ko doon ang aking pinsan. At mga kapit bahay na natutulala pa rin sa nangyari.

“Ang Tatay mo, sinabugan ng granada” nanginginig na sabi ng pinsan ko. Pati si Jun-jun (pamangkin namin) tinalsikan din sa paa. Tumakbo ulit ako papunta sa sakayan patungong bayan. Sumunod ako sa hospital.

Naabutan ko ang Tatay ko sa pagamutan. Pero hindi ko na siya naabutang buhay. Lumuhod ako at yinakap ang bangkay niya. Walang tigil ang pagtulo ng luha ko. Pinagsisisihan ko ang mga kalokohan na nagawa ko. Ang pagiging pasaway na anak niya. Noon ko nakita at napatunayan lahat kung gaano ako kasamang anak. Doon ko naisip ang halaga niya bilang Ama ko. Noon ko napatunayan kung gaano siya kabuting Ama, Asawa, Kamag-anak at Kaibigan. Dahil isinakripisyo niya ang sarili at buhay niya para lang walang ibang madadamay at masasaktan.

Inaayos niya pala ang mga kalat sa salas namin noong araw na yun. Nang hindi niya sinasadyang maatrasan ang isang kabinet kung saan nakapatong doon ang isang granada. Sa lakas ng pagkakabangga niya, gumulong ang granada at nahulog sa sahig. Sa lakas ng pagkakabagsak ng granada sa semento, aksidenteng natanggal ang pin nito. Kaya noong makita ng Tatay ko, agad niya itong nilukuban. Dahil ang mga pinsan ko, pamangkin, iba pang kamag-anak at bisita niya na karamihan mga bata ay nasa terrace namin. Kaya para walang ibang masasaktan, inangkin niya lahat ng sakit. Hinayaan niyang sumabog ang granada sa kanyang tiyan. Natalsikan lang kunti sa paa ang isa kong pamangkin. At bukod sa kanya at ng Tatay ko, wala ng ibang nasugatan.

Bayani ang tatay ko. Matapang at hindi makasarili. Kinalimutan niya ang kanyang sarili para lang mabigyan ng pagkakataon ang mga bata na mabuhay at tumagal pa dito sa ibabaw ng mundo. Dakila siyang Ama hindi lang sa paningin ko, kundi sa paningin din ng ibang tao lalo na sa mga naroroon noong naganap ang pangyayari.

Kung bakit siya may granada? May kaibigan siyang Sundalo, bigay siguro sa kanya. Ganyan siya kabuting Ama, Asawa, Kamag-anak at Kaibigan. Isinugal niya ang buhay niya alang-ala lang sa buhay ng mas maraming tao.

Sana nga lang naiparamdam ko sa kanya na nakikita ko ang kabutihan niya noong nabubuhay pa siya. Pero huli na at wala na siya. Paulit-ulit ko mang pagsisihan ang mga nagawa kong hindi maganda, hindi na niya ito mararamdaman pa. Lumuhod man ako at humingi ng kapatawaran niya, hindi na niya ako makikita at maririnig pa.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

“Walang ama o magulang ang hindi nagmamahal sa anak. Kahit gaano ka pa kapasaway. Kahit gaano ka pa kaloko. Kahit gaano ka pa kasamang anak. Anak ka parin para sa iyong ama o magulang. Kaya habang nabubuhay pa sila, ipadama natin sa kanila ang kahalagahan nila sa atin. Ipadama natin na mahal natin sila. Na sila ay ating mga magulang. Dahil hindi natin alam, baka bigla na lang natin sila mawawala.”

Iwasan din nating maglagay ng mga bagay na sumsabog sa loob ng ating bahay. Mag-iingat sa lahat ng ating ginagawa. At kung saan man magpunta. Dahil kaya tinawag na “aksidente” ang isang aksidente kasi hindi natin iyon inaasahan na mangyayari.

author:  iceburn

p.e./mj


  • Simply Amazing

    ice i see batangenyo ka nga.. pareho tayo.. anyway we are lucky enough para magkaroon ng tatay. The things is kailangan nating pahalagahan ang bawat minuot kasama natin sila. Mahirap mawalan ng minamahal sa buhay. Ama, unang pagkakaton sa akin ang mawalan, maiwan, malayo sa kanya ng kunin siya ni GOD. until now I was asking kung bakit kailangan niyang mawala kaagd. But all of this by GOD. God knows everything. ICE godbless and sorry for you and your family!

    • iceburn

      Hindi po ako batangenyo :). Hindi lang po ikaw ang unang nagsabi na ako ay isang batangenyo. Siguro dahil may mga gamit akong salitang batangenyo. May mga kakilala at kaibigan lang po akong taga Batangas. Walang kapantay ang pagmamahal na binibigay sa atin ng ating mga ama at ina kaya dapat po natin pahalagahan ang mga yun habang kasama pa natin sila. Iparamdam natin sa kanila na sila ay ating mga magulang. Maraming salamat po.. Ang kwent na ito ay kwento po ng kaibigan ko. Sorry po sa nangyari sa Ama mo. Godbless.

      • Joyce Balancio

        Hi. This is Joyce from GMA7. I left a message in your facebook account. Kindly check it. Thank you and hope to hear from you!

  • charing

    Nakalungkot naman ng kuwento na ito.
    Naalala ko ang mama ko,medyo mamas girl kasi ako at medyo spoiled sa kanya at ang tigas ng ulo ko hindi sumunod sa utos nya at minsan may pabalang pa kong sumagot. Pero ng nawala na sya sa mundong ito nagsisisi ako, kong alam ko lang sana. Eh di sana naging masunurin sana akong anak at hindi naging pasaway. At sana nasabi ko man lang sa kanya na mahal na mahal ko sya. Ang pagsisi ay laging nasa huli.

    • iceburn

      Minsan kasi iniisip natin na Magulang natin sila at kahit ano ang gawin natin sa kanila matatanggap nila. Pero minsan kailangan din nila ng pagpapahalaga nating mga anak nila. Kaya ang nangyayarti saka lang natin makikita ang halaga nila kapag hindi na natin sila nakikita.

  • Eds

    *katinuhan* kapampangan ka ba author? may “h” kc!

    • iceburn

      hindi po ako kapampangan. Minsan may mga salitang Kapampangan, Batangas akong nagagamit sa mga articles ko pero hindi po ako kapampangan o batangenyo. Thanks

    • steve

      isa syang ILOKANOalam ko noh ICEBURN 🙂 basahin nyo yung isa nyang blog na ILOKANO KURIPOT 🙂

      • Tama kayo Sir Steve.. ILOCANO akong buo sa dugo hindi sa salita 🙂 siguro nahahawa lang ako sa mga nakakahalubilo kong tao lalo na sa mga katrabaho ko taga Tarlac, pampanga at batangas hehe

  • myrna blanca

    nakkaiyak nmn ng kuwento mo. pero tutuong pag nagmahal ang magulang walang kapantay, matutumbasan ito ng ating pagiging masunurin sa kanila. Mabuhay ang ating mga tatay at nanay:))

    • iceburn

      Mabuhay! Utang natin sakanila ang ating buhay. Dahil ko wala sila, wala rin tayo dito sa mundo. Salamat

  • jennifer

    Pinagpala kang anak, dahil sa kabutihang loob ng iyong ama. Maging aral ito para sa ating lahat na mga anak.

    Nawa lahat ng ama dito sa mundo ay ganyan kabuti!!!

    • iceburn

      Hindi man siguro lahat ng ama dito sa mundo ay ganito kabuti, huwag natin kakalimutan na ama parin natin sila. Sila ang dahilan kung bakit tayo naririto sa balat ng lupa. salamat

      • Laraine

        Yeah, not everyone has good parents/parent, cause there are no perfect ones and it is not always easy to be parents. It takes a lot of hard work to be one (balancing love and discipline). The important thing is that they tried the best they can to be a good parents. If we did not have good parents through our lifetime, we can atleast try to be good parents to our own children someday, learning what we should do/not do to our own children someday…So even though we might not have good parents, we can still learn from them to a better one instead… 🙂