by
on
under
tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author Cj

Ang Mga Lalaki Ba Ay Likas na Babaero?

About Cj

I am just a simple woman who are happy to read, to write and share what my experiences are. I hope whatever I write will get a lesson. I am not as good writer as Og Mandino but I am happy to share my love story hehehehe take note "Love Story" talaga Huh!!!!! Kailan kaya mangyayari yun. Just wait and see na lang po!!!! hehehehhe

Ipinanganak tayo na magkakaiba sa lahat ng bagay mapa appearance, gender, pag-uugali, paniniwala. Pero may mga bagay na halos lahat ay magkakapareho, yun nga lamang sa ibat-ibang pamamaraan o gawi pero nakaukilkil pa rin ang pagkakatulad.

Marami akong nakakasalamuha na ibat-ibang klase ng tao at sa tuwina’y ibinabahagi sa akin ang kanilang buhay pag-ibig. At sa tuwina’y madalas akong malungkot sapagkat madalas o karamihan ang kanilang buhay pag-ibig ay bigo. Ang madalas na dahilan ay ang pambabae ni lalaki.  Bakit nga ba sila nambabae? At bakit may mga babae na sa kabila ng nalalaman nila na ang kanilang karelasyon ay may asawa pinagpapatuloy pa rin nila ang maling pag-ibig?

babaero

Ako ay nagugulat sapagkat sa kabila ng magagandang katangian ng kani-kanilang asawa nakukuha pa ni lalaki mambabae. Ang pambabae ay maihahalintulad sa isang bisyo tulad ng sigarilyo, alak, sugal at iba pa. Kahit na batid nila na ito’y hindi makabubuti patuloy pa rin nila itong ginagawa.  Dahil sa likas akong mausisa o sa pagiging curious nakalap ko ang ilan sa mga kadahilanang ito:

a. Macho Image – Sabi nila, mas macho tignan kapag ang lalaki’y maraming babae.  Dagdag pogi points daw ito sa mga kalalakihan.  Compliment daw ito dahil maraming kababaihan ang humahabol habol sa kanila.  Marami kang taga-hanga, ika nga.  Natural nagbibigay ito ng kasiyahan sa babaero.  Na hindi nila batid na pansamantala lamang ang kaligayahang nadarama.

b. Sex – Napakahalaga nito sa mga babaero.  Mas maraming chicks mas maraming matitikmang iba’t ibang putahe.  Nakakaramdam sila ng sense of excitement, sense of adventure, sense of happiness at kung ano ano pang sense. Pero sa katotohanan hindi dahil sa nadaramang kasiyahan during sex kundi dahil sa likod ng istorya kung bakit nakuha nya si babae ang syang nagbibigay kasiyahan na kumikiliti sa utak ng naturang babaero. Karangalan nyang makwento sa kanyang kapwa babaero na nakuha nya ang kawawang inosenteng babae. Alalahanin mo na may ina at mga kapatid na maaring mabiktima rin ng kapwa mo babaero nanaisin mo ba yun? Bukod pa dun hindi nya naiisip na maari silang magkasakit dito at dahil sa makasariling kasiyahan pati ang mahal nila sa buhay ay maaring manganib na rin dahil sa maaring posibleng sakit na ipahahawa sa kanyang asawa.

c. Napabayaan na ni Babae ang kanyang sarili at si asawa kung kaya’t naghanap ng iba si lalake – Marapat bang dahilan ito upang mambabae si lalaki? Ang sagot ko ay hindi.  Alalahanin mo na kayo ay naging mag-asawa, nangako kayo sa harap ng dambana, wika nyo pa ay “I, (Bride/Groom), take you (Groom/Bride), to be my (wife/husband), to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish; from this day forward until death do us part”. Ngayon, katakot-takot na paghihirap ng iyong asawa dahil sa pag-aasikaso ng inyong mga anak at pag-aasikaso sa bahay kung kaya’t hindi na nya naasikaso ang kanyang sarili ganun din ang kanyang babaerong asawa.  Hindi sapat na idahilan ito upang gumawa ka ng pagkawasak ng pamilya.  Mas mabuting gawin ay patatagin at unawain ang sitwasyon ngayon ng iyong asawa at ibigay ang dapat na itulong sa asawa.

d. Kahinaan ni Lalaki – Minsan may mga kababaihan na sadyang mapanukso, ika nga nandyan na ang palay tutukain na lang. Sa sitwasyong ito nararapat na maging matatag si lalaki at alalahanin ang kanyang asawa at mga anak.  Kung magpapadala sya sa tukso ni babae maaring ito ang ikasira ng kanyang pamilya.  Kung padadala sa tukso walang sariling bait at lubhang mahina si lalaki na maaring maihahalintulad sya sa isang robot na kailangan kontrolin ng isang remote control (Mapanuksong babae).  Minsan nga naiisip ko kung ano kaya ang dahilan kung bakit batid na ng kabit na may-asawa na si lalaki nais pa rin nyang ipaglaban ang kanyang maling pag-ibig kahit na batid naman natin na hindi lang nag-iisa sa mundo ang lalaki? Minsan naiisip ko para bagang nauubusan ng lalaki si babae kaya kahit na ikasira pa ng iba ganun na rin ng sarili ipaglalaban pa rin nya.

Para sa mga asawang babae na sobrang sakripisyo ang naibigay nila para sa mga babaerong lalaki, maituturing itong hindi patas sapagkat nag-asawa sila upang magtulungan at hindi upang saktan ang isa.  Batid kong marami pang kwento sa likod ng pambabae ni lalaki nawa’y ang ilan sa mga ito ang magpamulat sa atin kung bakit ang ilang kalalakihan ay naatim mambabae sa kabila ng kabutihan ng kanilang asawa.

Photo credit: babaerobob.tumblr.com

Enhanced by Zemanta

You may also like these articles:

  • “A great lover is someone who can satisfy one woman all her life, and who can be satisfied by one woman all his life long. A great lover is not someone who goes from woman to woman, any dog can do that.” — Paul Newman.

    There’s nothing more disgusting to me than some guy bragging about his conquests, and unfortunately there’s lots of those. Yet, I do agree with many of the comments that this article is a bit harsh and one sided. There are also lots of men like Paul Newman. My father was like that, and I followed suit.

    But being a “one woman man” is just part of being a good boyfriend. There’s more than that. A one woman man who doesn’t treat that one woman with utmost respect is almost as bad as a philanderer. I even blogged about that:

    http://www.lessonsofadad.com/2011/08/great-example-of-great-boyfriendand.htm

  • ligaya nakamura

    Minsan nasa babae rin yan kasi ang lalaki maraming nakikita sexy,maganda,malinis sa katawan at higit sa lahat hindi lang sa kama magaling lagi si mister mapaghanap kundi yung maasikaso kay mister so kung merong mga babae na hinihiwalayan and asawa meron silang kulang nito…..samga babaing pumapatol sa may asawa sana naman isipin din nila vice versa sila ang asawa at yung asawa ang kabit diba masakit so sana maghanap na lang sila ng single walang asawa atleast may harmony,at sa mga may asawa na sana huwag nyong kakalimutan yung wedding bow atsaka bat nagpakasal pa kung hihiwalay or manbabae/manlalaki ka rin lang pala its a kind of greediness and unsatisfaction

  • astralshift

    there goes a saying “men are like important belonging… taken when unattended”

    • astralshift

      *will be taken if unattended*

  • francis

    hmm, having another affair of the heart despite of being committed, married or attached officially with someone is just a typical scenario mapa-lalaki man or mapababae these days. Kahit masama saan man angulo sipatin (legal, moral, spiritual, faith, sanctity of vows, sasabihin ng ibang tao, sa tingin ng iba or ng Dios) eh marami at parang ordinary lang ang magkaroon ng other affair. Unexpectedly, dumarating ang panahon na di kayang labanan ang damdamin towards another person especially in matters of love, care and belonging. Dahil normal na meron puso at damdamin ang tao eh capable sila to express and show the feeling then reciprocate. Di naman komo married ka na or meron karelasyon eh bato at wala ka nang feeling magkalinga sa iba. Masaya, masarap at totoong exciting ang merong ibang pinahahalagan ng damdamin maliban sa yong karelasyon pero…hindi naman dapat makasakit or makasagasa sa ibang damdamin. Strict confidentiality must always be observed by both parties. Basta kelangan lang meron boundary and must have control how far can they handle or go with the situation. For me, as long as di tinatalikuran or pabayaan ang family at responsibilidad, di nakakasakit ng ibang damdamin by not exposing it eh go ako dyan, Ika nga: “life is short, have an affair”.

  • Andrew

    Dear Author,

    Masyadong 1 sided ung article, My ex got pregnant from another man, another ex get infatuations on her prof while in a relationship with me,.. Its insensitive to say that one gender is cheating more than the other, And Its very insensitive to say that one person does no hurt over the other, The sad fact is that we all feel taken for granted when cheated, and we feel as heart broken as the other, we just have different ways of showing that one person lacks in giving attention to the other, we just have different ways of coping with the situation. with all due respect maam, don’t be one sided. there are Ladies who cheat on their man.

    Sincerely, from the mam who picked up his broken heart twice,

  • reyann red

    parepareho lang yan, babae man o lalaki me kapabilidad na mangloko.