Tayong mga Pinoy ay may kaugaliang magkamot ng ulo kapag nasisita ng ibang tao. Kahit huling-huli na sa akto ay magpapalusot pa rin kasabay ang pagkamot sa parte ng ulo na hindi naman talaga makati. Teka, baka nga naman talagang biglang nagre-react ang mga balakubak natin sa mga ganitong pagkakataon. O kaya naman ay nagiging parte lang talaga ng utak natin ang mga KUTO kapag gustong magsinungaling.

Lahat tayo ay ipinanganak na kalbo. Walang buhok, wala ring kuto. Ayon sa kanta ng grupong Weedd.

Hindi ko alam kung paano nagkakaroon ng mga kuto ang isang tao. Isa itong malaking palaisipan para sa akin tulad sa tanong kong “paano kaya nagkaroon ng isdang-kanal doon sa maruming estero at paano sila nabubuhay sa tubig na puno ng tae?”. Sabi ng mga matatanda, nakukuha raw ang mga kulisap na ito kapag madalas kang nakabilad sa arawan. Kaya nga madalas kaming sabihan ni ermats na tigilan ang paglalaro sa mga lansangan lalo na kapag hapon kung kailan tirik ang araw. Kapag totoy at nene ka pa, walang kutong makati ang makapipigil sa sayang naidudulot ng teks, patintero, taguan, jolen, syato, agawan-base, at iba pang larong-pambata. Pero teka, kung ang araw ang nanay ng mga kuto, ibig sabihin ba nito ay kapatid sila ng mga bungang-araw?

Dahil hindi sinunod ang payo ng magulang, naging kaharian ng mga kuto ang aking anit.

Mahirap magkakuto lalo na kung isa kang batang lalaki. Malapit ka sa tuksuhan kapag nalaman ng mga kalaro – “kuto! kuto! kuto!”. Away o gulo ang ending. Sa atin kasing mga Pinoy, ang pagkakaroon nito ay kadalasang iniuugnay sa mga batang babae. Siguro dahil sa mahahaba ang kanilang mga buhok na peyborit na pamugaran ng mga pesteng pulgas ng tao. Mayroon akong kaklaseng babae na talaga namang dugyot – parang christmas tree ang kanyang buhok na may nakasabit na mga lisa (ang itlog ng mga kuto). Madalas naming makita sa kanyang anit ang mga nagkakarerang mga kuto. Minsan naman ay may mga naliligaw pa sa kanyang leeg at batok. Ang malufet nito, hindi namin siya nakikitang nagkakamot ng ulo. Super immune na siya o kaibigan na niya ang mga kuto?

May mga panakot ang mga matatanda sa mga bata tungkol sa kuto. Sabi nila, nakakabobo raw ang mga ito dahil sumasama ang iyong mga brain cells sa dugong kanilang sinisipsip. Hmmm, kaya siguro laging nasa row four ‘yung kaklaseng nabanggit ko kanina. Ang pinakamalufet na panakot na narinig ko sa buong buhay-bata ko ay “tatangayin ka niyang mga kuto kapag dumami na sila sa ulo mo.”…

CLICK HERE TO CONTINUE READING

JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 33-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains several blogs namely NoBenta, Noong Ako ay Bata Pa…, Paul & Xander, and Frontispiece 2.0.