Minsan na akong nangarap ng isang magandang bukas, lalo pa’t napapanood ko ang mga palatastas sa BLACK and WHITE naming telebesyon ang mga pagkaing nagpapakalam sa sikmura ko, “ANO KAYA ANG LASA NG CHICKEN JOY NA YAN?” halos ayaw kumurap mata ko, sabay lunok ng laway!  Sa hirap ba naman ng buhay namin, makakain lang ng tatlong beses sa isang araw ay sapat na.

Mabibilang lang sa daliri ko na naapakan ko ang CITY.  Wala kasing pamasahe at ‘di rin pwede dalhin ang alaga kong kalabaw at gawing service k  Baka abutan pa ako

Langhap sarap ng Jollibee     (Photo Credit :  Pinoycravings)

Langhap sarap ng Jollibee (Photo Credit : Pinoycravings)

ng isang linggo bago makarating.  Eto na, nakita ko na ang napanood ko sa tv na  “JOLLIBEE”; nakita ko sa loob ang mga taong kumakain. Nabasa ko “LANGHAP SARAP”.  Tama nga sa katulad ko na mahirap;  iisipin ko na lang ang SARAP habang LANGHAP ko ang nakagugutom na amoy nito.

“DARATING DIN ANG ARAW NA MAKAPAPASOK AT MATITIKMAN KO DIN ANG MASASARAP NA PAGKAIN DIYAN!”.

Sa awa ng aking ina, dinala niya ako sa isang “MAGARBONG KAINAN” sa may bangketa na madaming langgaw at nagsisiksikan ang mga tao na tulad namin na doon lang ang kaya ng budget namin.  Sa bawat pagsubo ko, inisip ko na lang na ito yung malutong na CHICKEN JOY sa tv.

Alam ko, na kahit pangarap lang, darating din ang araw na malalasahan ko rin ang mga pagkain na kay sarap tingnan.  Patuloy ang aking pagpursige para makamit ko ang aking minimithi na balang araw mararanasan ko ring makapasok at makaupo sa lugar kung saan may linyang “LANGHAP SARAP”.

Taon ay nagdaan.  ‘Di ko akalain na ang lahat ng pangarap ko ay magkakaroon ng katuparan.  Andito na ako sa bansang dayuhan. ‘Di ko akalain na dito ko mararanasan ang isang bagay na matagal ko nang pinapangarap na matupad.  Bilang CONSTRUCTION WORKER sa una kung sahod,  isang kaligayahan ang aking naramdaman nang nakahilera sa aking harapan ang mesa na may CHICKEN JOY na pinag-ambag-ambagan namin ng aking mga kasama.  Halos ‘di ko mapigilan ang aking sarili na makakain na.

ETO NA SA WAKAS, LANGHAP SARAP KAIN NA AKO NGAYON!”

Halos ‘di ko nguyain ang bawat pagkagat, nakakahiya man sa aking mga kaibigan pero katulad ko din nagpakatotoo rin sila.

“ETO PALA ANG LASA.  MINSANAN LANG KASI TAYO MAKAKAIN NG MANOK SA PILIPINAS. KUNG WALANG BIRTHDAY, ‘DI KAKATAYIN NI NANAY ANG INAHIN O TANDANG!  BUHAY NGA NAMAN!”.

Naisip ko ang pamilya ko habang busog na busog ako.  Naawa akong gunitain na ang ulam na kinakain nila ngayon, kundi TALBOS NG KAMOTE ay ASIN.

“KUNG MALAPIT LANG SANA AKO, SABAY SANA NAMING MALASAHAN ANG PAGKAIN NA GUSTO DIN NILANG MATIKMAN!”.

LANGHAP SARAP OFW.  Naku at sa bawat pagkain ko ay katumbas ng pagod at pangungulila, pero pilit kong nilabanan para pag uwi ko maipasok ko man lang pamilya ko sa lugar na hanggang tingin lang sa labas.

Hindi man ako yayaman dahil sahod ko ay kulang pa para sa pamilya ko, pero ang maibigay ko sa kanila ang buhay na may nakakain at matikman nila kung ano ang lasa sa mga napapanood nila sa tv, alam ko na ‘di maipipinta ang kanilang tawa at maikukwento sa mga kaibigan at kapitbahay namin “NATIKMAN KO NA YAN! ANG SARAP!”.

‘Yan kami mababaw ang kaligayahan; sa simpleng pagkain ng mga mayayaman,  para sa akin isang engrandeng ulam na sa simple naming tahanan.

Kaya ngayon, ang trabaho ko ay aking pinahahalagahan.  Kahit anong hirap man ay kakayanin para ‘di ko na muling maranasan ang pa-tanaw tanaw sa mga tao sa loob ng mga kainan at makibasa sa “LANGHAP SARAP”.

Pero ang simpleng luto ni Nanay ay walang kapantay sa tulad ko na andito sa ibayong dagat.    Yan ang tunay na “LANGHAP SARAP NG OFW”.

author:  mrevilla

p.e./mj