I Care

I Care (Photo credit: Wikipedia)

Karamihan ngayon sa mga mgaganda eh walang syota! Parang ako! heheh Huwag nang kumontra! Sinabi ng nanay ko eh :p

Napaka-ironic naman ng panahon ngayon or iba lang na talaga ang ihip ng hangin ngayon. Ewan ko ba kung bakit wala pa din akong syota hanggang ngayon. Sa tingin ko naman eh good catch ako hahaha tingin ko lang! Bakit?. oh Sige sabihin mong hindi, nakatapos ako at my maayos nang trabaho, ilan na ang nagsabing kahawig ko sa si Rachelle Ann Go, di ba maganda siya? eh ‘di maganda na din ako haha! Partida nga! Wala pang retoke haha :D

Hindi lang naman ako ang nag-iisang magandang walang syota, ang dami namin! As in ang damiiiii namin!!! (hahaha Talagang sinasama ko ang sarili ko!) tsk tsk! Mga barkada ko na lang at ilan sa mga kakilala, ang dami namin. Puwede na nga kaming magtayo ng foundation eh :p Hindi naman sa ayaw namin magka-syota ha, pero wala lang talaga.  My manligaw man, sumusuko naman agad. Minsan pa sa sobrang ganda mo wala nang manligaw sa ‘yo hahah Saklap! Buti nang naging paniet na lang, teh, baka sakaling mapuno ng bulaklak ang room ko at magkadiabetic ako sa dami ng tsokolateng kahit na bar nuts na lang sa store, okay na yun, puwede ngang ulamin yun eh heheh

Naiinggit na lang ako minsan sa mga babaeng hindi naman talaga ganoon kaganda pero laieng kaholding hands si bf, pa sway sway pa tapos sa kabilang kamay, hawak niya kung hindi teddy bear eh bulaklak, Haba ng hair, teh :D

Hindi ko tuloy mapigilan itanong ulit, paulit-ulit, hindi masagot-sagot na tanong, bakit kaya ako, wala? :( Mabait naman ako, mapagmahal, mapagmahal at mapagmahal naman ako. Nakalulungkot na, para nang inaapakan ang pagkatao ko tuwing tinatanong nila “Uy! Ba’t wala ka pang bf?” naman teh!! requirement? duh! Eh sa wala nga eh. O ‘di kaya naman “punta tayo sa ganito, isama mo bf mo ha?”  Ba’t ‘di mo na lang kaya ako sampalin, teh? hahahaa.

Hindi din naman ako maarte sa lalake, sadya lang sigurong wala pa yung lalakeng magpaparamdam sa akin ng tunay, yung tunay na alam mo na (ayokong banggitin! OA eh ):p pilit ko na lang kinukumbinsi yung sarili ko balang araw may makakasungkit din sa pihikang puso ko. Sabi nga nila….

Girls are like apples on trees. The best ones are at the top of the tree. Boys don’t want to reach for the good apples because they are afraid of  falling and getting hurt. Instead they get the rotten apples from the ground that aren’t as good, but easy. So the apple at the top think something is wrong with them; when in fact, they are amazing. They just have to wait for the right man, the man who will risk everything, who’s brave enough to climb all the way up to the tree :)

author:  iamfrozenfire

p.e./mj

Enhanced by Zemanta