Naalala ko noon, tuwing uuwi yung tito ko galing Saudi , sabi ko sa sarili ko ” Balang araw mag-aabroad din ako para maiahon ko ang pamilya ko sa kahirapan”.  Yung tipong “paglaki ko ako ay mag aabroad at magiging mayaman…”

Natupad ang pangarap ko na mag abroad pagkatapos ng college graduation. After taking LET, lumipad agad ako ng Singapore.  Doon, naranasan ko kungPaintings   (Photo Credit:  ILeipborbon) paano mamuhay bilang OFW.  Malayo sa inaasahan ko. Malayo sa naging panaginip ko sa mahabang panahon.

Homesickness. Ang pinakamalaking obstacle ng bagong saltang OFW. Ilang buwan din akong nakatulog na lang sa kakaiyak. Tinibayan ang sikmura alang-alang sa pamilya, alang-alang sa mga pangarap sa buhay.

Di nagtagal at ako´y nakipagsapalaran naman sa Europe. I decided to apply as an aupair in Norway. Naging lucky at nakahanap ng mabait at matulunging pamilya na para nang umampon sa akin at aking naging pangalawang pamilya. Pagkatapos ng dalawang taon ay tinulungan nila akong mag-aral dito sa university. Sabi ng host mom ko, sayang daw ako. Sayang kung gugugulin ko yung buhay ko palipat-lipat ng iba-ibang bansa bilang ofw. Na touch ako nang husto dun. Mangilan- ngilan lang ang mga among tulad nila sa mundo.

Sa loob ng dalawang taon ay pinag-aral nila ako ng Norsk kasi kailangan mong matuto ng lingguahe nila kung gusto mong tumagal dito sa Norway. Kinaya ko yun kahit na mahirap. I kept pushing myself forward. Maliban sa pamilya ko ay may isang tao na naging inspirasyon ko at naging mahalagang bahagi ng aking buhay.

Naging lucky uli ako at natanggap sa university. Nabigyan ako ng place na mag- aral sa kursong nursing. Maganda yan, sa isip ko, kasi magamit ko kahit saan mang lupalop ng mundo ako makipag sapalaran, pwede. Sa mga panahong yun ako´y parang nasa cloud nine. Hindi naman kasi lahat ng international students ay nabibigyan ng place. Kaya I was very grateful.

Nagsimula yung pasukan pero habang tumatagal ako ay parang unti-unting nauupos. Ang hirap pala. Ang hirap sabayan kung ang medium of instruction ay Norsk. Ang lalim lalo pa´t academic level na. During those times I realized that putting your dream into action is a pain in the brain (no “a” word her). But I strived hard or even harder. Alam ng host family ko kung gaano kahirap mag-aral at magtrabaho part-time para mabuhay at magsuporta nang buwanan sa pamilyang iniwan.

Ako ay kanilang kinausap isang araw. Kailangan pa daw nila ng katuwang sa pang araw-araw. Hindi naman daw nila ako ma-pressure kasi ako ay nag aaral at need ko ang time para sa pag-aaral. In short, inofferan nila ako na tulungan yung “importanteng tao” sa buhay ko na pumunta dito para tumulong sa kanila. Parang shooting two birds in one stone na daw yun. Time na din para magkasama kami. Kasi hindi nila maintindihan na ako ay nasa long distance relationship sa mahabang panahon na. Hindi daw nila kaya yun. Iba naman din kasi yung kultura nila.

Feeling ko sa mga oras na yun ako ay nanalo sa lotto (kahit di ko alam kasi di pa naman ako nanalo haha) feeling ko lang. Hindi naman kasi basta-basta mag abroad lalo pa´t dito sa Europe. Ang oportunidad ay diretsahan nang inabot talaga sa akin kaya ganun ako kasaya. Kahit “dumudugo” na yung utak ko sa pag-aaral ako ay hindi sumuko. Iniisip ko na lang na pupunta na “siya” dito at kailangan kong mag- aral para makahanap ng magandang trabaho. Ang plano ay mag-settle down dito sa Norway kasi maraming oportunidad. December 2010 nung pinasa yung papers niya sa embassy at hinihintay na lang yung resulta. It takes four months.

Akala ko tuloy-tuloy na yung plano. Hindi ko na namalayan kung ano ang nangyari. Isang araw na lang ay parang umiba “siya”. Hangga´t umabot yung usapan sa “mas estable yung trabaho niya dyan sa Pinas kesa sa pakikipagsapalaran dito.”

Kung anu-anong paliwanag at pangungumbinsi ang ginawa ko upang magbago yung isip nya. Pero hindi umepekto. Bakit daw gustong gusto ko na na magsama na kami? Gusto ko na daw bang magkaanak? Stupid question. Diretsahan ko nang tinanong kung may ibang party, pero wala daw. Maganda lang daw talaga ang offer sa kanya sa trabaho kaya ganun. Ang kikitain daw nya dito ay parang katulad na din o mas mahigit pa sa kinikita niya doon.

So dahil sa pera yun o sa pangarap niya? Masyadong unfair. Sinali ko nga siya sa pangarap ko pero ako ay walang puwang sa pangarap niya. Pwede ba yun? I tried suggesting na eh di uuwi ako kung makakabuhay ka naman din ng pamilya diyan.

Natulala ako sa sagot “sayang naman din yung inumpisahan mo d’yan. Kung uuwi ka, umpisa tayo sa hirap. Pero kung gusto mo talagang umuwi, di naman kita mapipigilan”. Napilitan lang. Parang sasabog ang dibdib ko sa sagot na yun. Career, pangarap, pera o babae? Hindi ko alam kung alin talaga dun. Ang alam ko ngayon ay wala akong puwang sa buhay nya. Sino ba ako? Ako lang naman ang naging sandigan n’ya mula nung siya ay tambay pa hanggang nakahanap ng trabaho. tsk, tsk.

Mahirap pilitin yung ayaw.

I was heart broken, depressed and stressed for days. I felt so empty. It was horrible. Ayaw ko nang mag-aral. Ayaw ko nang magtrabaho. Di ko na alam kung anong gagawin ko. On top of that, exam period pa sa time na yun. Ni wala akong energy at motibasyon para magbasa.

After days of weeping, I thought I´ve had enough. ”Life must go on”. Yeah right, easily said than done. But how? I remember how I used to say that famous line to a friend or a family member when trouble comes. Now I know what they felt. Ang hirap pala.

I sat hopelessly for hours thinking of ways to be on track again. I keep telling myself to be stronger. It was a fierce battle between heart and mind. My heart, already broken as it is, still keeps whispering that maybe, just maybe he will change his mind. While my mind keeps telling me to accept the truth and go on with my life. I felt so restless and hopeless.

It was not until I stared on my wall and saw my old paintings that an idea came out to mind: “Painting. ” Why not give it a try?

On the 27th of February  I started painting. Again. Yes, again. I paint once in awhile. I am not as good as my father and my sister though, but I can. I guess it runs in the family. My first painting was a self-portrait. It didn´t turn out the way I wanted but ok na rin. First time ‘ika nga kaya okay lang. From then on, sa tuwing ako´y nalulungkot o stressed, ako´y nagpipinta. Mostly acrylic paintings. Sa ngayon ang subjects ko ay mostly nature. Mas prefer ko na gumamit ng bright colors (to brighten my day ika nga). I feel better kapag nakita ko na ang finish product. Unti-unting bumalik ang sigla at kulay sa buhay ko.

Di ko na lng namalayan ang dami na ng production ko (haha). Sometimes nagpipinta ako ng dalawang beses sa isang araw. My urge to paint just keeps increasing day by day. My paintings mostly reflects my feelings.

I feel a lot better now. I still have those “moments” (you know what I mean). But I guess the wound is slowly healing and that´s a good sign. Painting helps. :)

Would I let a single person ruin my life? Never.

author:  leipborbon

p.e./mj