The five stages of break up hell, kung nagtaka ka, actually, dinerived ko ito sa isang librong sinulat ni JOHANNA EDWARDS entitled “YOUR BIG BREAK”

 break-up

Kung commonly may 5 stages of grief or mourning tayo (denial, anger, bargaining, depression and acceptance),

Well, this is a variation:

THE FIVE STAGES OF BREAK-UP HELL!

Ito yung maari mong pagdaan matapos ang pagtatapos ng relationship niyo at kailangan mo itong pagdaanan bago ka makapagmove on.

Pero walang pwedeng makapagdikta sa’yo kung gaano ka kabilis magtatagal sa isa.

Nasa sa’yo na yun. Puwedeng segundo, minuto, oras, buwan o taon at kung talagang malala, the rest of your life.

1st stage:

NERVOUS BREAKDOWN

-the jilted girl/boy stumbles around blindly, desperately trying to figure out how his or her picture-perfect fairy tale relationship suddenly turned to a horror nightmare. tears are shed. works/studies are missed. vices are indulged including but not limited to alcohol, smoke, bars, shopping, and food binges.

Ito yung panahong ayaw mong paniwalaan ang kung ano mang masamang engkantong bumulong sa’yo na break na kayo na nagkataong siya pala (bf/gf). Yung saglit na sandaling lumundag paalis yung kaluluwa mo mula sa katawan mo dahil siguro sa gulat o sa attempt na protektahan ang sarili mo sa sakit na maari mong maramdaman.

Unfortunately, ayaw magkabit kabit ng mga neurons mo sa katawan kaya wala ka talagang maramdaman. Para kang estatwang hindi makagalaw o hindi makatakas sa kawalan. Minsan ipipikit mo ang mata mo o kaya iiling ka lang dahil umaasa ka na pag ginawa mo yun after some moment babalik sa normal ang lahat na walang nangyari. Iisipin mong panaginip, masamang panaginip lang ang lahat at magigising ka rin.

Pag nagkataon pa nga tatawanan mo pa dahil baka nagbibiro lang siya. May bibitawan siyang punch line at ayos, kayo ulit. No harm done. kaso walang joke yung binitawan niyang salita.

Totoo.

Hindi ka nga lang talaga makapaniwala.

Mararamdaman mong umiikot ang mundo at wala kang maintindihan sa nangyari.

Madalas tong mangyari kapag kahapon lang eh okay kayo tapos biglang malas ang araw na to sa kung ano mang dahilan naisipan niyang i-break ka.

Mahirap lang talagang paniwalaan.

Pag medyo nagsink in na yung nangyayari saka ka maguumpisang magreact. Finally, nagkasense magtrabaho ang systema mo at finally nararamdaman mo na. MASAKIT!

Dahil dun iiyak hanggat marunong pang gumawa ng luha ang lacrimal gland mo sa mata o hanggat hindi ka pa nakakakolekta ng mga luhang pwede ng panglaba. Wala ka ng ibang magawa sa buhay mo kundi magmukmok umiyak at lahat ng ibang bagay na dati mahalaga sayo eh hindi mo na maalalang nageexist pala. At para makapagcompensate sa sakit, kasabay ng pagkukulong sa kwarto pag iyak at pagmumokmok maaring andyan ang chocolate, ice cream, peanut butter, yogart o minsan alak!

2nd stage:

SOUR GRAPES

-during this stage, many cracks are made about the former bf/gf’s appearance, character, and endless array of personality flaws. the dumpee cuts up photos of not-so-dearlt departed, burns relationship mementos, and trashes their ex-bf/gf’s reputation to anyone who’ll listen.

sa madaling salita: “BITTERNESS!”

Bitter talaga. Dadating sa point na dahil galit ka sanya sa ginawa niya sayo maghahari ang poot (nakakalunod lang ah? hatred?) sa puso mo at sasabihin sa sarili mo o sa iba hindi siya karapatdapat sayo dahil sa maraming dahilan na kung ililista mo mas mahaba pa kesa sa listahan ni santa.

Andiyan yung tatawagin mo siyang walang kwento, traydor, taksil, pangit, mabaho, kuripot, masama ugali at kung ano-ano pang pwede mong maisip na itawag sa kanya hanggang sa lumabas na ang lahat ng dirty-little-secrets niya kahit minsan hindi naman na totoo para lang maibsan ang nararamdaman mo.

hindi ba halata? galit ka.

iiwasan mo siya. sisiraan mo pa. minsan pa nga gagantihan mo sa kung paanong paraan na maisip mo on the spot na makita mo ang pagmumukha niya.

:[

bitter talaga. bitter!

3rd stage:

REBOUNDING

-in a misguided attempt to move on, the dumpee takes a flying leap back into the single’s pool. This phase includes flings, MUs, casual going outs, flirting etc.

Ito yung medyo mahirap at delikadong panahon.  Dahil sawa ka ng malungkot sasabihin mo sa sarili mong kelangan mo ng mag-move on. Yun nga lang false attempt lang yun. Sa kagustuhan mong patunayan sa ex mo na you’re doing well and fine and in-fact happy without him/her maghahanap ka ng iba.

Maghahanap ka ng pwede mong lambingin, kausapin, kamustahin, alagaan, at makasama sa mga panahong nalulungkot ka at mag-isa. Maari mo pa ngang iclaim na in-love ka ulit kahit ang alam mo ang totoo.

Andiyan yung kilig factor, butterflies in stomach at tachycardia (mabilis na pagtibok ng puso) dahil sa picture na may ibang pwedeng magcare para sayo at pwede mo ring i-care. Masaya kang muli at ayaw mo na siyang(ex!) isipin.

Yun nga lang kasi,

In-love ka lang sa idea na in-love ka hindi sa taong to mismo.

Dahil namimiss mo yung mga panahong masayo kayo at nararamdaman mo ulit ngayon kaya nagbibigay ka ng false hope sa sarili mo na masaya ka na ulit.

Hindi tumatagos yung ngiti mo sa mata mo. Hindi umaabot yung tawa mo sa puso mo at higit sa lahat hindi totoong inlove ka. Sabi mo lang yun.

pwede ring habang may kasama kang iba si ex parin ang nasa isip mo.

kaya confused ka. ano ba talaga?

4th stage:

BACKSLIDING

- after sampling the dismal hang-outs with others, the dumpee concludes that no one could possibly be as a smart, witty, charming, and perfect as his or her ex. desperate and obssessed, the dumpee attampts to win the dumper(ex-bf/gf) back using any means necessary.

Dahil mas naliliwanagan ka na sa mga panahong ito babalik ka sa old habits mo. Iisipin mo na naman siya. Babalikan mo ang mga alaala niyo at iisipin mong hindi ka na muling makakahanap ng isang taong katulad niya.

Namimiss mo na naman siya ng sobra. Pwede ka ring bumalik sa habit ng pagiyak.

At dahil desperado ka ng bumalik siya sayo. gagawin mo ang lahat kahit ang paglunok sa pride mo habang nakaluhod at nakikiusap na “pwedeng ako na lang ulit?”

5th stage:

LETTING GO

-at long last, the dumpee accepts the inevitable: it’s over! deep down, though, some part of them will always be connected to the person who broke their heart.

Ito na pagtanggap sa katotohanan. Na tapos na ang lahat sa inyong dalawang at kailangan mong bigyan ang sarili mo ng pagkakataong magbukas ng panibagong parte ng buhay mo na wala siya. Ppwedeng talagang kalimutan mo siya. Pwede rin namang itreasure niyo ang sweet happy memories niyo noon dahil alam mo sa sarili mo na kahit papaano naging masaya ka sa mga panahong magkasama kayo.

Kailangan mo lang talagang tanggapin na hindi kayo ang para sa isa’t isa.

Tandaan mo, maraming ibang isda at hintayin mong makapunta sa dagat dahil sa ngayon, nasa kanal ka palang.

Dito mo marerealize kung anong mga lessons ang pwede mong matutunan. Ano man ang dahilan ng break up niyo tignan mo kung anong pwedeng maiwan sayo na pwede mong mahugot at magamit kung sakasaling kailanganin mo.

Ang masasabi ko,

Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo na magmove kung talagang hindi mo pa kaya. Hayaan mong maramdaman ng bawat cells at molecules ng katawan mo ang dapat niyang maramdaman.

Hindi maalis yung sakit. Masasanay ka lang.

Hindi mo rin kailangang iset up ang sarili mo sa kung anong dapat mong maramdaman.

Malungkot ka? eh di sige lang. iyak ka kung yun ang makakagaan sayo.

Galit ka? isigaw mo lang. wag lang sa mall o any public place dahil baka ipadakip ka nila at iadmit sa kung saan pinakamalapit na mental.

Kung kelangan mong mag acting out (yung parang sa movies? tinatapon, binabasag, o sinisira ang kung ano mang mahawakan) go! basta ba linisin mo lahat ng kalat mo pagkatapos at siguraduhin mong may sapat na supply ka ng mighty bond!

At kung sakaling dumating ka sa panahong masaya ka na, yung nagagawa mo na ang mga bagay bagay ng hindi siya inaaalala, care free and smiling system ka na ulit. Magpakasaya ka lang!

Walang batas na nagsasabing kailangan mong sundin ang mga rules ng break up.

Kailangan mo lang maramdaman kung anong nararamdaman mo hanggang sa magsawa kang maramdaman yun at masanay nalang.

Hindi sagot ang pagprepretend na ok ka kahit hindi naman talaga.

maniwala ka nalang sa mga kasabihan kahit gaano kagasgas ang mga yun.

don’t miss the other highlights of your life!

hindi lang lovelife ang buhay.

may pamilya ka, mga kaibigan,studies, career at ibang bagay na pwede mong gawin at pahalagaan.

oh di ba? at least natuto ka.

sa bandang huli haharap ka ulit sa mundo ng taas nuo.

at wag mong kalimutan,

-ngiti:)))

Photo credit: videobible.powweb.com

Enhanced by Zemanta