Hindi na Ako Birhen
Gaano ba kaimportante ang pagkabirhen sa isang relasyon? Batayan ba talaga ang pagkabirhen ng isang babae para siya ay seryosohin ng mga lalaki? Kapag ba hindi na birhen ang isang babae siya na ay malandi? Siya na ay masama at madumi? Siya na ay iniiwasan at itinatakwil?
Pagkabirhen, birhinidad o virginity sa ingles. Ito ang iniingatan ng mga babae hanggang sa matagpuan nila ang tunay na lalaki at karapat-dapat niyang pag-aalayan ng pagkabirhen niya. Karamihan sa mga lalaki, gusto nila ay birhen daw na babae. Kasi daw malinis siya. Paano kung hindi na siya birhen, madumi na ba siyang tingnan? Hindi na ba siya pwedeng igalang? Hindi na ba siya pwedeng seryosohin?
Kawawa naman pala ang mga nagiging biktima ng panggagahasa kung ganun. Wala na pala silang pag-asang makahanap ng lalaking seseryoso sa kanila. Dahil madumi na ang tingin sa kanila ng mga lalaki. Pero ang masasabi ko lang, hindi naman lahat ng lalaki ay ganun. Mayroon pa rin namang totoo kung magmahal. Seseryosohin ka kahit na alam nila ang nakaraan mo. Mamahalin ka kahit na alam nilang wala na ang pagkabirhen mo at ganyan ang lalaking mapapangasawa ko. Kaya nga lang inabuso ko yata ang pagkamabuti niyang tao.
Kitang-kita ko sa mukha ng boyfriend ko ang “pagkakabigo” noong sinabi ko sa kanya na “hindi na ako birhen.” Isang buwan pa lang ang relasyon namin noon. Hindi siya nakaimik noong narinig niya iyon.
Kaya dinagdag ko pa, “Malaya kang iwan ako, dahil wala na akong maipagmamalaki sa’yo. Hindi na ako malinis gaya ng mga ibang babae. Magdesisyon ka na habang isang buwan pa lang tayo. Para hindi pa masiyado masakit ang mararamdaman ko.”
Sumagot naman siya, “hindi, hindi kita iiwan, mahal kita. Nabigla lang ako kaya hindi agad ako nakapagsalita. Minahal kita hindi dahil sa birhinidad mo. Kundi iyon ang nararamdaman ko para sa’yo. Hindi mahalaga sa’kin ang nakaraan mo. Ang mahalaga sa akin ay ang pag-mamahal mo.”
Nagulat ako sa sinabi niya. Sabi ko sa sarili ko, “may mga lalaki pa palang katulad niya. Na totoong magmahal at matatanggap kung ano at sino ka.” Damang-dama ko sa sinabi niya na mahal niya ako talaga.
Nagdaan ang araw, buwan at taon. Malayo na ang narating ng aming relasyon. Sa tagal na yon, marami akong nakita at napatunayan. Isa siyang maipagmamalaki na anak, kapatid, kaibigan at kasintahan. Magalang, mabait, masipag, mapagmahal at higit sa lahat may takot sa Diyos. Halos nasa kanya na lahat ang hanap ng isang babae sa isang lalaki. Kaya naman napakasuwerte ko sa kanya dahil minahal niya ako.
Pero sa kabila ng lahat ng ito, mayroon pa siyang hindi alam. Kaya lagi akong natatakot at nag-aalala. Ayaw ko nang mawala pa siya sa buhay ko. Hindi ko kakayanin kapag nangyari iyon. Kaya naman hindi ko masabi-sabi na niloko ko siya. Nakokonsensiya at nasasaktan ako para sa kanya. Masiyado siyang mabait para gawin ko ang bagay na iyon. Hindi ko rin lubos maisip kung bakit ko iyon nagawa. Wala naman siyang ginagawang masama.
Ngayon, limang taon na ang aming relasyon. At ang magandang balita ay ikakasal na kami sa darating na buwan. Kaya lang habang palapit ng palapit na ang petsa ng aming pag-iisang dibdib, lalo naman akong kinakabahan. Dahil sa isang bagay na hindi ko pa naaamin sa mapapangasawa ko. Lagi akong ginugulo ng aking isipan, kung sasabihin ko ba bago kami ikasal o pagkatapos na lang ng kasal namin. Ang hirap mag-isip, ang hirap magdesisyon. Lalo na kapag malapit na ang pinakamahalaga mong okasyon.
Ano kaya ang iisipin niya? Ano kaya ang magiging reaksiyon niya? Kapag inamin ko na bago palang ang relasyon namin ay nagkasala na ako sa kanya? Na niloko at pinaniwala ko siya. At iyan ang pang-siyam na utos ng Diyos na nasa Biblia. Mapapatawad niya kaya ako?
Dahil noong sinabi ko sa kanya na “hindi na ako birhen”,
NAGSINUNGALING AKO.
©Copyright 2012, Filipino | Definitely Filipino™. All rights reserved. Copying of any article from this Definitely Filipino blog without permission, is strictly prohibited. DISCLAIMER: All articles are opinions of their respective authors and not necessarily of the site owner and Definitely Filipino.
You may also like these articles:
Love Letters
If Wishes Were Horses, Then Beggars Would Ride
Hurt Me with Your Words...
Social Networking Blues
Why Am I Here? Why Do I Have To Work Overseas?
Pilipinas, Gumising Ka Sa Gitna Ng Baha
Magkabilang Dulo
Past Relationship Is Back!?









I would say just tell the truth! It’s better he knows the truth so both of you can live life honestly, than to live life full of lies. If the guy still loves even if your not a virgin, then it means he truly loves and is for you, because he is willing to stay.But if he is not willing to accept you because your not a virgin, then he does not really love you and was not for you.Some guys chooses to marry widows who are no longer virgins themselves. If a person is a virgin, she should save it for her husband. But if no longer a virgin, does not mean you should be promiscuous. You should still save some part of yourself for someone special that comes along, someone who will stay with you. Truth will come out in the end anyway,better to know early, so it can be gotten over with and so their is no assumption,expectation,or lies that can go between the relationship.
anu b yan…nka2lito ih..prng wlng ending un story ih….
hahaha! naalala ko yung ginawa ko dati…
My brain hurts from reading that blog. Anovayan?!
Hay Nonsense!!!!
I love the story..:)
On another note..guys are so hypocrite..it’s a double standard..
If a guy goes and have sex with a bunch of girls they brand him as a playboy or sex god or what d hell ever..but if a girl starts doing the same thing she’s called a slut..
lupet nmn )
@mervin.,hahaha,..tamah:p
ano ‘yan testing lng…ba’t di mo siya sinubukan s ibang paraan para d k ngaun nahihirapan.di bale sabihin mu n lng ang totoo para at least masaya siya na siya pala ang mauuna saung pagkabirhen pero tanggapin mo kung siya ay magagalit dahil sa kasinungalingan mo.pero kung talagang mahal ka niya mapapatawad ka niya at sbihin mo kung ano yung intensyon mo dati kung bakit mo sinabi sa kanya nuon na di kana virgin para naman maliwanagan siya.
its not,, its a bonus,, honestly it dnt matter mhal mo mahal mo yun yun,,,
Ganda na story
Bka bading yung bf.hehe after long years…
eh dapat pagnanligaw palang tanungin na agad kong virgin pa o hindi na..hehehe
ang gulo ng istorya mo maam…
pra sakin mp0rtnte un kc sbi nga nila yan dw ang pnkabest gft na maibbigy m0 sa future husband m0,.think wise,bag0 gawin
if i were a man,what counts most in a woman is her good personality and the courage to face life’s hardship,when a woman had a talent to gain enough money into her pocket,that is i think a big turn on,i was a single mother and im married w a french man,virginity a crazy subject to talk to
hahahaha lng aq., lol… -.-
Kung ayaw mo ng hindi na virgin bakit mo pa siya pipiliin, alam mo dapat ang requirements mo sa isang babae…
It depends. hehehe
Gnda nmn .. kka touch..
First come first serve! nyahahaha..
Kpag mahal u ang isang tao accept her past…nangyari yun hindi k p dumadating.kc ang tgal u.hehehe
So what! if your not a virgin does it really matter?
…@jonah taman, kala ku sasabihin mu “its not the virginity that counts, instead its the perfomance! Nyaaahahaha peace.
this world is full of hypocrite people. Its not the virginity that counts. Its how you feel for each other that matters…