Ilang bundok na ba ang aking tinahak? Hindi ko na mabilang. Maraming lugar na akong napuntahan. I’ve met a lot of people with different beliefs, dialects and races pero lahat iyon ay naging kaibigan ko. Sila ang aking sandigan upang maibsan ang lungkot sa aking dibdib. Lungkot na ang rason ay malayo ako sa aking pamilya. Ang taong bayan ay ang aking pamilya. Nahanap ko ang aking pamilya sa katauhan nila. Nagbibigay inspirasyon sa aking propesyon.

filipino soldier

Heto ako nakikipaglaro ng basketbol sa mga kabataang lalaki. Kasali na ito sa aking nasanayan. Maliban sa pinagpapawisan ako ay pinanalakas pa nito ang aking katawan at ang pundasyon ng aming pagkakaibigan. Matagal-tagal na rin akong hindi nakauwi sa aking sariling pamilya. Tatlong buwan na. Nagbeep ang cellphone ko. Si misis pala, nangungumusta sa akin at sinabing may sakit si bunso. Para akong lampa na walang magawa tuwing sasabihin ni misis na may sakit ang aking mga anak. Wala akong magawa sa layo ng aming pagitan. Tinagurian akong haligi ng aming pamilya na hindi ko naman nagampanan. My own family became my second priority. Totoo iyan. Dahil sa call of duty na ito ay hindi ko mawari kung sa isang taon ilang beses lang akong nakakauwi. Sa gabing ito, nilibang ko ang aking sarili. Naglalaro ng billard, nanonood ng TV at nakikipagkwentuhan with my comrades sabay na rin ng pag- inom ng tanduay. Sabi nga pampaantok naming lahat. My comrades became my first family. Mas kilala ko pa sila than my own family. Mas alam ko pa ang liko ng bituka ng aking kabaro kaysa mga anak ko. Inabutan na ako ng antok.

Pumasok ako sa aking kubo. Naramdaman ko na naman ang aking pagkukulang sa sariling pamilya. Hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang aking luha. Akala ko maiibsan ang aking lungkot dahil sa aking ininom. Ngunit mali. Pagtatawan siguro ako kung may makakita man sa aking hitsura. Ang kagaya na may malakas na paninindigan ay umiiyak. Tinaguriang bayani ngunit sa kaibuturan ng puso ay hangad pa rin makapiling ang tunay na pamilya. Ang pamilya ko na mauuwian ko  sa takip silim ng aking buhay.

Ito lang masasabi ko masaya at malungkot ang  buhay bilang sundalo.

Photo credit:edition.cnn.com

Enhanced by Zemanta