Isa ako sa mga babae na di binayayaan ng magagandang hinaharap. Madalang akong magpakamalang TOMBOY kapag naka ponytail ang aking buhok at naka T-shirt lang ako dahil nga FLAT CHEST ako! Minsan din ako napalingon talaga pag ang makakasalubong ko ay may mga magagandang hubog ng dibdib. “PINAGPALA”, ika nga at linya ng karamihan na tulad kong walang laman sa dibdib.

Minsan natanong ko ang aking sarili “BAKIT NGA BA ANG IBA AY HALOS SOBRA ANG LAKI NG BOOBS NILA? SAMANTALANG SA AKIN WALANG KALAMAN-LAMAN?” Aaminin ko na inggit talaga ako sa mga babaeng kahit anong isuot nila ay dagdag sa porma nila ang kanilang BOOBS! Na kahit anong ayos nila talagang may alindog sila. Nawalan na lang din ako ng gana sa pagbili ng damit, dami kasing magaganda ang tabas kaso di bagay sa tulad ko kaya back to basic na lang sa simpleng blouse at T- shirt na pinagmumukha akong bata sa tuwing isusuot ko.

bra

I read a lot of health tips kung paano palakihin ng kaunti ang boobs ko pero di rin nag-work! Kung kaya lang ba sana sa bulsa ang SILICON o BREAST IMPLANT na yan ginawa ko na siguro pero hanggang pangarap na lang ang mga  yan!

When I got married,  ang saya ko dahil lumaki ng kaunti talaga dahil nga sa gatas pero nang manganak ako, bumalik sa dati at naging worse pa dahil nag iba na talaga ang porma! Naaawa ako sa sarili ko tuwing pinagmamasdan ko ang aking katawan sa harap ng salamin lalo pa kung may party kami sa work at ang mga kaibigan o katrabaho ko ay ang sexy ng mga CLEAVAGE!

“PA SHARE NAMAN NG BLESSINGS NINYO KAHIT KAUNTI!”

Eto ang madalas ko na biro sa mga kaibigan ko. Sa aming magkakapatid, ako lang naman ang di pinagpala at ewan ko kong bakit. Alam ko na di lang ako ang may sitwasyon na ganito pero hind ko lang kasi maiwasan na ma insecure ako sa sarili ko.

Isang masakit na katotohanan ang nagpaluha sa akin ng husto nang mahuli ko ang aking asawa na may KERIDA! Tinanong ko siya kung saan ako nagkulang bilang asawa.

“DAHIL BA MALIIT SUSO KO KAYA NAGAWA MONG MANGALIWA?”

Wala akong sagot na nadinig sa kanya! Alam ko eto ang diperensya kaya di ko kayang ibigay ang kaligayan na hanap niya! I let him go pero humingi siya ng patawad sa kamalian niya at kung tatanggapin ko man yun, alam kong may lamat na pagsasama namin.

“I DON’T HAVE A PERFECT BODY PERO NAGING MABUTI NAMAN AKONG ASAWA!”

BABAE NGA AKO SA PANGALAN PERO LALAKI NAMAN AKO SA KAANYUAN! Mahirap makipagsabayan sa iba na may ibubuga sa katawan nila lalo pa’t pinagtaksilan ka dahil wala kang porma!

Pero di ko ititigil ang mundo ko dahil di naman siya kawalan sa buhay ko. Now, I’m happy dahil tanggap ko na ito bilang biyayang binigay sa akin ng Panginoon.

Photo credit: germes-online.com

Enhanced by Zemanta