Minsan akong napag-isip dahil I’m 32 years old na pala pero heto ako, single pa rin. Wala naman sana akong diperensya kung hitsura ang pag uusapan. Naalala ko noong high school pa ko ako lagi ako ang muse sa klase namin! Daming nagkagusto pero isa lang ang naka-angkin sa matamis kong OO. Kaklase ko siya pero di kami nagtagal dahil lumipat siya ng ibang school.

virginity

After a year, sinubukan ko ulit ang aking puso sa bagong relasyon at masaya ako na we were both in love with each other. Naging kami hanggang nakatapos kami ng high school. Akala ko forever na talaga kami dahil may mga sumpaan na pagkatapos ng kurso magpapakasal na kami! Pero “PROMISE IS MADE TO BE BROKEN!” Nang umuwi ako sa amin, nabalitaan ko na nag-asawa na pala siya. Halos gumuho ang mundo ko nang malaman ko ang masakit na katotohanan.

“SAAN BA AKO NAGKULANG? WISH KO NA LANG NA MAGING HAPPY SILA!”

Eto ako ngayon successful sa career ko pero not lucky sa love. Nandito pa rin ang sakit pero sinubukan kong mag move on na lang. Pagkatapos ng apat na taon, sinubukan ko ang bagong paraan ng paghahanap ng pag-ibig. Naki join ako sa ASIAN DATING; katuwaan lang kasama ng mga friends ko. Isang guy ang naka chat ko, lagi kaming may communication every now and then.  Bawat minuto, may message talaga galing sa kanya. Honestly, I fell in love na rin sa kanya kahit di ko pa siya nakita in person. Plano na sana niyang pumunta ng Pilipinas para magkita kami. Nakaschedule na ang lahat nang isang tawag ang aking natanggap mula sa kapatid at parents niya na “HE PASSED AWAY”. Sakit sa puso ang ikinamatay niya! Nanginig ako sa sobrang iyak, dinamdam ko ang pagkawala niya at hindi ko alam kung bakit nangyari ito sa buhay pag-ibig ko. I missed him so much pero wala na siya at tanging ala-ala na lang nya ang aking sinasandalan.

Sa tulong ng aking mga kaibigan, pinilit ko ulit na pasiglahin ang buhay ko. Isang taon din akong nagluksa then may nakilala akong guy Manager siya sa isang branch naman. We went for a date para sa isang bagong pakikipagsapalaran sa buhay pag-ibig ko. He is a nice guy at maganda din ang status niya sa buhay. Pero after two months, nalaman ko na he is married pala! Nasampal ko ang aking sarili dahil muntikan na akong madala sa mga salita niya.

Ako na yata ang pinakamalas sa larangan ng RELASYON at PAG-IBIG. Pilit na nilalayo sa akin ang isang kaligayan na MAHALIN at MAGMAHAL!

“WHAT? YOU’RE STILL A VIRGIN? FRIEND, 32 KA NA DI BA? DI MO NASUBUKAN?”

Gulat na wika ng aking kaibigan nang mag kwentuhan kami.

Bakit nga ba?

Di ko lang kasi kayang ibigay dahil di pa ako handa kung siya na ba talaga! Pinalaki kasi akong may takot sa Diyos kahit nasa makabagong henerasyon na ngayon pero di pa rin nawala sa akin ang prinsipyo ko na “KASAL MUNA BAGO KAMA!”. Natawa ang kaibigan ko sa linya ko dahil nasa makalumang panahon pa rin daw ako at agad niyang sinabi na.

“NAKU ISANG PALIGO LANG YAN WALA NA YAN KAYA HUWAG KANG MATAKOT SA UNA LANG YAN! MASASANAY KA DIN!”

Hindi naman ako natatakot, hindi naman ako nagmamadali kahit 32 years old na ako. Ngayon alam kong may darating na para sa akin at pag uukulan ko ng VIRGINITY ko at yun ay ang magiging kabiyak ko someday! Naniniwala pa rin ako na may TAMANG ORAS AT PANAHON! AT TAMANG TAO PARA SA ATING LAHAT.

Photo credit: focusonlinecommunities.com

Enhanced by Zemanta