by
on
under ,
tagged , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author hazelmallows

Kung Bakit Hindi Pa Malaos Ang Facebook

Ayon sa timeline ko, October 2008 ipinanganak ang account ko sa Facebook, pero naging active lang ito ‘nung 2009. At mula noon, dito na umikot ang mundo ko.. at nang lahat ng tao sa buong planetang ‘to. Sa NAPAKAraming dahilan, ayoko na mag-Facebook.

Ewan. Pero tingin ko kasi, simula ‘nung nauso ‘yang Facebook na ‘yan, walang ni isang araw sa buhay ko ang naging mapayapa. Nabawasan ang sipag ko sa pag-aaral, nabawasan din ang oras ko sa pagtulog nang dahil dito, tulad ngayon. Parang sa lahat ng oras, nag-iisip ako ng status message ko para mamaya. At wala pang ni isang minuto mula ‘nung nag-check ako ng Facebook ko, titingin na naman ulit ako sa account ko para makita kung anong bago. Katumbas na ng mga basic necessities ng tao ang “Facebook-ing”. At sa mga panahong ito, kung wala kang Facebook.. di nga? WALA KANG FACEBOOK??? SERYOSO??? PAGAMOT KA NA OI!!! Tsk.

Buti pa ‘nung panahon ‘nung Friendster. Bawat “Testi” (testimonials), mahalaga at punung-puno ng saysay. Lahat halos ng “Friends” ko ‘dun, eh friends ko talaga sa totoong buhay. ‘Yung mga friends ko sa FB, kalahati ‘nun ewan kung saang lupalop ba nagmula. Lahat ng pictures na inupload ko, punong-puno ng mga magagandang alaala. Sa FB kasi, makalabas ka lang ng bahay, hala sige upload na ng pagmumukha. Nagsisisi ako kung bakit ko ba binalewala ‘yung sabi ng Friendster na magsha-shut down na nga sila, hindi ko tuloy nakuha ‘yung mga iba kong picture at makabuluhang messages mula sa mga kakilala ko.

Kung gaano karaming magagandang dulot ang Facebook, ganoon din naman karami ang mga hindi magaganda. (Sinabi ko na lang na pareho lang ng dami, Ninong ng anak ko si Mark Zucker..something.) Isa sa mga ito ay ang kawalan ng saysay ng paghihiwalay. Sa tingin ko kasi, mawala ka man sa piling ng mga taong nakasama mo, balewala lang din. Mag status message ka lang maya’t-maya at magupload ng mga pictures, solve na ang pangungulila ng mga naiwanan mo. Konti na lang ang sense ng “I miss you.” Hindi naman din kasi lahat ng nagsasabi ng phrase na ‘yan eh miss ka nga talaga, madalas eh for “formality” lang. Kumbaga, magkalayo tayo eh, eh di I miss you. Sabi nga ng kaibigan ko bago ko umalis ng bansa, “Sus. May Facebook naman, ‘di rin mararamdaman na wala ka. Wala rin.” Kaya ayun, na-unfriend ko tuloy siya sa Facebook.

Okay din naman talaga ang Facebook. Lahat kasi ng emotion po pwede mong isiwalat dito ng basta-basta na lang. Mula sa pinakamasayang damdamin hanggang sa pinakanakakasuklam na saloobin, isang matinding status message lang ang katapat, makakahinga ka na nang maluwag. Nasarapan nga lang ako sa pag-ihi, naibalita ko na sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Sa Facebook din kasi magagawa mo na ang lahat ng gusto mo sa isang social networking site. Pwede kang mag-post/share, mag-comment, makipag-chat, makipag-video chat, makipaglambingan at makipagmurahan. Lahat din halos ng mga websites eh may cross-posting na application sa Facebook (tama ba pagkakasabi ko?). Kung pangnegosyo naman ang hanap mo, mag-create ka lang ng page at ipa-like mo sa kung-sinu-sino, buhay man o patay, bagong silang man o madedeads na, sigurado kikita ka at mababawasan na nang kaunti ang gagastusin mo para sa marketing. Kung gusto mo namang manghatak ng mga viewers sa video mo sa YouTube, you know what to do. “The power of social networking,” ika nga.

Kung walang Facebook, siguro, pagbalik ko sa ‘Pinas, mas triple ang pagkamiss sa’ken ng mga malalapit na kaibigan ko. Kung walang Facebook, siguro natutulog na ako ngayon at magkakaroon ng sapat na oras ng tulog. Kung walang Facebook, siguro kung galit man ako sa’yo, mapag-uusapan natin ‘yun nang maayos nang walang nakakaalam na minura na pala kita. Kung walang Facebook, malamang malayo pa ang deadline, tapos ko na ang thesis ko. Kung walang Facebook, mas mataas sana ng 10 points ang score ko sa Math kasi mas mahaba ang oras ko sa pag-rereview ‘nung nakaraang gabi. Kung walang Facebook, mas may saysay ang bawat segundong lumilipas sa buhay ng tao at hindi nasasayang sa pag-iinternet lang. Kung walang Facebook, mas magkakaroon ng kabuluhan ang bawat bagay, at hindi lang basta-basta nasusukat sa dami ng “comments” at “likes.” Kung bakit hindi pa malaos ang Facebook. (Owws)

Hindi ko naman sinasabing walang kwenta ang Facebook, dahil ako rin naman nakikinabang nang husto dito. Nagiging nonsense lang ‘to nang dahil sa pang-aabuso ng mga taong gumagamit nito. Kung paano? Eto piso. Kausapin mo sarili mo.

Pa-like. Please po?


Photo Credits: www.addictionblog.org

Enhanced by Zemanta

You may also like these articles:

  • G.Kabalyero

    Undeniably nakaka-addict naman talaga lalo na sa simula. Kanya-kanyang disiplina na lang yan. Nice blog anyway. “Pa-like. Please po?” LOL 😀

  • nasa gumagamit yan, ikaw ang mgdala sa fb hindi ikaw ang dadalhin ng fb!

  • But I didn’t say that Facebook should be gone.

  • Amy

    I used FB almost as my journal… Why? Because it pleases me. Of there will be negative side of using this everyday but what if you’re alone and everybody is ocean apart from you? I get homesick and depress here but when i started using FB as an outlet to ease out on what i feel, it helps a lot. So it depends on the person. If you feel it is getting baduy because pinoy does that… Think about some consideration.

  • tikboytikas

    Hayaan ninyo malalaos din yan kapag na overrun yan ng mga Pinoy. Kapag dumami na ang mga baduy sa Facebook dahil dagsa na ang mga Pinoy magiging parang Friendster na din yan. Magkakaroon na ng “white flight” sa bagong site na lilipatan ng mga ibang lahi na tumatakas sa kabaduyan ng Pinoy.

  • mark gil anthony lopez

    Well, facebook has its ups and downs! We cannot blame it to fb itself but ourselves.. we are the one making the facebook that is why it’s still there same thing what happened to friendster, it was one of the cool thing back then but it looses its charm and before we know it, it was gone.. hopefully facebook maintain its status otherwise we will going to witnesses the doomsday of the biggest social networking ever graced the lives of the human civilization..

  • simply complicated065

    hehe,. may point kac: depende rin talaga sa tao kung pano gagamitin ang mga social networking sites, ako kasi, my friends tell me na I’ve been so “emo” and nega when it comes to my status updates, haha dun ko lang kasi nalalabas yung sama ng loob ko, pero yeah, mas magandang pag-usapan ang mga bagay na ganun ng personal,. ay ewan, ang facebook ay may negative and positive effect,. we users just have to be responsible in using the net so it will give us positive outcomec:

  • jmac

    True. I made an fb account hung bago pa lang ito, kakaunti pa lang nakakaalam, di pa sikat dito kaya nilisan ko kasi wala akong nagagawa. taong 2009 ay binalikan ko itong muli at naging active. Totoong nakaka-aadict ito noon, magpopost ka, pics. Syempre, bago. But since early 2011, nag-sawa na ako. Bawat kwento alam mo na kaya pag nagkita kayo wala nang new stories. Picture na lang bago matulog ay i-popost pa. Status ngayon, status mamaya. Makabili lang ng bagong sapatos ipagyayabang na sa fb. Mag-away lang kung saan magdedate, papalitan na ang status ng “single”. It is useful for those in abroad but it has made people somehow vain. I still do upload pics on it but just for the sake of reminiscing special moments or preserving it, tulad hung sinabi ng author about freindster.

  • Lawrence “sikat”

    ANG DAMING TATAMAAN DITO. HAHAHA ISA NA AKO SA TINAMAAN. XD

    -idol

  • bruno ereve

    sa fb dumame ang mayayabang at nagsisipag away,dumami rin naman ang naging magkakaibigan..(pero andun pa din ang payabangan hehehhe) at isa na ako dun kaya nga minabuti ko na pong i closed ang fb acnt ko..kase nakakasawa na ang mga emotera at mga pa vain effect..plus walang ginawa kungdi maghimutok ang butse.. :))kaya good bye fb( for the meantime? ) …

  • Para sakin malaking ang tulong ng fb dahil nakikita ko ang latest ng mga picture ng family ko lalo na malayo ako sa family at mga ank ko.. So sa mga hindi marunong magdeciplina sa sarili nla try nyo…. D nman masama may dulot na masama lahat ng bagay NASA atin Lang Kung paano gamitin…

  • Seventeen

    haha! mahirap tiisin ang FB… minsan tuloy un mga taong ayaw mo ng makita, mga taong nakasakit sayo, matetempt ka pa din tignan un profile nila wah! ang hirap tuloy maka move on hehe!

    • dans

      korek! hahaha

    • blueberry

      I hide ma nalang sila repa hahaha..gawain ko kasi yun..pag meron akong ayw mkitang friend ko sa fb hide ko sila haha..

  • Maia

    Like!

  • Simply Amazing

    kahit wala kachat o ano man, online maghapon sa FB. Umpisa pa lang ng trabaho kasama na si Fb ahahhaha…. ano nga kaya kung mawala ang Fb? ahmmmmmmmm ok lang hahahaha

  • zekieblackdevil

    Like ????????????

  • romina

    like! 🙂