by
on
under , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author WithLoveAriane

Kasalanan Bang Mamatay Ng Mahirap?

About WithLoveAriane

I am 24 years of age and a nurse by profession. Weblog has been my outlet for self-expression. I started way back in 2007. It is not the minutiae of my everyday life. Rather, a portal that opens up my thoughts and feelings to my trusty friends - my multiply contacts. It gives me voice to things I am not prepared to say to someone's face. And for years of blogging, I realized that 95% of my entries were written in English. So I thought of this - making a public blog account - a hundred times. I am not sure the world would probably want to hear what I’ve got to say. But I really do love expressing myself through writing and I believe I still have a lot to say - in my native language. With Love, Ariane

old beggarMay nakita ka na bang matandang puti na ang lahat ng buhok na nagtitinda sa mga overpass? Matandang tila wala ng lakas sa kapayatan na naglalako ng sampaguita sa mga simbahan, palengke o kalsada? Matandang nakasalampak sa lupa, baluktot ang likod na may katabing lata?

Anong naramdaman mo? Nakaramdam ka ba ng awa at kirot sa iyong puso? Ano ang ginawa mo? Bumili ka ba ng itinitinda nila o nagbigay ng limos?

Kung Oo ang sagot mo, marahil isa kang maka-lolo o makalola. O dumadaloy pa rin sa dugo mo ang pagiging isang tunay na Pilipinong may paggalang sa nakatatanda at kapwa kahit pa  hindi mo naman personal na kakilala.

Sabi ng mama ko, wag na wag daw naming kalimutang magbigay ng tulong sa tuwing makakakita ng ganun. Mas mabuti na kami ang nagbibigay kaysa binibigyan. Gayundin ay ang pagpapaalalang pangalagaan ang kung anong meron kami para sa hinaharap upang hindi matulad sa sinapit nila.

Pero dapat nga ba silang kaawaan? Hindi dapat, ang sabi ng professor ko noong nasa university pa ‘ko. Siyempre natahimik kaming lahat sa klase. Tapos nagsimulang bumagsak isa-isa ang mga mukha at magbulungan. Lahat may violent reaction. Hindi namin inaasahan na manggagaling ang mga salitang iyon sa matalinong professor na iginagalang at tinitingala naming lahat at ng kapwa niya mga guro.

Ngunit bago pa man tuluyang mag-init ang malamig na klasrum, nagsimula na siyang magpaliwanag. Hindi sila dapat kaawaan dahil matatanda na sila. Dapat kaya na nila ang sarili nila. At para pagtibayan ang kaniyang sinabi, nagpatuloy siya sa pagsasabing, binigay na sa kanila ng Diyos ang lahat ng pagkakataon para pangalagaan at pagyamanin ang kung anong meron sila. Nabuhay sila ng ilang dekada nang hindi man lang naaayos ang buhay nila.

At mas lalong natahimik kaming lahat. May punto ba si prof? Sabi nga, hindi mo kasalanan kung pinanganak kang mahirap pero kasalanan mo kung mamamatay kang mahirap. Marami naman tayong napapanood, nababasa at naririnig na kwento ng pakikibaka ng mga taong nagmula sa kahirapan pero pinilit makaahon at nakarating sa rurok na kanilang kinalalagyan.

Kung babalikan ang nakaraan, marahil sila yung mga hindi nag-aral ng mabuti sa eskwela. O di kaya’y dating mga mayayaman na inubos ang lahat ng pera at karangyaan sa mga walang kabuluhang bagay. O maaari rin namang naging mahina lamang sila sa mga pinagdaanang pagsubok ng buhay kaya’t tuluyang nasadlak sa putikan. O pwede rin namang biktima lamang sila ng pagkakataon. Isinilang ng mga magulang na walang sariling tahanan at maski mga sarili ay hindi kayang pakainin. Mga taong namamalimos rin at naiiraos lamang ang pang-araw-araw na buhay mula sa kaunting barya na tulong ng mga taong nakakasalubong nila sa daan.

Nakakaawa? Siguro nga. Gayunpaman, nararapat lamang na tulungan natin sila sa mga huling sandali ng kanilang buhay at gamitin ang mga kwento nila bilang paalala na hindi natin dapat aksayahin ang mga pagkakataon na ibinibigay sa atin ng kapalaran.

First published: nagmamahal-ariane.blogspot.com

Photo credit: davaotoday.com

Enhanced by Zemanta

You may also like these articles:

  • dani bayani

    ur sof may be right, bv since he is not a judge but a prof, tell him not to judgeg he doesnt know d history of these old people. Maglimos 7ya kung gusto nya, kung ayaw nya, fine, but he must not tell other people thad these old paupers are to blame for their state. Maraming maaaring maging dahilan. Nice read, though. 🙂

  • Agree ako sa iyo Rowena kung mamatay ka na mahirap dito sa lupa okay lang basta sa kabilang buhay mayaman ka. Yung iba kasi ipinagpapalit ang kanilang kaluluwa kapalit ng kaginhawaan dito sa lupa lalo na yung mga politicians diyan. Pero hindi naman dapat na sobrang hirap na kahit pagpapalibing ay ipinapalimos pa… meron namang sss kaya habang bata pa dapat magtrabaho, mag acquire ng skills para makapasok sa mga company kasi kailangan ay maging competitive.

  • halos lahat namn ng tao ay nag susumikap upang makaranas ng gihawa sa buhay,kaya lang nagkakataon talaga kahit anung pagsusumikap sa buhay,wala talaga,sadyang ganun yata ang kapalaran ng ibang tao,kahit bigo tayo sa lahat ng bagay,andyan ang DIYOS,upang tayo ay gabayan sa lahat ng oras,dumanas man tayo ng hirap sa ibabaw ng mundo,makakaranas naman tayo ng ginhawa sa kabilang buhay..always pray,because..GOD LOVE US…

  • Dapat kaawaan. Hindi namin alam kung ano talaga ang kanilang nakaraang buhay, isa lang ang malinaw na sinabi ng Diyos maawa at magbigay ng tulong sa dukha. Walang Siyang sinabi na alamin mo muna ang kanyang nakaraan.

  • b

    At kailan nman naging kasalanan ang pagigigng mahirap at mamatay na mahirap? WAla nmana nakasaad sa bible na kasalanan ang pagiging mahirap. Saka mano naman kung mahirap ang isang tao>? naku sa dmai ng taong mahihirap sa mundo inde na kaiba ibang nayo na mkita mo namamalimos. hindi naman dapat maging issue ang pagiging mahirap whether or not kasalanan ba.
    Kuna mahirap sya, mahirap sya, wag nang alamin bkit sya nghirap, mgbigay sa mga nmamalimos kung gusto, kung ayaw, e di wag.
    Problema na nila un. Tutal di mo nman sya kakarguhin s buong buhay nya.

  • hindi..pero ganyan talaga kung mahirap ang isang tao.kahit matanda na kailangan paring magtrabaho at kumita basta kaya pa ng katawan niya para lang siya mabuhay..

  • alam niyo gamitin niyo yan para matupad ang pangarap niyo…. yan ang gamit ng pera….

  • Dark Knight RF

    Dapat nga nilang inalagaan ang buhay nila sa pag-ahon sa kahirapan pero andyan na, hindi na natin maibabalik pa ang mga dapat sana nilang ginawa. Wala ng magagawa kung di ang tulungan sila sa kanilang kalagayan. Sa kabilang banda agree ako sa sinabi ng Prof mo na ilang dekada na ang lumipas pero hindi nagamit para umunland, kasi binigyan tayo ng talino at talento para pangalagaan ang ating sarili. Nice blog!

  • sr maam pwede ko bang e repost sa blog ko to ng ma e share ko sa mga kakilala ko???

  • Bakit nman kya pinapabayaan lng ng kanilng mga kamag anak o kya mga anak nla na matanda na at magtinda o magpalimos sa mga bangkita,,,, walng mga puso ung mga kamag anak nla na pinapabayaan nlng cla nakakaawa talaga dba?……

  • hindi..pero ang piliin na mamatay ng mahirap ewan ko lang..pero depende pa rin sa plano Niya..

  • oo naman,,ndi nga lang yan eh !kung nakakakita ako ng matatanda na naglalakad sa mainit na kalsada na walang tsinilas awang awa ako parang si lolo ko yun at lola ko umiiyak ak

  • No!surely that Lola will go to heaven…

  • definitely yes