by
on
under
tagged , , , , , , , , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author Julius Jake M. Arellano

Byahe ng Buhay

About Julius Jake M. Arellano

B.S. Agriculture Graduate, UPLB Batch 2007, Regional Technical Staff at the Department of Agriculture Regional Field Unit IV-B MIMAROPA, from Calapan City, Oriental Mindoro

http://blogs.cooperhealth.org/?option=Can-U-Get-Rich-Off-Penny-Stocks Can U Get Rich Off Penny Stocks

http://automotorblog.com/?option=Binary-Option-Robot-Top-Handeln Binary Option Robot Top Handeln

Can You Really Make Money With Online Marketing

Stock Futures December 15 2016

http://automotorblog.com/?option=Fx-Binary-Option-100-Free-Broker Fx Binary Option 100 Free Broker

Pag nagbabayahe ako by land ( Cubao-Lucena, Cubao-Batangas, Manila-Baguio) aliw na aliw akong manuod sa mga taong nadadaan sa mga kalye. Kahit sa sandaling panahon na nakikita ko sila sari-saring kwento ang tumatakbo sa isipan ko.Yung tipong ikaw ang director at sila ang cast ng istoryang pinipilit mong mabuo sa mga sandaling nakita mo sila.

“ Ah siguro mag syota yun tapos magkaaway “--nakatalikod kasi yung girl dun sa boy habang nagaantay sila ng sasakyan sa may waiting shed.

“Ah siguro naiinis yung bata sa nanay nya kasi hindi nabili yung laruan na gusto nya sa mall” –nakasimangot kasi yung bata habang hawak siya ng nanay nya na pumapara ng taxi.

“Mag-a-apply ito ng trabaho”—Posturang postura kasi, Formal na Formal, Dress to kill ang tawag ng iba !

“Siguro late na yung lalaki, tapos panay na ang tawag ng boss nya kung nasan na siya” —May kausap kasi yung lalaki sa phone tapos hindi pa siya magkaintindihan kung aling sasakyan ang paparahin para lamang makarating sa lugar na patutunguhan nya.

Iba’t ibang mukha ng buhay, kanya kanyang byahe, kanya kanyang lugar na pupuntahan at syempre kanya- kanyang istorya sa malikot kong isipan.

Pag nalampasan ko na ang mga taong nagiging subject ng aking short stories, napapaisip ako kung ilan kaya sa mga tyambang istorya ko ang tumama sa totong mga buhay nila. Ilan din kaya sa kanila ang katulad ko, na nakakatagpo ng saya sa bawat lugar na pupuntahan, sa bawat sasakyang magdadala sa akin sa byahe ng aking buhay .

Kapag eroplano naman o kaya barko, puro malawak na space naman ang nakikita ko. Gustuhin ko mang gumawa ng istorya sa kung ano ang mga nakikita, parang wala naman akong maging subject. Puro ulap, minsan puro puti lang. Minsan puro tubig, minsan maulan, minsan maaraw. Sa mga pagkakataong katulad nito, ang sarili ko na ang nagiging bida sa istoryang nabubuo ko. Sa mga istoryang minsan may hawig o minsan sobrang layo sa totoong kwento ng buhay ko.

Hindi ko alam kung bakit pero the feeling is just addictive. Parang droga lang, parang nicotine sa mga yosi, parang tamis ng chocolate, parang linamnam ng blueberry cheesecake, at parang sarap ng bagong magnum ice cream ang dating! Nakaka-adik talaga. Yung pakiramdam ng gumagalaw na sasakyan, dumadaong na barko, lumilipad at lumalapag na eroplano, humihinto at umuusad na tren, pa hinto-hintong bus at jeepney o simpleng lakbay diwa lang sa gitna ng santambak na paper works sa office. Lahat yon hinahanap ng puso at isipan ko sa mga sandaling nababagot ako sa mga daily routines na ginagawa ko.

Bahagi na talga ng buhay ng tao ang pag byahe. May byaheng malapit, merong malayo,, may mabilis at meron sobrang bagal. What’s nice in travelling is that nararamdaman mo na hindi lang mundo ang gumagalaw para sayo. We all know that we are part of this moving world pero iba pa rin yung nararamdaman mo na ikaw mismo ang gumagalaw at sumasabay sa byahe ng buhay. Nararamdaman mo na kahit gano man ito kaiksi o kalayo, kabilis o kabagal, in the end you’ll know for yourself na meron kang patutunguhan.

So ano pa ang iniintay nyo? Tara na !! Byahe na ! !

Photo credit: vagabondish.com

Enhanced by Zemanta

  • Ralien

    Fellow travellers, TARA NA, Byahe tayo…?? Oh kay ganda ng mundo!???

  • Virra Eunille Padernal

    ganyan na ganyan din po ang nararamdaman ko tuwing nagbabyahe aku.. pero kadalasan sa jeep ko lang po nararanasan yan…. pag wala akung masyadong maisip na gagawin …. gumagawa po ako ng short stories sa mga taong kasakayan ko sa , at sa mga taong parati kong nakakasabay na parang akala ko’y kakilala ku na…….. Maraming salamat po sa inyung journal … naging inspirasyon ko ito para makagawa rin ako ng sarili ko..

  • Simply Amazing

    ung tipong tuloy-tuloy ang byahe ng walang patutunguhan. Feeling relax ako nun. Kahit pagod sa trbaho minsan talaga lalabas ako ng bahay at lilibutin ko buong DUBAI. kahit sa iskinitang sobrang trapik, wala un sa akin mahalaga makapg libot ako….. Natutuwa akong nakikita iba’t ibang galaw ng mga tao.. hehehee