by
on
under
tagged , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author phernie

Bayan Ampunin Mo Kaming May Kapansanan

check How To Win In Binary Option Secrets Quote

Us Stock Market Tips

view Trading On Murrays Forex Of Videos

http://adelaidedivewreck.com/?option=Minimizing-Your-Loss-In-Trading-Binary-Options Minimizing Your Loss In Trading Binary Options

Free Trading With Binary Options No Deposit Bonus

MMDA foot bridge na hindi akma sa may kapansanan
Hindi lamang sa insfractura maging sa hanap buhay ay limitado ang may kapansanan. Walang Malinaw na batas na nagbabawal sa mga kumpanya na tumatanging tumanggap ng may kapansanan. Walang napaparusahang kumapanya na nagmamaliit sa may mga kapansanan. Mapili ang mga kumpanya sa mga manggagawa lalo na’t kung ito ay may kapansanan. Unang itatanong sa iyo “kaya mo ba?” (haleer!! kaya nga nagaaply kasi natapos niya ang kurso at nakapag ojt at alam niya na kaya niya) very discriminiative ang tanong ng ilang HR sa Pilipinas. Kaya kalimitan sa may kapansanan nalilimitahan sa mga trabahong teknikal lamang tulad ng handicrap making. Marami ang nagmamaliit sa kakayahan ng isang may kapansanan dito sa ating bayan.

Sa pagmamaneho naman ng sasakyan masayang may laya kaming gawin ito ang malaking problema lamang ay hindi bibigyan ng rehistro ng LTO o LTFRB ang may kapansanan kung ang gamit niya ay ATV o all terain vehicle kahit na ito lamang ang kaya niyang imaneho, dahil sa rason na hindi alam kung ito ay kotse o motor ( ano ito pera pera).

Lubos akong nagpapasalamat sa mga establishment na nagbibigay ng sapat na kalinga sa may mga kapansanan. Mga sangay ng gobyerno na nakakaunawa, at mga tao na may puso sa mga tulad kong may kapansanan. Hindi ako humihingi ng importansiya o lahat ng mga bagay ay ibigay sa amin, ang gusto ko lamang ipahatid sa lahat ng ito ay wag kaming maliitin, may karapatan din kami at nais naming mamuhay ng sapat at normal tulad ng sa iba, yung tipong hindi nalilimitahan yugn tipong nauunawaan hindi kinaaawaan. Pisikal man ang aming kakulangan ngunit hindi ang utak at puso, sana naman mas dumami at mas lumuwag pa ang serbisyo sa tulad naming hindi sapat ang kakayahan sa lahat ng bagay. Sana maabot ng serbisyo ang lahat ng may kapansanan hindi lamang iyong may alam kundi mas lalo na yung walang alam sa mga serbisyong ito. Masaya ako at ilan sa mga serbisyon ito ay nagagamit ko. Pero sana mas akma ito sa may kapansan na tulad ko.

Bayang Pilipinas nawa’y mas maging mapag ampon ka sa aming hindi pinalad sa pisikal na kakayahan.

-phernie

Photo credit: en.wikipedia.org

Enhanced by Zemanta

  • Yan ang masama sa ibang sangay ng aging bansa walang pakialam sa nararamdaman ng ibang Tao. Sana Naman maging silbing aral e2 sa mga taong walang pakialam sa may kapansanan……. Hayaan poh natin clang mamuhay ng normal at ibigay Kung anu ang nararapat na serbisyo sa knila………

  • Nerissa Mercurio

    meron akong 3taong gulang n PWD n anak.cerebral palsy epileptic sya..magastos sa gamot,therapy,transportasyon, etc kaya’t malaking tulong sana ang diskwento n ibinibigay ng gobyerno..pero upang magamit mo ito kailangan mo ng booklet..makukuha daw ito sa DSWD..nagtungo kmi ng anak ko sa DSWD subic..sabi ay di pa available ito sa aming bayan..ang anak ko ay nagte therapy sa olongapo city..doon ang dswd olongapo ang lumalapit sa eskwelahang maraming special kids with special needs..tinanong ko kung pwede bang makahingi ng booklet kasi may ID n anak ko..kung tiga subic daw kami at doon naka rehistro ang anak ko dapat doon kmi manghingi ng booklet.di daw basta basta pag release nun.may seminar n inaatenan ang mga DSWD officials at alam yun ng official nmin n SOP yun.tama nga naman..kaya nagtungo kmi ng anak ko sa DSWD subic..sa kasamaang palad di p raw available..sinabi kong sa olongapo ay available n at sila ang lumalapit sa may mga kapansanan..sabi sa akin humingi daw ako sa olongapo ng sample at ipagagaya nila..nagulat ako sa sinabi ng sekretarya..di ba nya naririnig sarili nya? ako n may bitbit n special n anak ang pinagagawa ng trabaho nila? gusto kong magwala at magalit para malaman nilang trabaho nila iyon..nakakahiya naman sa DSWD officials ng subic..nakakaabala kmi sa kanila.. ano na nga ba ulit ang trabaho nila? tsk..