Ako’y naging isang anak noon na hindi maunawaan o maintindihan ang  payo ng isang magulang.

Minsan dumating sa buhay natin ang magsinungaling sa magulang masunod lang ang mga hangarin natin, ang magalit sa kanila ng patalikod, dahil hindi natin sila maunawaan, dahil feeling natin sila lang ang pwedeng magcontrol ng buhay natin. May katwiran pa tayo sa ating sarili na,

“May sarili akong buhay,  bakit ba lagi na lang akong pinapagalitan, wala na ba akong ginawang tama, bakit ba wala na akong kalayaan?”

Maraming tanong sa isip natin noon na tayo ay isang anak pa lamang. Sadyang mahirap unawain ngunit dumarating sa punto na sukdulan na ang galit mo sa kanila hanggang sa gawin mo na ang lahat maging masaya ka lang. Kaya lagi nating nilalapitan ay ang kaibigan natin at duon tayo naglalabas ng sama ng loob.  Ano man ang lupit o higpit ng mga magulang natin o iniisip natin na wala silang kasing sama… tandaan nating magulang natin sila at magpasalamat tayo at naisilang tayo sa mundo maging mali man ito o tama.

Ngunit inisip ba natin minsan na ang magulang natin ay naging anak din at kaya tayo pinagsasabihan dahil naranasan na nila o nadaanan na nila ang mga pagdadaanan mo ngayon? Nagkamali rin sila noon at ayaw nilang mangyari sa atin dahil mahal nila tayo.

Ano kaya ang magiging buhay natin kung tayo ay pinalaya sa mga gusto natin? Mararamdaman ba natin na mahal tayo ng magulang natin?  Ang lahat ay pagsubok lang ng Panginoon sa atin at kailangan nating maging matatag dahil darating ang araw na ikaw ay magiging magulang din.

Tandaan natin na tayo ay naging anak at darating ang araw na tayo ay magiging magulang din. Nakahanda ba tayo  na maging isang magulang? Pano mo ba palalakihin ang mga magiging anak mo kung ikaw na ay isa ng magulang?

Ito ay opinyon lamang at hindi nangyayari sa lahat. Wag sana tayong maging balat sibuyas at napag-uusapan lamang.

GOD Bless.

Photo credit: axlppi.com

Enhanced by Zemanta