Ako yung tipo ng tao na kapag ayaw ko o wala akong interes, makikita mo talaga na wala akong pakialam. Yung tipong deadma lang pag di ko gusto. Nakakatawa isipin na yan ang nirereklamo sa’kin ng boyfriend ko for 2 1/2 years na relationship namin. At aaminin ko, apektado ako dun pero di ko magawan ng paraan…kasi nga nakasanayan ko na…at yun talaga ugali ko.

Ganito ang eksena: First time ko nameet ang barkada ng boyfriend ko nung hindi pa kami. FYI, isa sa barkada niya ang naging tulay para maging kami. Mahabang istorya. Eto na muna…nung una ok kami ng barkada niya, nakakasama ako sa mga lakad nila at sa inuman sessions nila. Dumating lang yung point na lagi na kong tumatanggi pag niyaya ako ng boyriend ko kasama sila. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng konting selos. Inisip ko na lagi na lang sila, pwede ba tayo naman muna?…tayong dalawa lang muna?. Hanggang sa matagal ko na silang hindi nakasama, then one time, I decided to be with them again, and ayun nagkaroon na ng gap, pag magkekwentuhan sila hindi ako nakikisali. Hindi ko alam kung nahihiya lang ako o takot lang akong makisalamuha sa kanila ulit.

At eto pa, ngayon kasi parang ang dami nang nagbago sa ugali ko. Hindi na ko yung tipong go lang sa lahat ng bagay gaya ng dati. Dami ko nang limits sa sarili ko. Dala ba ito ng maturity o dahil natakot na akong mareject o may masabing masama ang iba sa’kin? In short, now, I am afraid to come out of my shell. Yan din ang dahilan kung bakit tahimik na ako pag nakakasama ko ang circle of friends ng boyfriend ko.

Hanggang sa tuluyan ng lumala…yun na yung lagi naming pinagaawayan ngayon hanggang sa dumating sa punto na sinabi niya sa’kin na ayaw niya na kong isama nung pupuntahan niya barkada niya. OUCH sobrang sakit di ko alam kung bakit. Nanahimik lang ako nung sinabi niya iyon habang kinukurot ang puso ko sa sobrang sakit. Bakit ba sobrang sakit. Haaaay. May point naman siya, ayaw niya na kong isama kasi daw parang wala naman akong interes.

Gusto kong maging kaclose barkada niya kasi importante sila sa kanya. Napatunayan niya na yan sa maraming pagkakataon. Kapatid na lang turing niya sa barkada niya. Dahil dun, gusto ko sila makilala ng lubusan. Pero di ko magawa. Gusto ko silang iplease pero di ko magawa kasi ibang-iba na ko sa kanila at ayoko namang pilitin na isiksik sarili ko sa kanila kasi nga hindi swak! Hindi talaga.

Sobrang nasasaktan pa din ako pag naiisip ko yun. He loves his circle of friends and I wanted to be in that cirle…because I love him so much…at nasasaktan na ko dahil hindi ko magawa…to the point na iniisip ko maghiwalay kami dahil feeling ko hindi ako mag-fit in sa barkada niya :’(

Enhanced by Zemanta